Spirit of the Coin

151 5 0
                                    


Hi spookify! Please hide my identity.
So I'm back. I'm ShooketA. Naglaro kami ng kapatid ko ng 'spirit of the coin', marami kami dahil kasama ni ate ang mga kaibigan nya, actually di kami pinapayagan ng magulang namin na maglaro ng mga ganyang laro dahil sa sinasapian nga ang iba pero kami nevermind kasi parang joke-joke lang naman ng iba ganon so ito na nga. Nakapaglaro kami sa bahay namin dahil birthday ng kaibigan naming lalaki na kapitbahay din namin, pero dalawang bahay muna ang pagitan bago yon, pumunta si mama doon at nakipag-inuman ng wine, ito naman kami tuwang-tuwang gumawa ng kalokohan, nagsimula muna kaming kumuha ng karton sa cake para sulatan ng alphabet letters at numbers, syempre di mawawala ang yes or no saka good or bad haha. Nang matapos namin magawa yon kumuha na kami ng 5-peso coin para ilaro don, so medyo overacting yung iba kaya nagkakatakutan na agad yung iba kaya nagpatugtog muna kami sa speaker na malaki, sa sobrang lakas ng speaker nagtatalon-talon kami at nagsayawan na bahala na. Nagulat nalang kami na parang ang tahimik ng isa naming kasama, tinanong namin kung anong problema nya pero di nya sinasabi at tatawa nalang sya. Sumunod ay pinatay na namin ang soundtrip at aming sinimulan.

Una ay natatawa kaming lahat.
Me: Hahahaha
Ate: Ginagalaw nyo naman e!
Friend: Hahaha sige na ulit sorry na hahaha
Friend2: Sabi na may gumagalaw e, itigil nalang kaya natin, niloloko nyo lang e"

Nang inulit ang laro.
Me: Sige na kayo nalang ayoko na
Friend: Luh kill joy e, bilis na kasi
Me: Hindi nyo pa naman nasisimulan ok lang yun

Pumayag sila at itinuloy.
All: Anong pangalan mo?
*muling gumalaw ang baryang hinahawakan ng marami*
Ate: Di nyo ito ginagalaw?
Friend: Di ako
Friend2: Di rin ako
Friend3: Ako din ah
Friend4: Lalo na ako seryoso na ako ah

Nakalimutan ko kung ano yung nabuo nilang pangalan pero natanong na nila ang edad, tirahan etc. pero nang itanong ang "Are you good or bad..?"
All: Luh sabay hindi na gumalaw itong barya
Me: May nagloloko na naman yata hahaha

At biglang pumunta sa "bad"
Friend: Waah ayoko na, ito na nga ba ang sinasabi ko e, alam nyo aaminin ko yung natahimik kanina sa gitna ng malakas na tugtog at sayawan nyo e
All: Hala bakit?
Friend: Diba nakabukas ang pintuan ng kwarto nyo kanina? Tas nasa sala tayo ngayon. May nakita akong babaeng nakahiga sa ilalim ng kama nyo duguan sya habang nanonood sating lahat (naiiyak).

Nagkakatakutan na lahat at ang iba ay nagtatawanan pa. At biglang umayaw na ang iba.
Ate: Luh ayaw nyo na?
Friend: Ayaw na din nila ayoko na rin
Friend2: Ang corny kase
Friend3: Quit, quit

At hindi nila tinapos ang laro. Hinayaan nalang namin at nag-soundtrip ulit. Nang makauwi na ang lahat, itinago ni ate ang 5-peso coin dahil may kasabihang bawal na bawal mawala ang baryang yon matapos man ang laro o hindi, dahil nandoon daw yung parusa na kapag nawala mo 'yon mamalasin kayo lahat ng naglaro at mumultuhin nino man.

Kinabukasan.
*binuksan ni ate ang drawer nya*
Ate: Hala teka, hala! Nawawala yung lima ko!

Nataranta sya naghanap kung saan-saan ngunit di nya na ito nakita pa. At ang masama pa, di nya naalalang magdasal.
*maya-maya nagbantay na si ate sa tindahan namin habang ako'y natutulog*
Friend: Pabili po
Ate: Ano yon?
*binentahan na ni ate ang isa naming kalaro kagabi at nagtanong ito*
Friend: Sino yan be?
Ate: Ang alin?
Buyer: Yan ohh!
Ate: Saan?
Friend: Yang nakatayo sa likod mo
Ate: Wala naman e
Friend: Ayan oh, kanina pa e haysss (napalingon sya sa ibang dumadaan sa labas ng tindahan at pagharap nya sa ate ko ay biglang nawala ang kanina pa nyang nakikitang bata)
Friend: Hala! Bakit nawala? Sino ba yon? Yun yung tinatanong ko sayo kanina pa e!
Ate: Huwag ka namang manakot ohh!
Friend: Di ako nananakot, totoo yon!

Hindi lang yun ang mga nangyari, halos lahat ng kasali sa laro ay minulto at minalas maliban sa akin dahil una palang ay umayaw na ako sa laro at hindi nakagambala ng espiritu.

Naalala ni ate ang lahat ng nangyari pagkatapos silang minulto at malasin. Naalala niyang nawala nga pala ang baryang ginamit sa laro at hindi pa natapos ang masamang laro.

~ShooketA.🌙

Scary Stories 5Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ