Naririnig kita

117 3 0
                                    


Itago nyo na lang ako sa pangalang kyla. Hindi ko alam kung may ganito ding case kagaya sakin. Noong bata po ako may third eye ako (mga 4-5 years old siguro ako nun) pero simula nung nag-grade 1 ako up to this point wala na talaga. At hindi ko rin naman gugustuhing magbukas pa uli sya hahaha. Wala akong third eye pero sobrang lakas ng pakiramdam ko. Matalas rin ang pandinig ko pagdating sa mga hindi ko naman nakikitang nilalang. Ang weird lang kasi hindi ko sila nakikita pero nararamdaman ko at naririnig ko talaga sila.

Naalala ko pa nung grade 9 ako. T.L.E namin nun. Maaga kaming pinag-break ng teacher namin. Sinamahan ko mag-cr yung kaibigan ko na itago na lang din natin sa pangalang Sofia. Pagpasok namin sa may cr maraming mga kapwa namin estudyante ang nandon. Pumasok na yung kaibigan ko sa isang cubicle at naiwan naman ako sa labas. Yung cubicle sa cr ay apat. Yung tatlo nasa may gilid at meron namang isa na nasa pinakagitna ng cr. Nasa pinakagitna pumasok yung kaibigan ko. Nung mga oras na yun talagang naiihi na ako pero ugali ko talaga na magpigil ng ihi hahaha. Kaso sabi ko iihi na lang din ako kasi baka matagal pa si Sofia lumabas. Bago ako mag-cr sinabi ko "Sofia magsi-cr din ako ah" sabay pasok ko sa isang cubicle sa may gilid. Pagkatapos kong umihi lumabas na din ako agad. Akala ko nasa labas na si Sofia pero wala nakasara pa din yung pintuan ng cubicle na pinasukan nya. Wala na ding mga tao sa cr kundi ako at yung kaibigan ko nga na nasa loob pa din. Ewan ko pero nung mga oras na yun sa totoo lang iba na yung pakiramdam ko talaga. Pinilit ko na lang magbiro para kunwari di ako natatakot.

"Sofia bilisan mo nga aba! Iiwanan kita dito hahahaha" pang-aasar ko.

"T*ng in* mo Kyla! Hahaha" sagot nya sakin. Ewan ko pero talagang kabado ako nun. Pero tanong ko sa sarili ko "Ba't ako kinakabahan e may kasama naman ako?" May maliit na bintana dun sa may cr at pag sumilip ka tanaw mo na yung canteen. Kesa mabwiset ako tiningnan ko na lang mga pagkain sa labas. Pero kahit nakatingin na ko sa pagkain sa labas wala talagang natatakot na ako. Feeling ko anytime sasarado yung pinto ng cr at lalamunin ako ng bowl.

Hindi pa din lumalabas ang kaibigan ko at naisip ko na lang na baka meron sya kaya natatagalan.

"Sofia papatayin ko ang ilaw dito bahala ka diyan hahaha! Iiwanan kita" pagbibiro ko.

"G*go ka talaga Kyla hahahaha" sagot nya pa sakin.

Kahit nagbibiruan at nagtatawanan kami sa may cr di pa din nawawala ang kaba ko. Parang may something talaga eh. So ang ginawa ko sinilip ko sa ilalim ng pintuan nung cubicle yung paa ng kaibigan ko. Pero wala akong nakitang paa. Yung hiwa nung ibaba ng pinto ay medyo malaki eh. Halos kalahati na ng bowl yung makikita mo pag sumilip ka. Ilang ulit akong sumilip pero walang paa. Inisip ko na lang na baka pag umiihi yung kaibigan ko nakapatong ang paa sa bowl hahaha. Pero kung nakapatong ba't wala man lang akong nakikitang trace kahit laylayan ng palda? Ang weird sabi ko sa sarili ko.

"Sofia! Papatayin ko na talaga itong ilaw hahaha bahala ka diyan hahaha, halaaa kaaaaa" pananakot ko pa habang tawa ng tawa.

"Hoy! Kyla g*go ka talaga hahaha" tawa din ng tawa yung kaibigan ko. Lumapit ako sa may switch ng ilaw na katabi ng pintuan. Yung katawan ko nakalabas na sa may cr at nakahawak na ako dun sa may switch ng ilaw. Niloloko ko kasi yung kaibigan ko na papatayin ko na ilaw para tumakbo sana sya palabas agad. Tawa ako ng tawa habang sya tumatawa at minumura din ako. Pinindot ko yung switch habang tawa pa din ako ng tawa. Kaso hindi ma-off yung ilaw. Kaya pinindot-pindot ko pa. Habang busy ako sa pagpindot ng ilaw may biglang bumatok sa ulo ko ng malakas kaya napaharap ako. Nanlaki yung mga mata ko ng makita yung mukha ni Sofia na galit na galit sabay sabing " KYLAAA BA'T MO AKO INIWAN KANINA?" Biglang huminto ang paghinga ko at tumingin uli ako sa cubicle kung saan ko naririnig yung boses. "Eh sino yung kausap ko?" hindi ko na sya hinintay makasagot dahil kumaripas na ako ng takbo kaya napatakbo din yung kaibigan ko.

Nung makabalik ako sa room namin namumutla na ako. Imbes na magalit pa si Sofia natakot din sya kaya nawala ang inis nya sakin. Kanina pa pala sya nakalabas ng cr at nakabalik na sa room namin. Nung malaman nya na wala ako sa room hinanap nya ako. Akala nya iniwan ko sya di nya yata narinig yung sinabi ko na magsi-cr din ako. Mabuti na lang binalikan nya ako. Ano na lang kaya nangyari sakin kung hindi nya ako nabalikan? Palaisipan pa din samin yung nangyari sakin. Alam ko boses ng kaibigan ko at inakala kong kaibigan ko kasi minumura ako eh tapos tinatawag ang pangalan ko. Buong araw akong namumutla nun. Umiwas ako sa cr na yun. Kahit ihing-ihi na ako di talaga ako nagsi-cr dun. Dumating sa point na ayun na lang ang available na cr sa buong school at ihing-ihi na ako pero hindi ako nag-cr dun! Pumasok ako sa cr ng lalaki at doon ako umihi sa sobrang trauma na inabot ko don.

Lumipas ang ilang linggo, ilang buwan. naikwento ng kaibigan ko sa kaklase ko yung nangyari sakin. Ang sabi ng kaklase ko "Talagang may multo don. May nagpakamatay don eh." "Saang cubicle?" tanong ko. "Sa may gitnang cubicle" Nagtinginan na lang kami kasi doon ko mismo narinig yung boses.

Marami pa po akong nakakatakot na experience. Sana po magawa nyong i-post ito. Chika ko uli yung iba. Salamat.

Prinsesa💝

Scary Stories 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon