Playground of Ghost and Such (Parts 1-3)

218 6 0
                                    


Part 1

Hello everyone. Just call me Taguro. Ikukuwento ko sainyo yung nakakatuwang lugar namin sa probinsya, ang Heart of the Philippines (char! promote din).

So, dito sa barangay namin, may mga purok-purok pa. Kumbaga, parang maliit na community sa loob ng isang barangay ganun. Ang nakakatuwa dito sa lugar namin, napapaligiran kami ng iba't ibang species, hindi ng hayop ah, kundi species ng mga paranormal entity.

Unahin natin yun dun sa eskinita papasok sa purok namin.

Ganito, connected kasi yun sa mismong highway, ang kasya lang talaga na pwedeng dumaan is isang tao lang. Pwede dalawa pero magbabanggaan kayo. Hahaha ganun, na-picture out nyo? So bale isang tao lang talaga ang makakadaan.

Sa eskinita na yun, madaming nakatirang kung anu-anong species. Minsan nung panahon ng undas, siguro mga 2007 pa ito, napagtripan ng mga pinsan ko na manakot sa eskinita na yun bandang 10pm kasi nga di ba holloween. Dalawa lang sila, Si Kuya Ands at Kuya Lans, naglagay sila ng kandila sa likod ng pagong tapos pinakawalan nila dun sa eskinita. Habang naghihintay sila  na may dumaan. E dahil probinsya, wala masyadong dumadaan kasi 7pm pa lang tulog na ang mga tao at sarado na ang mga maliliit na tindahan tapos undas pa. Walang dumadaan naiinip na sila Kuya Ands, nang biglang may padating daw na nakaputi mula sa malayo. Bale yung eskinita pala is parang nasa 80meters ang haba.

So inabangan nila kasi yung pagong  saktong ibinalik nila sa may pwesto nila tapos pasalubong dun sa tao yung lakad. Nagtataka sila Kuya Ands and Kuya Lans ngayon kung bakit parang ang bilis lumapit nung nakaputi na parang tumatakbo pero wala silang nadidinig na hakbang at hindi gumagalaw yung katawan at balikat na kadalasan makikita mo sa tumatakbong tao. Then ito na mga bakla!! Nung malapit na sa kanila, biglang di makagalaw sa sobrang takot knowing na yung papalapit sa kanila is babaeng nakaputi, mahaba ang buhok at nakatakip sa mukha. Nakalutang ang paa sa lupa, nung nasa tapat na nila kasi, (nagtago lang sila sa isang gilid) biglang bumagal si ateng mong nakaputi na parang alam nya na may mga tao dun. Naiiyak na sina Kuya Lans kaya pagkalampas ng babae mga ilang meters, nagdasal daw sila at ng makaramdam na nakakagalaw na sila, biglang takbo nila papasok sa looban kasi yung white lady palabas sa highway. Tapos yung pagong, na ginamit nila pantakot, di gumagalaw at nakadagdag pa yun sa takot nila kasi mukha talagang kandila na nakalutang, nag-aabang sa dulo ng eskinita. Nakalimutan nila na sila ang may kagagawan nun sa kawawang pagong sa sobrang takot. 

Kaya mula noon, hindi na sila nan-trip sa mga taga looban. At nang ikwento nila yun samin at sa mga tiyo at tiya namin. Di na nila hinayaan na gabihin sa labas ang mga bata kasi baka makita din yung babae na na-encounter nila kuya.

Isa lang yan sa mga resident specie namin dun sa eskinita, meron pang iba dun. Sa sunod ko na ikukwento yung personal experience ko at ng papa ko.

Salamat sa mga nagbasa! See you on my next story.

Part 2

Kwento ko naman ngayon yung sinasabi ko nga na iba pang residente nung eskinita papasok sa purok namin. Pero describe ko muna sya, yung eskinita is nasa pagitan ng mga abandonadong bahay dati, ang may tao lang na bahay ay yung malapit na sa labasan. Ngayon kasi yung mga abandonadong bahay dun, may mga nakatira na unlike nung dating status nya na magbibigay talaga sayo ng chilling vibes kapag daraan ka. Saka walang mga poste at ilaw dun kasi nga masikip di ba tapos palaging napupundi yung mga inilalagay na ilaw ni barangay kaya di na lang nilagyan. And then sa kabilang side naman is 2-storey building na may malawak na ground yung likod tapos lalaohan (ang lalaohan ay putikan na kadalasan tinutubuan ng mga punong pandagat like mangrooves at bongalon).

So ito na nga. High school na ako nito, graduating taong 2011. Si ateng mo, which is ako. Palabas ako sa highway kasi gagala ako. Tumakas lang ako kasi ayaw pumayag nina mama. Tumatakbo ako kasi baka makita ako ng mga kapatid ko at isumbong. Nung nasa kalagitnaan na ako ng eskinita medyo nag-slowdown na ako kasi pagod na e. Biglang may sumabunot sakin, alam mo yun. Yung parang may umipon sa buhok ko (nakalugay kasi ako that time) tapos hinila ako pabalik sa pinaggalingan ko. Promise mga bakla! Ang sakit talaga. Nagalit pa ako nun kasi akala ko may nakasunod sakin na kapatid ko o kaya tropa na nantitrip. Pero paglingon ko, anak ng pusa! Bigla akong nanlamig tapos alam nyo yung pakiramdam na parang ang laki-laki ng ulo mo. Mag-isa lang ako sa kahabaan ng eskinita kasi nga sabi ko sainyo, iisa lang ang pwedeng dumaan kaya kita mo sa magkabilang side kung may makakasalubong ka.

Scary Stories 5Where stories live. Discover now