Pag oras mo na, oras mo na

169 5 0
                                    

Long post ahead.

Hello spookifiers, gusto ko lang i-share ang kwento ng kaibigan namin na itatago ko na lang sa pangalang Star. Kaibigang matalik ng asawa ko si Star at sabay-sabay kaming nagtapos ng college. Si Star tulad ng asawa ko ay isang magiting na pulis, magkaiba nga lang sila ng unit. Sobrang masayahing tao ni Star at sobrang matinik sa chicks yan haha, palibhasa matangkad at may itsura sabay napakagaling mambola at makisama. August 18, 2019 nagkausap kami ni Star sa messenger sinend ko sa kanya ang picture ng asawa ko na mahigit isang taon nya ng hindi nakikita. So ayun tuwang-tuwa sya, pero hindi ko lubos akalain na yun na pala yung huling pag-uusap namin. August 19 ng umaga paglabas ko sa opisina may nabasa akong incident report galing sa isang police station so kabado ako baka may nangyaring hindi maganda sa asawa ko pero laking gulat ko nung makita yung pangalan ni Star sa report, vehicular accident daw, pero inisip ko minor accident lang dahil magaling mag-motor si Star, proven and tested kahit kasi mga nakainom kami magliliparan motor keri lang walang aksidente. Pero mali ako, mali kami dahil nung binisita namin sya sa ospital critical pala yung lagay nya, naabutan namin ang mama nya sobrang iyak, so napaluha na rin ako at yung mumunting luha ko napalitan ng pag-iyak kasama ang iba pa naming kaibigan, si Greg pinagsusuntok yung pader kasi hindi nya kinayang makita ang kababata nya. Guys, para siyang lantang gulay, yung matikas na taga batallion at masayahin naming kaibigan nakaratay. Sobrang sakit makita siyang ganun. Pumasok pa rin ako sa work nung gabi na yun tulala ako sa jeep, panay dasal ko kay Lord. August 20, 1st wedding anniversary namin ng asawa, sobrang bigat kasi una hindi ko kasama si hubs at nasa ospital pa si Star pero nag-stable na daw. Bago ako matulog nag-pray ulit ako kay Lord, wala akong ibang hinihingi kundi ibalato nya na samin si Star. Sa kalagitnaan ng tulog ko nagising ako sa isang tawag, yung bestfriend ko, pagkasagot ko sabi niya "Best nag-open ka na ba ng messenger mo?" ramdam ko sa boses niya yung halu-halong emosyon. From that moment, I already figured out, wala na si Star. Same time that day masaya kami kasi after so many years ikinasal kami ng asawa ko na kahit sobrang layo ng destino ni Star nakarating sya sa kasal namin. Pero paano na ang mga susunod na taon. Ilang araw matapos malibing ni Star, ang bigat pa rin, bawat pagdaan ko sa lugar kung saan sya naaksidente hindi ko mapigilan ang maluha. Hindi niya na makikilala ang magiging inaanak niya pagdating ng araw.

Isang araw napanaginipan ko siya, nakapag-travel back daw ako nung araw bago sya maaksidente, to cut it short sa kagustuhan kong mabuhay sya chinat ko daw sya na huwag magmo-motor at huwag daraan sa lugar na yun, pero hindi nya sineen. Nagising ako, nag-iinit ang gilid ng mata ko. Sumunod na araw napanaginipan ko ulit siya, this time nakaangkas ako sa motor niya, pinipigilan ko siya mag-drive pero nilingon niya lang ako at ngumiti tinapik niya ang kamay ko at bumaba na daw ako. On that same dream nagpunta daw kami sa bahay nila nakita ko siya nakaburol parehong kabaong pero iba ang ikinamatay niya, Nagising ako at napaisip, siguro nga kailangan na naming tanggapin na oras niya na talaga, na kung hindi man sa aksidente sa motor, it will be another way.

Kapatid, 23 ka lang ang dami mo pang pangarap at alam ko ang plano mo na pakasalan si E pero hanggang dito na lang talaga, kung nasaan ka man mahal na mahal ka namin, Kami na ang bahala kina mommy mo. Lagi ka naming dadalawin baka magtampo ka, matampuhin ka pa naman. Salamat sa lahat ng pagpapatawa. Nung nag-message ka sakin na mahal mo kami ng asawa ko at nagpasalamat ka sa lahat, yun na pala yung pamamaalam mo. Yung mga buddy mo tinupad yung hiling mo na hopia sa burol mo. Kapatid, salamat din sa serbisyo mo para sa bayan hindi naging madali ang mga huling sandali ng buhay mo sa bundok para ma-secure ang safety ng nasasakupan ng unit niyo. Isa kang magiting na bayani. Miss ka na namin, ikaw sana ang maging gabay ng bawat isa samin lalong-lalo na sa buddy mo.

So guys, hindi man nakakatakot ang kwento ko pero sana this would teach us to appreciate lahat ng kaibigan natin na lagi tayong kinukumusta kahit di natin sila minsan naalala. Life is so short, life is so fragile. Sa isang iglap lang pwedeng-pwedeng mawala ang isang tao. Bata, matanda, kahit ilang taon ka pa anuman ang propesyon mo sa buhay, si Lord lang talaga ang nakakaalam. Sa nangyari kay Star, medyo nakaka-paranoid pero mas maganda kung ite-treasure natin ang bawat oras natin sa mundo, ipadama natin sa bawat mahal natin sa buhay yung presence natin. Cause we may not know how much time we have left or how much long we can be with someone. Let us all live our lives with a happy heart and always have faith kay Lord.

Salamat guys.

AtemongCriminologist

Scary Stories 5Where stories live. Discover now