Kababata/Baway

173 5 0
                                    


Hi admins. Well, sana ma-post ito kung hindi ay okay lang naman, hindi ako magaling magkwento pero gagawin ko ang best ko so sana maintidihan nyo.

Matagal ko ng gustong ikwento ito, nahihiya lang ako sa kapatid na baka ayaw nyang ikwento pa sa iba, fan din kasi sya ng spookify. So nagpaalam ako at bahala daw ako.

Kwento ito tungkol sa kaibigan ko na naging bayaw ko sana, tawagin na lang natin siyang Boss. Boss Abs mapanakit kasi, pang-asar ko sa kanya. Si Boss kilalang mabait, relihiyoso at mabuting mamamasan/deboto ng mahal na itim na nazareno. Tropa ko na naging bf ng kapatid ko. Maayos naman at tanggap ng magulang ko, halos araw-araw ay nasa bahay, minsan binabantayan ang anak ko, taga bantay sa tindahan pero sya naman may gusto nun hindi naman inuutos sa kanya.

Mahal na araw 2016, nag-away sila ng kapatid ko alam nyo na away magjowa. Miyerkules Santo kumatok sya sa bahay, pinapapasok ko sya kaso ayaw nya gusto nya yung sisteret ko magpapasok sa kanya. Eh hindi naman sya pinansin ng kapatid ko hanggang sa umalis na lang sya. Kinagabihan nagte-text sya sa kapatid ko nagmamakaawa na puntahan sya sa kanila (sya lang kasi mag-isa sa kanila, pumunta ng probinsya yung mga kasama nya sa bahay) kung hindi daw pupunta ang kapatid ko magpapakamatay daw sya. Sabi ng kapatid ko "Bukas na lang, gabi na, punta ka na lang dito sa bahay bukas." Hwebes Santo magtitinda ako kasi maraming tao/deboto ang maghihintay sa lugar namin na dumaan ang itim na nazareno at marami ding dumadaan galing simbahan dahil Visita Iglesia  (oo na, walang connect ito gusto ko lang kasing kumpleto yung kwento ang hirap kaya). Pinuntahan ako ng kapatid ko magpapasama sya kila boss, kinakabahan kasi sya kasi hindi pa nagte-text at nagcha-chat sa kanya eh hindi kasi sya matiis nun na hindi makausap. Pagdating namin kila Boss, ako ang pinakatok nya sa pintuan baka daw kasi pag nalamang sya eh hindi bumaba baka nagtatampo, e di ako katok ng katok tinatawag ko pa sya ng malakas sabi ko tawag ni papa at magpapasama, nakita kong bukas ang ilaw sa loob kita sa bintana ng kwarto nya at hindi nakakandado yung pinto pero nakasara sa loob, natatakot na ang kapatid ko na baka nga ginawa nya yung sinabi nya sa kapatid ko, sagot ko naman "Ano ka ba! Hindi nya gagawin yun duwag yun, may takot sa Diyos yun!". Ang tagal naming kumakatok pati kapatid ko tinatawag na sya. Sabi ko sa kapatid ko baka naman umalis. Sagot ng kapatid ko "Baka natuloy sya sa kuya nya sabi nya kasi pupunta sya dun" sabi ko tara na ang sakit na ng kamay ko kakakatok sa pintuan. Natapos ang araw na hindi ko na sila inintindi dahil pagod ako sa pagtitinda at buntis pa ako.

Biyernes Santo/Sabado de Gloria maaga akong umuwi sa bahay ng asawa ko forgot to tell na squatter ang lugar namin. Ang bahay ng parents ko sa dulo phase 1, ang bahay nila Boss ay sa gitna phase 2, ang bahay ng asawa ko sa bungad or labasan. 1am kumatok ang mama ko samin na parang nagmamadali.

Ako : Bakit ma, anong oras na?
Mama : Umuwi ka bilisan mo!
Ako : Bakit nga? (kinakabahan na, na may hindi magandang nangyari)
Mama : Umuwi ka para malaman mo!
Ako : Bakit nga ano ba yan?
Mama : Si m@#m$%!

pagkabanggit pa lang nya ng pangalan nanghina na ang tuhod ko, napaupo na ako at naiyak. Tangina ginawa nya nga! Pag-uwi ko sa bahay nila mama nakita ko ang kapatid ko halos hindi na makahinga kakaiyak habang yakap ng tatay ko at paulit-ulit na sinasabing "Wala kang kasalanan! Hindi mo inutos yun!" Naiiyak ako sa eksenang nakita ko pero naguguluhan pa rin ako. Lumabas ako pupunta sana ako kila Boss kaso hinarangan ako at sinabing "Huwag mo ng tingnan at baka malanghap mo pa yung amoy makasama pa sa baby mo!". Sagot ko "Bakit ano bang nangyari?" hindi ko pa kasi alam kung anong klase ginawa nya "Nagbigti sya!". Tangina naiyak ako mura na ako ng mura, paglabas ko as usual chismosa everywhere pero hindi naman talaga maiiwasan yun dahil nabulabog sila. Marami ng pulis at may pumunta na ring SOCO kay Boss. Pinatawag ng mag-iimbestiga yung kapatid ko kaso hindi rin nila makausap ng maayos. May media pang sumubok na mangchismis pero salamat sa mga umalalay at tumaboy sa media na yun. Pinauwi na ako ng asawa ko kasi umiiyak yung panganay ko, hindi ako makatulog iyak lang ng iyak at tinatanong sya kung bakit nya nagawa yun, dasal ako ng dasal pinagdarasal ko na patawarin sya at tanggapin ng Diyos sa langit. 4am may kumatok na naman pinapasundo daw ako ng kapatid ko. Pag-uwi ko kila mama gusto ko siyang tanungin kung anong nangyari, pumasok din sa utak ko na inaway nya kasi kaya ginawa ni Boss yon. Pero naisip ko kung ako na kaibigan sobra-sobrang nalungkot paano pa kaya yung kapatid ko na girlfriend nya syempre mas masakit para sa kapatid ko. Basta nagpasama lang sya sakin. Maya-maya nagsindi si papa ng kandila at tinirik sa pinto madalas kasi si Boss sa pinto namin sinisilip yung kapatid ko kung gising na. Pinagdasal namin sya habang umiiyak nakatayo kami sa pinto, malamig sa pakiramdam nakakalungkot pero sobra rin yung takot na naramdaman ko.

Kinabukasan ko na nalaman yung kwento. 12am nagpasama ang kapatid ko sa pinsan ni Boss na pumunta kila Boss. Kinakatok daw nila bukas pa rin yung ilaw sa loob,  kada sigaw daw nila sa pangalan parang may umuungol, ang tagal daw wala pa ring nagbubukas ng pinto at dahil alam naman ng kapatid ko yung bukasan ng sa loob, binuksan nya na at pumasok. Pagpasok nya daw sumalubong sa kanya ang masangsang na amoy, parang amoy patay na daga. Anyway yung kwarto ni Boss pagbukas ng pintuan hagdan agad paakyat sa kwarto which is malas daw yun. Pag-akyat ng kapatid ko wala siyang taong nakita pero may dugo sa sahig pagtingala nya ayun si Boss hooh! Describe ko pa ba? Natatakot ako pero eto na nga kinikuwento ko na sagarin na. Si Boss nakabigti, may plastik sa ulo, yung dugo lumabas sa leeg nya , suot nya yung Nazareno shirt nya. At lumobo/bloated na rin yung katawan nya habang naikot daw yung katawan pakanan/pakaliwa (pero hindi umiikot totally, ang gulo natatakot na kasi ako sa part na ito). Yun na nga, unang-unang nakakita ang kapatid ko nagsisisigaw na daw sya at bumaba bigla tinawag ang papa ko, pangalawang nakakita ang pinsan ko, sunod ang papa ko. At lahat daw ng nakakita pagsilip pa lang napapatalon na sa hagdan. Sobra-sobra, sobra-sobrang takot ang dinulot nito sa lugar namin lalo na para sa amin. Sabi ng SOCO dalawa o tatlong araw na daw patay bago natagpuan, walang foul play. Sabi ng mga kapitbahay kaya pala pag daraan sila dun may mabaho silang naaamoy, akala patay na daga lang. Lungkot at takot ang dinulot nito, gabi palang wala ng dumaaan dun sa kanila dahil sa takot. Ako halos ayaw ko pang ipikit ang mata ko sa takot na baka makita ko yung itsura nya pag nakapikit ako. Natutulog na ko kila mama. Nalungkot at natakot ako and at same time nagalit ako kay Boss kasi iniwan nya yung kapatid ko ng ganun-ganun na lang. Iniwanan ng malaking problema na kapatid ko lang pumasan. Isang linggong laman ng chismis na kesyo inaway ng kapatid ko kaya ganun. Bilang ate pinagtatanggol ko ang kapatid ko, bahala ng sumama ang tingin sakin ng mga kapitbahay, nagpo-post ako ng kung anu-ano basta maipagtatanggol ko lang ang kapatid ko .

Namatay sya na hindi nya alam na buntis yung kapatid ko, una sabi ko pa nanakot na, nag-iwan pa ng anak. Pero ngayon 6 months na si baby at ginagawa lahat ng kapatid ko para sa anak nya - anak nila.

To you Boss Abs, alam ko promise alam ko na tinanggap ka ng Diyos sa langit. Ika nga sa simbahan kahit anupang kasalanan mo papatawarin ka pa rin ng Diyos (sabi rin ni Father yun, huwag kayong ano). Mabait ka kasi ni hindi mo nagawang mang-agrabyado sa kapwa. Alam ko, kasi kababata kita puro tawa ka lang kasi tas duwag ka, pero sa ginawa mong yun tangina ang tapang mo! Nabatukan ka ba ng lola ko diyan? Ipinakiutos ko kasi yun na batukan ka at sermunan hehe.

Reader's don't you dare judge my sister ako lang ang huhusga dun! Walang iba, ako lang ang pwedeng mang-bully dun.

Ate mong tagapagtanggol
Manila

Scary Stories 5Where stories live. Discover now