Hinang-hina ang Gabay namin

200 5 2
                                    


Hello po, Ms. Admin Chai. I just want to share my story na hindi ko akalain na mangyayari sa buhay namin ito. Maybe way na ito para mas lalo naming paigtingin ang faith namin kay Papa God. Please bare with my story guys.

Ako si Grasya (as usual not my real name). Sobrang fan ako ng spookify, kaya nadadala ako sa mga kwento dito. Hanggang sa dumating sa point na, hinanap ko ang sikat na sender dito sa spookify na si A.R. Actually, dalawang sikat na sender ang na-contact ko, ang pangalawa kong nakaachat ay si Ate A.

Nag-share ako sa kanila na may visions ako like makikita ko na mamamatay ang malalapit sa buhay ko then hanggang sa napunta sa usapan na basahin ang aura na meron ako (si Ate A ang kausap ko). Pumayag ako, at sa chat lang kami nag-usap. Nag-send ako ng selfie ko and kamay ko, kanan at kaliwa. Unfortunately, may nakita sya na sumasama sakin at tikbalang, Grabeehhh. Kabado ako at napaisip na bakit may tikbalang na sumusunod sakin? Napasabi pa nga ako sa kanya na kung kakainin ba ako ng tikbalang na yon hahaha.

FF. Hanggang sa inimbitahan ako ni Ate A na kung gusto ko daw ay magpa-heal ako. Pumayag ako dahil sa kagustuhan ko na mapalayas ang impaktong tikbalang (anyways, hindi pa ako napepeste ng tikbalang pero syempre iba na ang advance). Hanggang sa sinali ako sa GC (di ko na po ime-mention, pero nandun din po ang sikat na sender) hanggang sa kinausap na ako ni Ms. F at tanungin ako about sakin pero eto na lang sasabihin ko.

Ang nakita sakin ni Ms. F, sa selfies ko ay puro bad entities, hindi na nya binanggit kung anong klase pero super bad pero nalaman ko pa din dahil sinabi ni Ate A sakin, dalawang may sungay na katangkaran and the rest ay maliliit na. Actually, na-windang ako kasi sa liit nang bahay namin, nakatawag na kami ng ganung mga entities.

To give you a background bakit kami nakatawag ng ganun, kasi may portal dito sa bahay. Halos ang pinto ng cr namin ay tapat ng bintana and sobrang bigat ng bahay na mismo ako ay nararamdaman ko. Laging Galit ang tao dito sa bahay, ang kapatid kong panganay galit sa tatay ko dahil sa nangyari dati sa kanila ng tatay ko na binubugbug sya at ako naman na sobrang maramdamin ko to the point na nagsusumpa na ako. Ganun din ang nanay ko.

Ngayon, ang advice sakin ni Ms. F ay maglagay ng isang basong tubig na may 2 kutsara asin at 2 suka at ilagay sa ulunan pag matutulog, Pray hard ask forgiveness before and after sleep. At maglagay ng pulang kurtina sa isa portal (yung bintana na katapat ng pinto).

Nung matanong ko naman ang about sa gabay ko kung meron ako, ang sabi lang niya "Lahat ng tao ay may gabay, depende na sayo yun." Naguluhan ako dito kasi hindi ko malaman ang sagot at isa pa na tanong sakin ni Ms. F ay, kung may dinampot daw ba ako na bagay ultimo bato, huwag daw ako basta-basta pupulot dahil masusundan daw talaga ako. Kaya in-advice niya sakin yung isang basong asin, hindi ko na din kasi matandaan kung may nadampot ako na kung ano nung kabataan ko pero mahilig ako sa nature.

Ngayon, ginawa ko lahat ng advice kagabi lang. Grabee mga bes hindi ako makatulog kagabi, todo yakap ko sa Lip ko. (dalawa po bahay namin, bahay ng parents ko at bahay namin ng jowa ko). Sa bahay ng parents ko ang may bad impaktos.

Sinabi ko lahat ng ginawa ko kay Ate A.R. First na nakita sakin ni Ate A.R. ay may matandang babaeng dalaga daw na sumasama sakin, ang aura daw nito ay madamdamin, nasabi nga sakin agad ni Ate A.R. ay kung mahilig daw ba akong magdamdam at totoo po yun. Nag-advice po si Ate A.R. na iwasan ko na magdamdam.

Ngayon, um-okay si Ate A.R. sa pinagawa sakin ni Ms. F. kung gusto ko daw na ako ang mag-alis sa mga impakto ay magdasal ako ng mataimtim, at magdasal kay Mama Mary. Mabisa daw po talaga iyon, Cleansing na po ang gagawin ko.

And Nagpapunta din ng gabay si Ate A.R. dito sa bahay, Grabee bes. Nakaramdam ako ng konting aliwalas pero in a second lang. Ang sabi sakin ni Ate A.R. "Meron kayong gabay, diyan mismo sa bahay nyo pero hinang-hina sya." Nalungkot ako dahil sa negative energy na nandito at dahil sa mga impakto na nandito, nanghihina na pala ang gabay sa bahay namin. Sinabi ko din kay Ate A.R. ang tungkol sa sinabi sakin ni Ms. F na "Lahat ng tao ay may Gabay pero depende yung sayo" ang sagot ni Ate A.R. ay pawala-wala na pala ang gabay namin akala ko nga ay gabay ko yun pero sa bahay pala namin yun.

Ngayon, I'm working on it. na pabalikin ang Gabay namin dito sa bahay. Pero kailangan ko na paalisin ang negative vibes na nandito sa bahay. Kailangan kong magpalakas ng loob. para ma-cleansing ang bahay ng ako lang mag-isa. Kailangan maging okay muna ang loob ko. Kailangan na hindi ako magpadala sa takot dahil kami daw ang tumawag sa mga bad impaktos na yun, kami din daw ang makakapagpalayas dun. Nag-advice din samin si ate A.R na kaya ko daw tawag-tawagin ang gabay namin, basta gawin ko lang ang cleansing.

Ngayon, gusto kong humingi pa ng lakas ng loob mula sa inyo. Sobrang pagsisisi ko na ganun ang naging ugali ko. Kahit pala na may rebulto ka sa bahay or altar sa bahay ay papasukin ka pa din ng mga impakto dahil kung gaano ka kahina, dun sila magsasamantala. Ngayon sa isip ko, natawag ko sila ngayon ay papaalisin ko na sila. sa pamamagitan ng asin na may tubig.

Kaya pagtatrabahuhan ko maigi kung paano mababalik si gabay. Sa gabay namin, patawarin mo kami dahil ganito na ang nangyari sayo. nakita ko sandali kung ano ang nangyayari sayo. Hayaan mo na gawin ko ang lahat para maibalik ka samin.

Guys. pakiusap bigyan nyo po ako ng lakas ng loob. Ako lang mismo ang gagawa nito. Ang nanay ko. "Jusme, manalig lang" ayan ang sagot niya. Natatakot ako ng slight pero tuwing mararamdaman ko ang takot, nakikita ko ang gabay namin na hinang-hina kaya dun ako nagkakalakas ng loob.

Maraming salamat sa mga tao na nakausap ko. Naniniwala ako sa kakakayahan nyo at way na din ito para matapos na ang pagpuksa o pagpeste nila sa bahay namin. Maraming Salamat sayo Ate A.R., Ate A at Ms. F.

Grasya the Fighter!

Scary Stories 5Where stories live. Discover now