Nagpaparamdam na mga patay

304 14 0
                                    


Hello po! Ako po ulit si Kiel at ikukuwento ko po ang istorya ng anak ng kaibigan ni Mommy na itago nalang natin sa pangalang Carlos tungkol sa mga nagpaparamdam na mga patay. So here it goes.

Nung bata pa daw si Carlos ay hindi daw ito natatakot sa mga multo o aswang at hindi pa bukas ang kanyang third eye. pero simula nung tumanda na ito, nangyari na ang kinakatakutan ng mama nya. Halos kasi sa mga pamilya nila ay bukas ang third eye kaya alam nyang mabubuksan din ang third eye ni
Carlos.

Nagsimula ito sa panaginip, napapanaginipan daw ni Carlos ang mga yumao nyang pamilya na sinusundo siya o kaya may binibilin at binubulungan sya. Lagi daw siyang gustong kuhanin ng mga yumao nyang pamilya, Minsan din ay napapanaginipan nyang nasa kabaong siya at nakasilip ang mga namatay nya ng pamilya at tuwang-tuwa daw sila na nawala si Carlos. Minsan naman ay binubulungan siya ng mga ito pero hindi nya maintindihan kasi para daw itong latin, napanaginipan nya pang nasa harap ang mga ito habang siya ay nakahiga at may mga sinasabi na para bang dinadasalan siya.

Halos Gabi-gabi na daw napapanaginipan ito ni Carlos at natatakot na ang kanyang mga magulang na baka kunin talaga ng mga yumao nyang pamilya si Carlos.

Nangyari na nga ang pinakakinakatakutan ng mama nya, nagkasakit si Carlos at nahihirapan siyang igalaw ang kanyang katawan. Hindi malaman-laman ng doctor ang kanyang sakit kaya sila ay nagpaalbularyo, ang sabi ng albularyo may gusto daw kumuha kay Carlos pero hindi nila alam kung sino, pero hula ng kanyang ina kinukuha na siya ng kanyang mga ninuno at nang kanyang lolo na nasabing pag siya daw ay namatay ay susunduin nya si Carlos pag tumungtong ito nang 22 years old.

Pagkatapos magpaalbularyo ay na-confine si Carlos. Kahit nasa hospital siya ay napapanaginipan pa rin nya ang mga yumao nyang pamilya pero ngayon sila ay nakangiti, lahat daw sila ay inaabot ang kamay ni Carlos pero tinatanggihan daw nya ito. First time nyang makarinig ng salita galing sa kanila at sa lolo nya pa nanggaling, sinabi ng kanyang lolo na "Apo sumunod kana, dito ka nararapat hindi diyan" pero tinatanggihan nya pa rin niya ito.

Lalong lumalala ang sakit ni Carlos at tuluyan na syang na-stroke at simula nang na-stroke siya ay naririnig nya na ang mga sinasabi ng mga yumao nyang pamilya. Kahit na hirap na siyang gumalaw ay kinukwento at sinusulat pa rin nya ang kanyang mga panaginip sa notebook, kinuwento nya na kaya daw siya ay kinukuha na ay dahil nalalapit na ang kanyang oras dahil alam ng mga pamilya nya na magkakasakit ito at kaya daw masaya ang mga pamilya nya na mamamatay na siya dahil hindi na siya maghihirap at kaya daw siya dinadasalan ng mga ibang kapamilya nya na namatay na ay para hindi matuloy ang sumpa na ginawa ng lolo niya na siya ay kukunin pagtanda nito.

Patagal ng patagal ay palala ng palala ang kanyang kalagayan kaya siya ay namaalam na sa edad na 22. Para sa kanyang ina, nawala ang Kaisa-isa nyang anak at katuwang sa buhay. Anim na taon nang nakahanap ng bagong asawa ang nanay ni Carlos at nagbunga pa ng isang anak. Bumalik ang nanay ni Carlos sa dati nilang tirahan para kunin ang mga natitira pang gamit, Habang siya ay naghahalungkat ay nakita nya ang notebook kung saan nagsusulat si Carlos ng mga napapanaginipan nya. binasa nya lahat ito hanggang sa huling parte, at sa huling parte nakasulat ang huling sinabi ni Carlos. "Ma sorry iniwan agad kita, huwag kang mag-alala Ma, Kukunin din kita pag 60 years old kana."

PS. Pinanganak ang kanyang nanay noong November 12,1959.

Scary Stories 5Where stories live. Discover now