Orphanage

186 5 0
                                    


Hi readers. Just call me LJ. I decided to share some of my creepy experiences and this is one of those. Warning-an ko na po kayo, mahaba po ito cause I want to include the details na importante sa kwentong ito. This happened year 2012 sa isang kilalang orphanage here in Luzon. Just to make things clear, I'm not adopted, naglayas lang ako kaya dun ako tumuloy dati with my cousin (well that's another story haha). That time I'm 14 years old, 13 naman ang pinsan ko.

Sobrang laki ng orphanage and dun kami sa isang center sa pinakabungad ng lugar na iyon kung saan pinapatuloy ang mga tao temporarily. Our bedroom has 2 double deck beds, sa right side is magnanay, kami naman sa left side. Ako sa baba, pinsan ko sa taas. Let's call my cousin Lara. yung magnanay naman sa baba sila nakapwesto kasi baby pa yung anak nya. So yung taas ng isang deck is bakante lang. Describe ko lang ng konti yung center, 2-storey sya. pagpasok mo sa main door office sa left side, lakad konti sala na and sa left side ng sala may walong magkakasunod na kwarto, una yung sa amin (bale apat na magkakaharapan yun pero yung tatlo bakante lang) sa dulo ay cr. May backdoor sa bandang ilalim ng hagdan na nasa mismong sala. Yung backdoor na yun papunta sa kitchen and laundry area. Mula sa kwarto namin matatanaw mo sa bintana yung kusina at labahan. Sa 2nd floor naman ay may storage, walong kwarto na kapareho ng sa baba pero yung isang bedroom iba ang interior nya, na ginagamit ng mother house namin na si Miss A (hindi kpop girl group ah). Tapos may cr din sa dulo.

One night came, hindi kami makatulog ni Lara, lagi naman eh haha so umakyat ako sa higaan nya tapos nagkwentuhan kami, yung bintana namin nakabukas pa kasi nga gising pa naman kami. Dulo ng higaan bintana agad, as in konting space lang. Habang nagchichikahan kami biglang tumunog yung backdoor. It means may lumabas papunta sa kusina/labahan. Bigla kaming humiga mismong pagtunog ng pinto. Hinintay namin na tumunog ulit hudyat na pumasok na ang kung sinuman yung lumabas. Nagbulungan pa kami na "Lagot bukas kay Miss A yun" kasi bawal na lumabas ng ganung oras. Tumunog na ulit yung pinto so umupo ulit kami at sinilip yung labas. Tapos natawa pa kami kasi mukha kaming ewan na biglang magtutulug-tulugan. After ng ilang segundo biglang bumungad sa bintana namin si Miss A, as in inilapit nya ang mukha nya sa bintana namin. Nagkatitigan kami kaya kitang-kita namin na ang pula-pula ng mata nya. "Sorry po matutulog na po kami" sabay pa kami ni Lara tapos bigla siyang umalis pero hindi para pumasok sa loob kundi para dumiretso sa sampayan. Kinabukasan nakwento namin yun sa matatandang kasama namin (mga nanay at tatay na age 30s and up). Pero nagulat kami ng sabihin nilang never lumabas si Miss A ng ganung oras. Kasi midnight na yun. Until 9pm lang po kasi kami pwede sa labas ng kwarto namin eh. Habang pinag-uusapan namin yun, si Miss A pababa galing 2nd floor. Tinanong ko muna sya.

Non-verbatim.
Me: Miss A anong oras ka po lumabas kagabi papunta sa likod?
Her: Pagkapatay ko ng TV natin lumabas ako para patayin yung tangke ng tubig sa Labahan (9pm).
Lara: Pero nakita po namin kayo na lumabas ng hatinggabi. Sumilip pa nga po kayo sa bintana namin kaya nakita mo po kaming gising pa.
Her: Hala kinikilabutan ako. Hindi ako lumalabas ng ganung oras.

Ilang segundong katahimikan bago mag-aya yung isang tatay na magpunta na kami sa kusina para magluto. Kung sila natakot dahil sa kwento namin ni Lara, kami takang-taka kung sino ba yung nakita namin. Napansin siguro ni tatay na medyo balisa pa rin ako kaya sabi nya sa akin, baka elemento daw yung nakita namin kasi madalas daw talaga na may nakikita sila dun sa likod kapag hatinggabi. Pero yung doppelganger, first time daw mangyari. Dati daw kasi batang naglalaro, may naririnig na talbog ng bola, white lady, at may kapre rin daw dun. Nalaman ng isang lalaki dun na halos ka-age ko lang halos yung about sa nakita namin. Let's call him Kuya Jared (crush ko sya that time, gwapo po sya as in).

Non-verbatim.
Jared: Dati nga sa loob mismo kapag hatinggabi may naglalakad sa hallway eh, maruming paa na walang step-in. (bawat pinto po ng kwarto is may part sa baba na makikita mo yung labas di ko alam tawag dun basta yung lines-lines haha).
Me: Eh, nakita mo?
Jared: Hindi ako, yung dating tumutuloy din dito. Sabi nya binti lang daw yun walang katawan.

Masyado ng mahaba itong kwento ko. Maybe next time mag-send ulit ako ng tungkol sa ilan ko pang karanasan sa orphanage na iyon. Sana nagustuhan nyo yung story. This is a true story of mine, but I don't mind kung may ilan na hindi maniniwala. It's up to you.
Bye for now, till next time.

-L.J/Phailin

Scary Stories 5जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें