NoSleep One-shot Story : Ang Insidente sa Highway 1093

191 5 0
                                    


Sa aking bansa noong ako'y labintatlong taong gulang pa lamang, nasaksihan ko ang pangyayaring nagpapakita ng pagkasilang ng isang Urban Legend.

Ang istoryang ibabahagi ko ngayon ay sarili kong karanasan na hindi ko pa naibabahagi sa loob ng maraming taon.

Nakatira ako sa aking mga magulang sa isang maliit at lumang bahay malapit sa Highway 1093 kung saan ang mga taong dumaraan ay kadalasang bumibiyahe sa loob ng 100-150 km/h. Ito ay malawak at palaging napupuno ng mga sasakyan kapag panahon ng Disyembre bago ang New Year's eve. Habang papalapit kang nakatira malapit sa highway lalong lumalakas ang tunog ng mga nakakairita at nakakahindik na tunog ng mga sasakyang dumaraan.

May isang malaking pamilihan sa kabila kung saan napakaimportante sa aming pamumuhay. Aaminin ko na takot akong tumawid agad sa highway. Bagkus, lumalakad nalang kami ng 500 meters sa isang footbridge pag kami ay nagsa-shopping ng aking pamilya.

Napakadali lamang itong tawirin ng mga nakatira don. Ang kailangan lang ay lumingon sa paligid at huwag na huwag titigil sa paglalakad.

Hanggang isang gabi sa huling araw ng Nobyembre, isang middle-aged na babae ang namatay sa isang kahindik-hindik na aksidente habang sinusubukan nitong tumawid sa daan. Naalala ko pang maraming tao ang nagsitipon sa harap ng nakakatakot na bangkay na nakita. Subalit hindi ko nakita ng masyado ito dahil maraming tao ang nandun.

Sabi nila bigla nalang tumigil sa gitna ang babae, pagkatapos nahirapang pinulot ang bagay na nasa daan. Sa puntong iyon, huli na ang lahat para mapansin ang papalapit na sasakyan.

Kawawang mga tao. Hindi nila alam na siya palang yung unang biktima.

Kung saan ako ipinanganak, wala pang aksidenteng nangyari dito sa amin dahil napakaingat ng mga tao dito. Kung hindi nila kayang tumawid sa highway ay dadaan nalang sila sa footbridge.

Marahil ay nagtataka kayo kung anong nais pulutin ng babae?

Kalaunan, may nakita silang bagay, parehong-pareho sa lugar kung saan nangyari ang aksidente. Ito ay isang barya. Ang inosenteng pilak na barya na nagniningning na repleksiyon gawa ng papalubog na araw habang tinatanaw ko ito.

Sa kabila ng lahat, ito ay kalahati lamang ang halaga. Ito ay sapat na upang itapon ang atensyon ng isang tao palayo sa mga rumaragasang sasakyan. Tapos ay kukunin nila ito sa daan.

Ang mga nakakatakot na bagay ay nagsisimula ng mangyari.

Isang linggo lamang ang lumipas ng nangyari na naman ang aksidente. Ang biktima ay isang teenage boy dalawang taon na mas matanda kaysa sa akin. Parehong aksidente at lugar ng pinangyarihan. Kakauwi niya lang para i-celebrate ang New Year's eve kasama ang kanyang pamilya. Ngayon, wala na siya nang ganun lang, sa daan patungo sa malaking pamilihan.

Pero sa puntong ito kita ko na ang katawan niya. Ang pangyayaring ito ay nakabaon na ng malalim sa aking memorya. Kitang-kita kong gumulong ang kanyang mga mata, mga dugong dumadaloy sa kanyang mga mukha at bumubulwak kapag sinusubukan nitong huminga. Ang lahat ng nasa loob niya ay sira na talaga. Nandun ang kanyang mga magulang habang tumatangis ito ng napakalungkot na ngayon ko lang narinig sa tanang buhay ko. Ito ay tunog ng mga naghihinagpis na mga kaluluwa.

May nakita na naman silang barya, ang inosenteng barya ay nakahiga lamang sa highway, hindi masyadong malayo sa biktima. Ito ay parehong barya sa naunang aksidente, pilak na barya, pero alam kong hindi talaga iyon katulad ng naunang barya.

Sabi ng ilan ito ay isang sick prank lamang. Sabi naman ng iba ito ay nagkataon lamang.

Gayunpaman, nagsimulang kumalat ang alamat sa Highway 1093.

Sabi-sabi ng mga lokal na nakatira malapit sa highway ito daw ay sumpa ng naunang namatay na babae o maaaring may masamang mangyayari. Sabi naman ng iba may nakita silang batang sinusubukang tumawid sa highway bandang hatinggabi. Inilarawan nila itong takot, paatras at paabante kung ito'y maglakad. Ngunit may isang bagay lang na napuna, ang pananamit niya ay eksaktong kagaya ng teenage boy na namatay sa aksidente. Pagkatapos kong marinig ito ay kinilabutan ako hanggang buto.

Makalipas ang ilang araw, nangyari na naman ang aksidente sa ikatlong pagkakataon ngunit sa puntong ito mas malala pa ang nangyari.

Isang matandang babae ang bumisita sa kanyang pamilya, kagaya ng teenage boy, nakita niya yung barya habang pumupunta sa malaking pamilihan. Sa puntong ito, umiba yung direksyon ng sasakyan at nabangga sa isa pang sasakyan. Tatlong tao ang agad na namatay maliban sa matanda na himalang hindi man lang nasugatan o nabalian.

Lumipat na ako ng lugar ngayon at hindi na ito nangyari pa.

Simula noon, sa bawat oras na maririnig ko ang tungkol sa alamat ng Highway 1093, yung mga misteryosong barya at ang batang gumagala tuwing hatinggabi, palagi nila akong binibigyan ng kilabot. Dahil deep down alam kong ito ay hindi nagkataon lamang. Ito ay kalokohan lamang kagaya ng sabi nila.

Hayaan ninyong sabihin ko sa inyo ang aking lihim.

Hindi iyon madali, kailangan ko pang tumakas sa aking kwarto tuwing gabi, kumuha ng mga barya at lumakad patungong highway. Ang pinakamahirap na parte ay yung paghagis, paano iyon mapupunta sa gitna, sa tuwing nagagawa ko ito ay kailangan ko na lamang na maghintay.

Hinding-hindi ko siya makakalimutan, yung teenage boy na aking pinatay, pati yung suot niya. Naghanap ako sa aking kwarto ng mga damit na kagaya nung sa kanya. Para maaaring maging ako siya. Maaari akong maging multo para sa kanya na gumagala tuwing hatinggabi. Ang mga nakatira doon ay sobrang takot, wala silang hinala.

Nakapatay ako ng limang tao.

Ngayon, ito ay nagkakahalaga ng bawat sentimos.

🔍Mouri-kun

~cREDDITs to the one who post it in reddit/nosleep.

Scary Stories 5Where stories live. Discover now