Look Up, Up, Up

310 11 0
                                    


Itago nyo ako sa pangalang Emily at sa kakambal ko namang si Anna. Magkaiba ang personalidad namin ni Anna. Sya yung tipong babaeng tahimik lang, weird, walang kaibigan, walang social life at puro libro lang ang kaharap. Hindi katulad ko na babad sa social media, maraming kaibigan, gumigimik kapag gabi at hindi nag-aaral ng mabuti. Si Anna ang kabaliktaran ko.

Hindi mo talaga mararamdaman ang presensya niya tuwing magkasama kayo. Kaya siguro nabu-bully siya sa school dahil ang weird niya. Minsan tinatawanan siya at binubully ng mga kaklase ko and worst, imbes ipagtanggol ko ang kapatid ko nakikitawa ako sa kanila. Minsan nga ako pa ang unang pumipintas sa kanya na kesyo baliw siya dahil lagi siyang nagsasalita mag-isa.

Sinisiraan ko rin siya sa social media para maging famous at gawin syang katatawanan. She got bullied by the students at pati na rin mga teachers. Magulo ang buhok niya at natatabunan ang maganda niyang mukha, minsan nakikita ko siyang tumatawang mag-isa habang ginugulo ang hanggang tuhod niyang buhok. Ang weird niya, sobrang weird niya and at the same time nakakatakot din.

Maulan na hapon nun at uwian na. Late na kaming nakalabas ng mga kaibigan ko sa campus dahil sa ginawang project at pagpapapirma ng clearance for the exam, kung kaya kami nalang ang naiwan sa loob.
May dala silang payong kaya nakisilong na rin ako.

Napadako nalang ang mga mata namin sa bench ng marinig ang tawa ni Anna. Nakaupo siya doon habang kinakausap ang sarili niya at basang-basa na ng ulan.

"Anna! Hoy hindi ka ba uuwi?" Tanong ko sa kanya.

Tumigil siya sa pagtawa at dahan-dahang lumilingon sa direksyon namin. Nagtakbuhan naman ang mga kaklase ko ng makita si Anna na kinakagat at kinakain ang sarili niyang mga buhok. Habang ako nakatayo lang at gulat na gulat na nakatitig sa kanya.

"Em...Emily" tawag niya habang umiiyak.

"Umuwi ka ng baliw ka! Drama mo" matapos kong sabihin 'yun tumakbo na ako palabas ng campus.

Pasado alas syete na ng gabi ng makauwi si Anna. Basang-basa siya ng ulan at hinang-hina na. Kinarga naman siya kaagad ni papa at dinala sa kwarto ni mama para bihisan at alagaan. Alalang-alala sila lagi kay Anna. Lagi nalang si Anna. Lagi nalang sa kanya naka-focused lahat ng attensyon nila ni mama at papa. I hate her! Kaya ayoko sa kanya noon dahil akala ko siya lang ang mahal ng mga magulang namin.

Sa tuwing birthday niya binibigyan siya ng mga mamahaling regalo at sa tuwing ako naman ang magbe-birthday binibigyan lang ako ng pera. Ni hindi nga kayang mag-effort na paligayahin ako sa araw ng kaarawan ko eh. Sa katunayan ako lang naman ang matino nilang anak.

Nasa kwarto ako nun habang nagbabasa ng mga article tungkol sa mga sanib-sanib. Nawala naman ang focus ko ng makita ko si Anna sa ilalim ng kama niya (iisang room lang kami pero hiwalay ang mga kama namin).

"Anna anong ginagawa mo diyan?! Kaya ka kinukutya dahil kung anu-ano ang ginagawa mo!" Sigaw ko sa kanya.

Napakagat nalang siya ng kamay ng sigawan ko siya. Hanggang sa ito'y nagsugat at dumugo. Tumayo ako at napakapa sa doorknob.

"Em..Emily tulungan.. mo .. ako" ang narinig kong sinabi niya.

Mas natakot ako ng gumapang siya papalapit sakin. Binuksan ko ang pinto at tumakbo pero masyado siyang malakas kung kaya nahuli niya ako. Dinaganan niya ako at hinawak-hawakan ang mukha ko.

"Ka..kambal ko"

"Pwede ba! Tumigil kana Anna!!"

Pagkasigaw ko nun biglang lumabas sila mama at papa at niyakap si Anna.

"Ano bang ginagawa mo sa kapatid mo?" Galit na galit na tanong ni mama.

"Ba't di mo itanong sa baliw mong anak?"

Isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ko ng sabihin 'yun.

"May favouritism nga pala kayo, kaya hindi na ako magtataka."

Pumasok ako sa kwarto at umiyak. Hindi ko alam kung bakit nila naging mas paborito ang weird na yun kaysa sakin.

Malalim na ang gabi tulog na rin si Anna. Bumangon ako at kinalkal ang bag ni Anna at nagulat ako ng makita ang mga pugot ulo niyang drawings. May mga latin words pa na nakasulat sa isang notebook niya.

"Em?" Tawag ni Anna.

Sa pagkataranta ko nahulog ko ang mga gamit niya. Hindi ko na rin ito pinulot at dali-dali ng humiga sa kama ko.

"Emily..tulungan mo ako."

Lumingon ako sa kanya at nakita ko siyang umiiyak.

"Pagod...na...pagod..na...ako" mahina lang ang boses niya at sa pagkakabigkas niya alam kong nahihirapan siya.

Sa panahong 'yun hindi ko na pinairal ang inggit ko at nilapitan ko na siya.

"Nandito lang ako. Simula ngayon wala ng mang-aapi sayo, kambal ko"

Mula noon ako na ang naging sandalan niya sa lahat ng problema niya, pero hindi ko maiwasang matakot lalo na tuwing kinakausap niya ang sarili niya.

Alas otso ng gabi nun, habang nagre-review ako bigla akong natigilan ng mawala sa kama si Anna. Wala rin siya sa ilalim ng kama ko at kama niya.

"Anna!?" Tawag ko.

"Lo..look...up...up..up"

Nanindig ang lahat ng balahibo ko ng marinig ko ang boses ni Anna. Nakakapanindig balahibo ang klase ng boses at pagkanta niya. Ginala ko pa ang mga mata ko sa kabuuan ng kwarto pero wala akong nakitang Anna.

"An--" natigil ako ng may tumulong laway sa noo ko.

"Look....up..up..up"

Saka ko lang napagtanto na pinapatingala niya ako paitaas. Nagsunod-sunod ang pagtulo ng mga laway sa noo ko. Nanginginig ako at hindi makatingin sa taas dahil sa takot.

Nang makabwelo ako tumingala ako sa taas at nakita ko siya sa kisame nakanganga habang nakalawit ang dila.

"Anna!!!!!" Sigaw ko dahilan ng pagbagsak niya sa akin.

Nawalan siya ng malay pagkatapos nun. Dinala siya nila mama sa hospital pero wala namang findings. Sinabi ko kila mama ang lahat at nagulat sila at umiyak.

"Binabawi na niya si Anna sa atin" ang iyak ni mama.

"Hindi siya mawawala sa atin."

Nang makauwi kami ng bahay tulog na si Anna. Nagkaroon din ako ng oras para magtanong kay mama at papa kung ano ang nangyayari kay Anna. Ang sabi lang nila may nagawa daw na kasalanan si papa kung kaya kinukuha si Anna kapalit ng anak ng namatay na engkanto.

Habang nakatingala sa kisame at malalim na nag-iisip, tinawag ako ni Anna.

"Em? Mahal na mahal kita...parang awa mo na patayin mo na ako"

Tumayo ako at tumabi sa kanya. "Hindi, Anna."

"Pagod..na pagod na a-"

Pinutol ko agad ang sasabihin niya. "Hindi 'yun rason para iwan mo kami."

Napalayo ako sa kanya ng magsimula siyang tumawa. "Akin ang kapatid mo!!! Akin na siya!"

Tumakbo ako sa labas at ginising sila mama. Dumaan pa ang ilang minuto bago nila ako narinig. Tumakbo kami pareho sa kwarto at napatakip kami ng bunganga ng makita namin si Anna na bali-baliko na ang katawan habang nakalawit ang dila.

Halos mahimatay si mama kakaiyak nun ng makita si Anna na wala ng buhay. Hindi ko man lang nailigtas ang kambal ko.

Sampung taon na ang nakalilipas pero presko pa rin sa isipan ko ang mga nangyari. Hanggang ngayon nangungulila pa rin ako sa pagkawala ng kambal ko at nagsisi rin ako sa mga ginawa ko noon sa kanya.

Pinapanalangin ko na sana yung kaluluwa niya mapunta sa may likha at hindi sa mga engkanto na kumuha sa kanya.

Hindi ko man ito nasabi sa kanya, pero mahal na mahal na mahal ko ang kambal ko.

For readers: Twins are defined as children produced in the same pregnancy. Usually they are delivered only a few minutes or hours apart. But they can have different birthdays. This most commonly happens when labor and delivery begins before midnight on one day and ends after the clock changes to the next day

**Emily***

Scary Stories 5Where stories live. Discover now