Batangas (Bundok) (Parts 1-5)

425 11 0
                                    


Part 1

Hi readers! Ako ulit Amadeuz. Share ko nalang din ibang story ko. Yung Haunted Hospital although maraming experienced kaso yung iba di ko na matandaan. Masyado ng hilaw pag ikukuwento ko baka ma-boring lang kayo. This time ikukuwento ko sa inyo ang experienced ko sa bundok. Oo sa bundok. Mahilig kasi ako sa matatayog na maumbok basta tayong-tayo yung bundok pumapatong ako, I mean inaakyatan namin noong binata pa ako. Wehehe. Dito magsisimula yung kwento ko.

Batangas. Hindi ito kataasang bundok actually 3-4 hours mo lang aakyatin pag dire-diretso ka at walang pahingahan. Ito ang kalimitang inaakyat ng mga bagong mountaineer, isa ito sa mga maganda noon dahil may tubig sa camp site. Lahat yata ng bundok may kanya-kanyang kwento ng kababalaghan pero ito muna ang una dahil ito din yung nauna kong naranasan sa taas. Sa baba palang after naming mag-register sinabihan na kami ng matandang caretaker ng bundok na huwag masyadong mag-iingay dahil sensitive yung nasa taas. Una di namin pinansin. Inisip lang naming nananakot lang si nanay dahil bukod sa alam naman namin kung paano respetuhin ang bundok, matagal na kaming umaakyat dito. Kumbaga sanay na, wala namang paranormal experience kaming na-encounter. Pagdating sa taas may naabutan kaming isang grupo ng mountaineer naging tropa agad namin pero sila karamihan puro bago lang, yung iba mga estudyante pa. puro lalaki kaya puro din kalokohan.

FF. Ito na yung unang nangyari, nagsindi ako ng sigarilyo kasi medyo nilalamig na ako sa taas. Papunta kaming karugtong na bundok bukod pala dito ay may karugtong pa siyang bundok, kita mo yung Taal pag nasa kabila ka. Yun nagsindi ako ng sigarilyo. Lumamig sabay namamatay yung baga ng sigarilyo ko kahit paulit-ulit ko siyang sindihan, namamatay talaga kaya di ko na tinuloy. Binalewala ko lang. Naglakad na ako papuntang kabila. Hanggang abutan kami ng 6pm. Bumalik kami sa kabila saka naghanda para sa hapunan. Nagboluntaryo akong, ako na ang bababa dahil gusto ko din sanang maligo muna sa falls. Habang yung gf ko tumulong magtayo ng tent. 

Pagbaba kailangan mong mag-rappel bago mo mapuntahan yung falls. Hindi naman delikado kasi naka-45° kaso kailangan dahil dadausdos ka pailalim bukod kasi don wala kang hahawakan, madulas dahil sa fog. Nung nasa kalagitnaan na ako naramdaman kong hindi ako nag-iisa dahil nararamdaman ko yung lamig saka presensya ng kung anuman o sinuman yung nasa tabi ko as in kasabay ko habang bumababa. Pagdating sa kalagitnaan para akong namalikmata may babaeng sumasabay sakin pero pilit akong pinababalik. Akyat bzzzzzzzzz, akyat bzzzzzzzzzzzz, akyat bzzzzzzzzzz, akyat bzzzzzzzz di ko maintindihan. Paulit-ulit na bumubulong sakin. Natatakot ako pero ayokong sumigaw. Bukod sa ego, alam kong inaasahan din yung iaakyat kong tubig para magamit panluto. Sumagot akong hindi pwede saka nagdasal ako sa Amang na alalayan nya ako para hindi ako mapahamak. Pagdating ko sa baba. Sumisigaw mga barkada ko kung ok lang ako sagot ako "oo", habang nagsasalok ako ng tubig sa falls. Nakita ko ulit yung babae this time nasa bato sya nakatayo. Sino ba espiritista o May third eye dito? Itama nyo ako kung mali ako kasi kinakausap nya ako thru mental telepathy. Kada mangyayari yun pakiramdam ko nananaginip ako ng gising. Tulog na gumagana yung utak. Ganyan din naramdaman ko habang pababa pero nilabanan ko para hindi ako mahulog may sinasabi sya madami kaso di ko maintindihan parang sasabog ang ulo ko kasi puro matining na ingay lang ang naririnig ko (ting) basta ganyan yung tunog eerie. Di ko alam kung multo o engkanto dahil hindi ko makita yung mukha kasi madilim pero naaninag ko nakatitig sya sakin habang nagsasalita tapos biglang nawala nung sumunod yung isa sa barkada ko. "Pare anong nangyari kanina ka pa namin sinisigawan di ka sumasagot. Tapos nakatulala ka diyan, ano ba tinitignan mo?" kako "Wala nakaidlip ako." 9pm pagkatapos kumain bumalik na kami ng gf ko sa tent. Yung iba naman naiwan nag-iinuman pa saka konting kwentuhan pumping time eh hahaha. Yun habang nagdadasal kami ng ex gf ko sa loob ng tent, biglang gumalaw yung maglight. Hindi namin pinansin tuloy lang. Tapos nag-on, pinatay ko agad kasi kitang-kita anino namin sa labas. Nakakapagtaka dahil yung maglight kailangan mo munang iikot pakanan bago magbukas yung ilaw. Di ulit namin pinansin. Nung sinabi ng gf kong baka gustong sumali threesome. Biglang kinalampag yung tent namin sunod-sunod kitang-kita mo yung mga kamay na bumabakat sa tent. Napamura ako sabay labas agad para sana pagsabihan yung inakala kong kabarkada namin. Split seconds lang after ng kalampag pero nakita ko lahat sila nakaupo sa bonfire habang nagkakasayahan. Mga sampung metro mula sa tent namin hindi makakatakbo ng ganon kabilis yung isang tao. Ito pa, nung natulog na kaming lahat may nararamdaman kaming naglalakad sa labas. Kinaumagahan napag-usapan namin yun. Lahat-lahat pwera sa eksena namin ng ex ko.

Scary Stories 5Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang