Random Stories (Parts 1 & 2)

218 2 0
                                    


Part 1

Natatawa ako sa mga comments,
Pasensya na po hindi ako masyadong makwento, talagang dito lang ako nag-open ng story sa spookify.

Hindi po ako ganun kagaling magkwento kaya pagpasensyahan nyo na.

Una po sa lahat para po dun sa perpektong tao, kayo nalang po bahalang umintindi ayon sa pagkakatalino nyo.

Pangalawa, opo tanda ko pa po, sino ba namang hindi tanda ang pagkabata? Nung nagkaisip ka ba elementary ka na agad? Congrats po sakin, may mas mapurol pa pala.

-----------

Ako pa rin po ito si Daddy,
laktawan ko muna yung he wants my mother, kasi tanging natandaan ko lang noon yung nakapasan at nakasunod sa nanay ko, mahirap ipakwento sa chat, hayaan nyo pag-uwi ko ipapakwento ko yung iba pang nangyari after nung sa Pila, Laguna.

So eto po random, pero relate ito sa iisang trabaho lang enjoy!

1.) Crying Lady

Nangyari po ito last 2017 lang, noong ako'y nagtatrabaho bilang pahinante (multi cab naka-box type pang deliver) kasama ng aking ama, dahil umalis na yung mga pumasok na pahinante at wala na kaming mahanap na iba, habang ako'y nag-aaral nung mga panahong iyon.

Ang aking pasok sa eskwelahan ay 8am-5pm tapos ang biyahe namin ay 11:30pm-5am or 6am nakakapagod isipin diba? Pag-uwi ko kasi di na ako natutulog at naliligo na ako ng diteso halos ilang buwan na ganito ang sistema ko, pero pag Huwebes at Linggo ay wala akong pasok sa eskwelahan so pahinga na din iyon para sakin.

Fast forward. Pag-pick up ng donut sa planta ng 12:30am ay nakakalabas na kami ng 1:30am. Bale nakakadalawang shop na kami bago dito sa kakaibang shop na ito sa lahat, tapat ito ng Catholic School, di ko alam ang eksaktong lugar (kahabaan ng Quezon Ave. bago mag-Rotonda Kanan sa may Jollibee), araw-araw ang deliver namin dito, pangalawang deliver ito na nangyari dahil first deliver ay umaga at maraming tao dahil survey din namin yung shop pati kailangan naming hingin yung susi para i-drop nalang.

Fast forward. 2:30am nandito na kami mabilis kaming mag-drop sa lahat ewan ko kung bakit dito parang ang bagal ng oras at ang hirap kumilos, dahil ako ang pahinante obligado akong buksan ang shop dahil nasa akin ang susi at kunin ang mga return nung first deliver, that time inaayos ng tatay ko yung ibaba naming deliver, 8 crates ito at mabigat so tulong kaming dalawa. Pagkatapos kong buksan ang ilaw, ang return naman ako na magbubuhat mag-isa dahil konti na ang laman nito at para maiayos na ng akin tatay ang susunod pang deliver para kukunin nalang ng mabilisan, after non babalik ako sa loob para pirmahan ang delivery receipt at patayin ang mga ilaw, pero may umagaw sa atensyon ko pagkapatay ko ng ilaw.

P*ta bumukas yung ilaw sa cr, napamura ako sa aking isip (medyo bukas ito ng bahagya kaya alam mong nagbukas ito) may naririnig akong umiiyak, nag-alinlangan ako nung una para silipin pero dahil gusto kong makita kung ano ito tinignan ko pa rin (kinakabahan habang papalapit).

Pagsilip ko p*ta ulit nakayukong umiiyak na babae habang nakatalikod ito, hindi ko alam ang gagawin ko dahil hindi ko maigalaw ang mga paa ko, tanging tawag lang ng aking tatay ang gumising at nagpagalaw sa akin nung mga oras na yon.

Tatay : 'Nak bilisan mo! (medyo pasigaw dahil tapos na sya sa kanyang ginagawa).

Agad akong lumakad paatras dahil kinakabahan akong tumalikod at baka pagtakbo ko siyang lipat nito sa harapan ko, umiiyak pa rin ang babae habang naglalakad ako paatras at nang malakabas ay tsaka lamang ako humarap.

Naisarado ko naman ang shop ngunit nanginginig ko pa ring inaayos ang mga resibo.

Nang aking ikuwento ito sa aking ama ay palagi kaming dalawa na ang nagsasarado nito.

Scary Stories 5Where stories live. Discover now