About Doppelgangers

158 4 0
                                    

Na-experience ko na din yan, kasi nung nagtatrabaho pa kami sa may resort ng bestfriend ko ganyan yung nangyari sakin, mga 12mn (night shift kami) tumambay muna kami sa may guard house para na din mag-smoke tapos nandun ako sa labas ng guard house tas yung bespren ko name niya Janine ay nandun naman sa loob nakahiga sa may upuan na mahaba. Tapos mga 30 minutes na kaming ganun, nilingon ko siya tapos nakita ko siyang nakadapa lang (akala ko tulog) tapos nagpapatugtog gamit yung cellphone niya di ko alam kung bakit pero gustong-gusto ko siyang kausapin nung oras na yon pero walang lumalabas na boses sakin so binalewala ko na lang, tapos maya-maya lang habang nagbabasa ako ng kwento dito din sa spookify tapos bigla siyang lumabas at sabi niya pumasok na daw ako kasi kanina pa ako dito sa labas so nagtaka ako sabi ko sa kanya.
Ako : Kanina ka pa ba sa loob bessy?(kasi nakita ko talaga siya na nakahiga lang dito kasama ko).
Siya : Oo kanina pa, diba nagpaalam ako sayo na iihi ako? Bakit?.
So ako naman kinilabutan. Ibig sabihin hindi siya yung nakita ko dahil sa takot ko napabalikwas ako sa kinauupuan ko tas pagpasok namin sa loob dun ko kinuwento sa kanya na nakita ko talaga siyang nakahiga dun at nagsa-soundtrip pa, tapos ni hindi ko man lang narinig o namalayan na nagpaalam siya sakin kasi akala ko nakatulog na siya dahil pagod din tapos yun nga kinuwento ko din kay manong guard sinabi niya samin na may nanggagaya daw talaga dun, kaya ayun yung naging reason ba't kami umalis na lang dun sa trabaho namin dahil napakarami naming naranasan na nakakatakot doon. - Chelsy

Nangyari na ito sakin nung pumasok akong kasambahay. Dalawa kami ng kasama ko. May 2nd floor kasi yung bahay kaya kailangan dalawa kami saka tatlo yung alagang bata. Nandon kami sa baba natutulog, yung kwarto namin paglabas may cr tapos malapit sa lababo. Umaga nun umalis na yung alaga namin so maglilinis na kami ng kasama ko sa bahay. Nasa kwarto ako nun eh biglang tumawag ang bf ko, e di sinagot ko naman tapos sinabit ko sa leeg ko ung cp ko na may tali kasi maikli lang naman, maririnig nya pa ako. So ayun nga habang nag-uusap kami ng bf ko sa phone, lumabas ako ng kwarto namin ng kasama ko. Aakyat ako sa 2nd floor kasi nakita ko yung kasama ko na nakatayo sa lababo naghuhugas yata ng pinggnan, nakatalikod sya di ko na sya kinausap kasi paakyat na ako sa taas. Pinatay ko na ang cp ko kasi maglilinis na ako. E di nung nasa taas na ko nagulat ako kasi nauna pa sya sa taas. Sabi ko sa kanya "Hala nakita kita sa baba nasa lababo ka ganyn din ang suot mo." Tapos sagot nya sakin "Kanina pa ako dito, si ate nananakot!" tapos sabi ko "Anong nananakot? Nakita talaga kita nakatalikod ka at ganyan talaga ang suot mo tapos kulot din ang buhok" kinilabutan na ako non. Kaya sabi ko sa kanya "Dito na muna tayo, sabay na tayong bumaba mamaya, natatakot ako" sabi ko. Tapos nung pagkatapos naming maglinis bumaba na kami wala namang tao don. So pinagwalang bahala na namin. Next day naman yung kasama ko naman na-experience ng doppelganger na yun at ako naman daw yun. So next day na dalawa na naman kami, naiwan umaga ulit eh nasa kwarto ko nagtutupi ng mga damit tapos sya naghuhugas ng plato. Habang naghuhugas daw sya, sa gilid ng mata nya nakita nya daw ako na  lumabas ng pinto (tabi lang kasi ng pinto yung lababo pero may ref na nakaharang pero kita pa rin kung may lalabas) so yun na, napansin nya daw ako na lumabas. Tumunog pa yung pinto narinig ko din. Akala ko naman sya. Tapos tuloy ako sa pagtutupi, narinig ko sya sumigaw tinatawag ako. Sabi nya "Ate, Ate! Saan ka pupunta?" tapos lumabas sya, nakita nya daw ako na lumiko sa gilid ng bahay tapos sinundan nya dw ako. Pagdating sa harap ng bahay wala ako. Sabay balik nya. Tumakbo sya at pumasok sa loob ng kwarto namin. - Jovie DC

Share ko lang rin po yung akin. One time nag-practice kami ng mga classmates ko. Habang naglalakad ay nagkukwentuhan kami tungkol sa mga multo and that time kulang pa kami ng isa. E di hinintay muna namin. Habang nagtatawanan kami napansin namin na masyadong tahimik yung isa pa naming kasama e di hindi na namin pinansin. Biglang dumating ung isa pa naming classmate (yung hinihintay namin) e di laking pagdidiwang namen nun tapos may sinabi sya, sabi nya hindi daw makakapunta ung isa naming classmate kasi may sakit daw. E di kami kinabahan kasi saktong pagdating nya eh nawala na ung isa pa nameng kasama. - Arabella

Yung ate kong kasama ko sa house dati, kapag nagsi-cr sya pag lumabas na sya, nakataas palagi ang damit nya. Then one time, nagpupuyat yung isa pa naming kasama kasi graduating na sya sa college nun, mga 1am, naalimpungatan sya kasi napaidlip na sya sa study table nya, nakita nya si ate na lumabas galing cr, nakataas ang damit, then nung dumaan na sa pinto si ate biglang nalaglag yung salamin na para bang nasagi ni ate nung dumaan sya, e di pinulot ni kolehiyala, habang pinupulot nya daw,napaisip sya kasi medyo malayo naman sa pinto ung salamin at hindi masasagi kahit malaki pa ang dumaan, tas hinanap nya si ate, pagtingin nya sa higaan, tulog na tulog si ate. Napagtanto nya na di talaga si ate yun kasi kung si ate yun sana tinulungan sya sa pagpulot nung salamin at nung mga abubot na kasama nun.. wala lang, naalala ko lang. Marami kasi talagang weird sa bahay na yun e. - Patricia

Scary Stories 5On viuen les histories. Descobreix ara