Unknown

150 6 0
                                    


Hello po spookify! Itong story po na ito ay personal experience ko. Nangyari po ito noong buntis po ako.

More than 1 month preggy po ako noong nakitulog ako sa kwarto ng kapatid ko dahil sa takot. Feeling ko kasi laging may nakatingin sakin lalo na kapag alanganing oras ay nagigising ako. Hindi ko namalayan na tulog na pala ako at na nanaginip, yung higa ko ay nakadiretso lang at kitang-kita yung bubungan, nang biglang may mahabang dila ang pababa galing sa bubong diniladilaan ang mukha ko. Pilit akong sumisigaw ng tulong ngunit parang wala silang naririnig. Nakikita ko ang paligid ko at ang dalawa kong kapatid na natutulog pati na rin ang pinsan kong sa lapag nakahiga at nagse-cellphone hanggang sa naramdaman ko nalang na umungol ako at dun lang ako nagising. Tinanong ko agad sa pinsan ko kung anung oras na at hindi na ko nagkwento pa. Mag-aalas dos na pala yon ng madaling araw.

7 months na ang tiyan ko at mula 5 months hanggang sa kasalukuyang pagbubuntis ko ay mahilig akong maglakad ng hapon upang mamalengke. Medyo bundok po ang lugar namin at feeling ko exercise ko na rin ang paglalakad, sinasamahan naman ako ng asawa ko kaya kampante ako. Isang beses sa pamamalengke namin medyo makipot ang daan sa looban ng palengke kung kaya't ako ang nauuna maglakad sa asawa ko ng may nakasalubong akong matandang babae. Hindi ko na matandaan ang kanyang mukha dahil hindi ko naman iyon pinagtuunan ng pansin. Nagulat nalang talaga ako ng hawakan nya bigla ang tiyan ko sabay lakad ulit. Sinabi ko iyon sa asawa ko at hahabulin nya sana ang matanda ngunit dahil may mga dumadaan din hindi na nya nahabol pa.

Makalipas ang ilang araw, 7 months pa rin ang tiyan ko nito. May kumakaluskos sa bubungan namin parang kinukutkot yung bubong. Kinaumagahan ay ikinuwento ko ito sa tita ko at sabi nya maglagay daw ako ng beinte singko (25 cents) sa pusod ko at gamitin kong pangtakip ang ginamit/pinaghubaran na pantaas ng asawa ko.

Ilang gabi na sunod-sunod ang nangyari na yun na tila may tao sa bubungan namin hindi lang kaluskos kundi mabigat na parang naglalakad ng dahan-dahan halos hindi ako makatulog sa sobrang takot. Nilagyan ko na rin ng asin at bawang ang gilid ng bintana namin dahil sa takot lalo na at panggabi ang asawa ko.

Lumala pa ang pagdalaw-dalaw na yon ng hindi ko alam kung anong nilalang hanggang sa hindi na pumapasok ang asawa ko para bantayan ako sa gabi.

Isang araw bumisita ang kuya ko sa amin at nakwento ko sa kanya ang nangyari. Noong una ayaw niyang maniwala at baka daw daga lang yun. Pero parang imposible naman kung iisipin dahil mataas ang bubungan namin at bakit sobrang bigat kung daga lang yun kaya sinabi ko na abangan nya nalang mamaya. Mag-aalas dos na ng madaling araw ng may naglalakad na naman sa bubungan namin. Doon lang talaga sya paikot-ikot kung saan ang kwarto naming mag-asawa at kung saan nakalagay ang higaan namin. Minura sya ng asawa ko at biglang tumakbo yung nasa bubong papunta sa harap ng bahay. Agad lumabas ang kuya ko at ang asawa ko ngunit wala silang nakita na kahit ano.

Pinaka-worst na nangyari ay yung gabing parang binubungkal na nya yung bubungan namin. May hawak pa akong walis tambo, kutsilyo naman hawak ng asawa ko at pinagmumura nya yung nasa bubungan sobrang bigat ng yabag nung nasa taas at narinig ko nalang na may humapay sa likod bahay namin (likod ng kwarto naming mag-asawa) takot na takot akong silipin sa bintana pero dinig ko kung paano gumalaw ang mga sanga ng puno sa likod ng bahay. Binuksan ko lang ang bintana nung lumabas yung kapitbahay namin na may dalang malaking flashlight (parang spotlight) at inilawan yung buong paligid. Tinanong nya kung ano yon at sobrang lakas daw ng paghapay ng sanga ng puno. Sabi ko naman hindi ko po alam at galing yun sa bubungan namin.

Yun yung pinaka-last hanggang sa nakapanganak na ako pero grabe nakakatakot na para sa akin yon tipong gabi-gabi kaming hindi makatulog ng maayos dahil baka nandiyan na naman sa bubong namin. Na-trauma nga yata ako dahil noong nakapanganak ako at sanggol pa ang anak ko ay hindi ko iniiwan dahil sabi nila mabango daw yung mga baby lalo na't bagong panganak.

Btw, magkakalayo po ang mga bahay namin at mapuno po sa lugar namin
Hindi ko po alam kung anung uri ng nilalang iyon. Tiktik ba o aswang?.

Alyana soomhin,
Bulacan

Scary Stories 5Where stories live. Discover now