Compiled Stories 1

375 11 0
                                    


Ang ibang pasahero

"Oh, Yung mga hindi pa nagbayad diyan, magbayad na!" Sigaw ng driver ng jeep habang tinatahak namin ang daan ng from San Carlos to Bayambang, Pangasinan. Alas sais trenta ng hapon. Halos madilim na ang daan at wala ng halos kabahayan tanging bukirin na lang ang matatanaw sa labas. Napatingin ako sa side mirror ng jeep ng isigaw ng driver iyon. Tanging liwanag na lang ng ilaw sa loob ng jeep ang nagsisilbing ilaw tama lang para Makita Ang mga pasahero. Pagtingin ko makita ang salamin ay mga pasaherong nagkukwentuhan. Yung iba tulog o di Kaya naman ay nagse- cellphone. Madalas sa mga pasahero ay nagtatrabaho sa San Carlos o di kaya naman ay estudyante. "Manong, bayad po" "Singkwenta?" Tanong ng driver, tanong na ang ibig sabihin ay 'Saan itong singkwenta?' pero walanh nagsalita. Nagsibabaan na ang ibang pasahero sa Basista pero napukaw ang tingin ko sa nurse na kanina pa tulog. Kalahati lang ng pwet ang nakaupo at nakahawak ang kamay sa bakal na nagsisilbing patungan ng ulo nya. Wala na halos pasahero. Ilan na lang kami pero hindi gumalaw sa ganung posisyon yung nurse kahit wala na syang katabi. Ganun ang upo mo kapag isiniksik mo lang sarili mo para makaupo sa loob ng jeep. Biglang nagpreno yung driver ng jeep nang may sumigaw ng "Para!". Dahilan para malaglag yung balabal sa lap nung nurse. Puro blood stain Yung damit ng nurse. "Ano ba yan!" Bulong ko sa sarili ko. Kaya tumingin na lang ako sa daan. Nasa bandang Hands of Heaven na kami ng biglang mag-blink-blink yung ilaw sa loob ng jeep. Pito na lang sila doon tapos kami nung driver. "Ito na naman" Bulong ng driver. Nanindig ang balahibo ko ng pagtingin ko sa side mirror ng jeep. Nakaupo na ng maayos yung nurse at nakatakip na yung balabal nya sa lap nya. Pero nakayuko pa din. Nagpatay-sindi yung ilaw. Bawat sindi parang papalapit yung nurse. Di na lang ako tumingin ulit dahil natatakot na ako. Malapit naman na kaming bumaba. Nang makarating kami sa bayan. Nagmadali akong bumaba. Pero sa kasamaang palad. Ang hirap buksan ng pintuan ng jeep sa passenger seat. Sa hindi sinasadya ay napatingin ako sa side mirror. "Put*!" Napamura na lang ako dahil sa frustration at takot na nararamdaman ko. Nagsibabaan na kasi yung ibang pasahero sa likod.
"Miss, okay ka lang?" Tanong ng mamang driver. "Uncle pabukas. Ang hirap i-open" sagot ko. Pero bago pa kumilos yung driver nabuksan ko naman na. "Uncle, may pasahero pa kayo." Sabi ko sa driver habang pababa ako. Lumingon yung driver at napangiti. "Wala naman. Hayaan mo. Bababa din yan" sarkastikong sagot ng driver. Naintindihan nya siguro ang ibig kong sabihin. Pagkababa ko, umandar na agad yung jeep at napatingin ako sa likod nito, wala na yung nurse. Sa pagtataka, lumingon ako kung nasaan na sya. Paglingon ko nasa likod ko na pala at nakangiting demonyo. Parang itsurang adik. "Sh*t!!" Sabay takbo.

-MARIA

Ang Kaklase kong si Ligaya

Ang kwentong ito ay tungkol sa kaklase kong si Ligaya noong 2nd year high school na weird sa tingin ng karamihan, nakakakita sya ng mga bagay na hindi karaniwang nakikita ng mga may ordinaryong mata, tahimik siya, may sariling mundo, hindi palakaibigan, kikibo lang sya pag tatanungin mo pero ang good thing sa kanya ay masipag siyang mag-aral, naging magkaibigan naman kami kahit papaano.

Isang umaga sa Values Ed class namin, hinati kami ng teacher namin sa limang pangkat, kailangan daw isa sa group namin ang mag-share ng masaya, malungkot o nakakatakot na karanasan sa buhay. Hindi ko makakalimutan ang araw na iyon, isang madilim na umaga dahil tag-ulan at nakakatakot ang kulog. Ang pangalan ng kaklase ko ay Ligaya, sya ang naka-assign na magkwento ng malungkot na nakaraan at nasindak kami sa kanyang kwento.

Isang hapon, naglalaro silang magkakapatid nang tinawag siya ng kanyang tatay na manghiram ng itak sa kabilang bahay. Medyo malayo ang bawat bahay sa nayon kung saan nakatira si Ligaya. Nang makahiram ay inabot na ni Ligaya ang itak sa tatay niya at bumalik sa paglalaro. Nung gabi ding yun ay naghapunan na silang magpapamilya. Ang kanyang ina, ama , siya, ang kapatid din nyang babae, at bunsong lalaki na may polio. Tahimik na ang gabi, at isang nakakatakot na ingay ang pumukaw sa nahihimbing na nilang mga diwa. Ang kanilang ama ay nasa ibaba pala at nakaupo, nanlilisik ang mga mata at parang nasapian ng kung anung masamang demonyo. Nakangisi ang kanilang ama at parang kinakausap ang kanyang sarili at nakahawak sa itak, hanggang sa tumayo ito papunta sa itaas kung saan naroroon sina Ligaya, takot na takot sila sa mga oras na iyon. Isinara ng kanilang ina ang pintong kawayan para makaiwas sa posibleng sasapitin nila sa kamay ng tila may sayad na nilang ama. Alam nilang posibleng masira ang marupok na pinto kaya tumakas sila at lumabas ng bintana, unang lumabas si Ligaya, para saluhin ang mga kapatid. Nang makuha na nya ang bunsong kapatid na may polio sinabihan siya ng kanilang ina na mauna nang tumakas at baka maabutan pa sila ng kanyang ama. Labag man sa kalooban ni Ligaya ay sinunod niya ang kanyang ina, karga-karga niya sa likod ang bunso niyang kapatid at hawak niya ang isa pa. Sa di kalayuan, narinig niya ang palayaw ng kanyang ina na tila gustong makatakas sa nakakatakot na kamatayang posibleng masapit. Hindi ininda ni Ligaya ang mga tinik sa daan na naapakan niya, tinawid nila ang ilog, hugis suklay ang buwan noong gabing yun, kaya nakita niya sa di kalayuan na nakasunod pala ang kanyang ama at may hawak pa ring itak. Sinuong nila Ligaya ang matarik na daan, ang liwanag ng buwan ang nagsilbing tanglaw nila sa gabing yun. Nakarating sila sa bahay ng kanyang lola, at humingi ng tulong, doon pinapasok sila ng kanilang lola, at ramdan nila na nandun ang kanilang ama na umaaligid sa palibot ng bahay. Nagdasal sila ng nagdasal hanggang sa mag-umaga na, nakumpirma nga nila na nabaliw nga ang kanilang ama at ang kanyang ina ay hindi na bumalik at balita nila ay nasa Maynila na.

Scary Stories 5Where stories live. Discover now