Compiled Stories 28

110 4 0
                                    


BiLocation

Hello all. Hi din admin, nais ko sanang i-request na itago nyo ang identity ko. Matagal na akong silent reader ng Spookify at ngayon, napagdesisyunan ko na isulat ang isa sa pinakahindi ko malilimutang karanasan ko. Simula bata palang ako marami na akong na-e-experience na kakaibang mga bagay, lalo ngayong namulat na ako sa iba't ibang posibilidad. Hindi lang paranormal ang tinutukoy ko. Pasensya na at magiging mahaba ito.

Nangyari ito mid-December 2018. Ilang araw na lang magpapasko na non. Galing akong trabaho at naka-set kami ng mga kanegosyo ko na mag-meeting somewhere in Metro Manila kinagabihan. Una kaming nagkita ng tatlo ko pang kasamahan, papangalanan ko sila as W, X, at Y. May isa pa kaming partner na tatawagin kong si Z, pero wala pa sya ng mga oras na 'to. Sa mga kasama ko, si Y ang pinakamalapit sakin hindi lang dahil sa college friends kami, kundi dahil may paniniwala din sya sa mga bagay na pinapaniwalaan ko. --- Nagkita kami nila W, X, at Y sa isang kainan para mag-dinner at masimulan ang pag-uusap about sa itinatayo naming business that time. Nagkape kami after kumain pero kinailangan naming bilisan para sunduin si Z para maisama sya sa meeting. Nakadalawang sasakyan kami. Solo sa sasakyan nya si W. Kami naman ni X at Y, magkasama sa isa, bilang si Y ang driver. Maya maya pa, dumating na kami kung nasaan si Z. Nung una, samin sya sumakay pero habang hindi pa kami umaandar, sinabihan namin sya na kay W na lang sumakay para hindi naman sya solo flight, na agad naman nyang ginawa. At dito na nagsimula.

- Naunang umandar ang mga kasamahan namin so kami tamang sunod lang sa likod, although alam naman namin ang daan. Tinawagan ko pa nga ang phone ni W para i-confirm kung saan kami pupunta para ituloy yung meeting at sa regular na kainan namin kami nagkasundong magkita-kita ulit. Nasa likuran ako at nakasandal sa kanang bahagi ng sasakyan. Nakasilip sa bintana habang binabaybay ang pamilyar na kalsada ng biglang may halos dumikit sa amin na puting SUV. Masasabi kong halos dikit kasi kita ko yun sa bintana, na agad ko namang sinabi kay Y: "Uy ang lapit nito o!", na sya namang dahilan para tignan saglit ni Y yung tinukoy ko, pero syempre nagpatuloy sya sa pagda-drive. Pagkasabi ko nun, agad na nag-cut sa unahan namin yung puting sasakyan, pero segundo lang ang itinagal nito at nag-cut na ulit sya para unahan ang sasakyan ni W. So ang setting, nasa likuran kami, sila W at Z sa unahan namin, at yung puting SUV nasa unahan nila. Mabilis yung SUV hanggang umabot sa punto na hindi na namin ito kita. So balik na sa normal yung biyahe. Dire-diretso lang ang daan papunta sa meeting place namin nang biglang kumabig pa-kanan sa isang kanto ang sasakyan nila W. Bilang si Y na mainitin ang ulo, napamura agad sya. "Anak ng &%$# namang trip ni W 'to oh! Bakit kaya lumiko!". Natawa pa nga kami ni X dahil dun sa nangyari at sa expression ni Y. Bigla ding tumawag sa phone ko si Z para i-confirm kung doon ba talaga kami magkikita-kita sa sinet namin na lugar. Maya-maya pa ay nakarating na kami ni X at Y sa parking ng meeting place namin, kanya-kanyang mura at tawanan pa rin dahil sa ginawa ng mga nasa kabilang sasakyan. Ilang segundo lang at dumating na din sila. Pagbabang-pagbaba palang nila ng sasakyan, sinalubong na namin sila ng tawa at mura. Si Y tipong "T@ng!n4 anong trip yon! Kumabig daw ba bigla e!" Hindi namin akalain ang mga salitang isasagot nila samin pagkatapos nun.

W: (napamura) "Kami lumiko? Sino sa atin? Itanong nyo kay Z! Tawa nga kami ng tawa sa loob para kayong tanga, ang lapit-lapit na lumiko pa kayo!"

Hindi pa na-a-absorb ni Y yung nangyari so patuloy syang nakipagsagutan sa dalawa. Ako, medyo iba na pakiramdam ko nun. Parang nanlalaki na ang ulo ko na parang malamig na ewan.

W: "Diba tinawagan pa nga namin kayo para siguruhin na dito tayo magkikita? Kasi nga lumiko kayo bigla!"

Y: "May nakita ba kayong puting SUV sa unahan ninyo bago nyo kami makitang lumiko?"

W: "Meron! Pero wala sa unahan namin yun! Nasa unahan ninyo kasi nag-cut samin yun!"

Y: "Kami nasa pinakalikuran ninyo!"

Scary Stories 5Where stories live. Discover now