The Horror Stories of Mindanao State University, Marawi City

419 9 0
                                    


Ang mga sumusunod na kwento ay pawang nagmula sa mga estudyanteng tunay na nakaranas ng kababalaghan.

©Official Student Publication ng MSU (Mindanao Varsitarian Vol. 28)

Story 1: "BABALA"

"Sasali ako!" sigaw ni Mary Joy matapos basahin ang poster na nakapaskil sa bulletin board na kanyang nadaanan. Tungkol ito sa isang audition ng isang sikat na dance troop sa MSU. Ngunit bigla siyang nagdalawang isip nang mabasa niyang gabi pala ito magaganap. Pumatak ang alas syete at tuluyan na nga niyang napagdesisyonang sumali. Sa kalagitnaan ng kanilang praktis ay napag-isipan ng trainer nilang magpahinga at mag-break. Bilang isang first year at walang kamuwang-muwang sa naturang lugar ay nagpag-isipan niyang maglibot-libot. Habang naglalakad siya, napansin niya ang isang lumang piano at sinubukang tugtugin ito kahit wala sa tono. Nang magsawa siya sa kanyang ginagawa ay bumaba siya sa hagdan at nagmasid-masid. Napansin niya ang mga lumang gamit na naroon. Nagulat siya nang makita niyang nakatingin sa kanya ang isang matandang nakabarong at itim na pantalon. Humingi siya ng paumanhin ngunit hindi nagsalita ang matanda at umalis na rin siya. Bumalik na siya sa itaas para muling magpraktis. Nang makabalik siya, tinanong nya ang kanyang trainer kung sino ang nakita nya sa baba. Tinanong ng kanilang trainer kung ano ang itsura ng lalaking kanyang nakita at nang ito'y kanyang sabihin biglang namutla ang kanilang trainer at hindi na nagsalita. Bigla na lang sinabing magpapraktis na sila at binalaan siyang wag ng babalik doon. Hindi na rin niya naitanong kung bakit. Natulog na silang lahat matapos silang magpraktis. Biglang nagising si Mary Joy sa ingay na narinig niya. May nagpapatugtog sa lumang piano. Hindi na niya ito pinansin at sinubukang matulog ulit. Ngunit habang tumatagal lalong lumalakas ang pagtugtog. Nagtaka na rin siya kung bakit siya lang ang nagising sa kanilang lahat. Hindi na siya nakatiis at pinuntahan niya ang kinaroroonan ng piano. Nagulat siya nang makita niya ang matandang lalaki na tumutugtog ng piano. Natakot siyang lapitan ito hanggang sa dahan-dahan itong lumingon sa kanya. Naramdaman niyang nanindig ang kanyang balahibo nang makita niya ang mukha ng matandang lalaki na namumutla, naaagnas at duguan.
Hindi niya malaman kung ano ang gagawin. Gusto niyang sumigaw ngunit walang lumalabas na boses sa kanyang lalamunan. Gusto niyang tumakbo pero parang nakadikit sa sahig ang kanyang mga paa. Tanging nagawa niya ay umiyak habang tinitingnan ang matandang lalaking naglalakad papunta sa kanya. Palapit na ito nang palapit. Pumikit siya, napaupo sa sahig at niyakap ang sarili. Ilang segundo ang nakalipas ay dumilat siya sa pag-aakalang wala na. Napasigaw siya ng malakas nang makitang NASA HARAP NA NIYA ITO AT HALOS DALAWANG SENTIMETRO LANG ANG LAYO SA KANYA! Sigaw siya nang sigaw at tuluyang nagising ang kanyang mga kasama. Nagtakbuhan ang kanyang mga kasama papunta sa kanya. Tinanong kung anong nangyari ngunit sigaw pa rin siya nang sigaw. Tinuturo niya sa harapan ang matandang lalaki ngunit wala namang nakikita ang kanyang mga kasama. Si Mary Joy lang ang nakakakita sa matanda hanggang sa ito'y maglaho at hanggang sa tumahan na siya sa kakaiyak. Doon na nagsalita ng isa sa mga kasama niya, at napag-alamang ang matandang lalaki palang iyon ay ang dating director sa naturang lugar na iyon na kung minsan ay bumibisita sa kanyang dating opisina.

Story 2: "BATA"

Hatinggabi na nang makauwi si Divine galing sa kanilang College Aquaintance Night. Malayo pa ang kanyang uuwian kasama ang kanyang mga kaklase papuntang 7th Street. Nauna nang makarating ang kanyang mga kaibigan sa kani-kanilang cottages. Mag-isa na lang nyang babaktasin sa di kalayuan ang kanilang cottage. Tahimik ang buong paligid habang sya ay naglalakad. Naramdaman nya ang lamig ng hangin at tanging ang mga yabag ng kanyang mga paa na lamang ang kanyang naririnig. Sa di kalayuan, nakarinig sya ng kulingking. Hindi nya alam kung saan ito nanggaling. Hindi nya ito pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Nang malapit na syang makarating sa kanilang cottage, ilang metro na lang ang layo ay napansin nya ang isang batang nakatayo malapit sa kanilang gate. Katabi nito'y isang mamang sorbetero. Nakita nya ang batang puting-puti at nakabihis panglakad. Maayos na nakasuklay ang kanyang buhok at nakadamit ng itim. Ang mama naman na may tindang sorbetes ay naka-t-shirt lang at nakasumbrero. Nakatitig sa kanya ang dalawa. Halos hindi na sya makahinga habang palapit sya nang palapit sa dalawa. Nanginginig ang buo nyang katawan habang dahan-dahang naglalakad. Halos hindi na sya makahinga. Hanggang sa nalampasan nya ang dalawa't halos liparin na nya ang kanilang gate sa bilis ng kanyang pagtakbo. Muli nyang nilingon ang kinaroroonan ng dalawa at nagulat sya nang makitang wala na sila doon.

Napag-alaman na lang nya ang kwento tungkol sa bata at mamang naglalako ng sorbetes tuwing hatinggabi. Lagi daw silang bumabalik sa daan dahil matahimik ang kanilang kaluluwa. Sila ay biktima ng hit and run ilang taon na ang nakakalipas.

P.S. Cottage po ang term sa mga boarding house sa MSU.

Covered Girl
Marawi City

Scary Stories 5Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum