Black Witch (Parts 1 & 2)

145 4 0
                                    


Part 1

Hi Admins! I just want to share my story. Totally real life story. This is about my friend. Hindi ako naniniwala sa mga demonic entities. Pero nung nasaksihan ko talaga yun! 100% naniniwala na ako.

Ganito kasi yun. May kaibigan ako itago nalang natin sya sa pangalang Renz. Sobrang babaero. Yung tipong di naman siya gwapo pero sobrang malakas sa mga babae. Yun bang madali siyang makakuha or malakas ang karisma. Ewan ko ba kung bakit ganun, pero magaling talaga. Until umabot yung time na may nagkagusto sa kanya na isang probinsyana. Oo, probinsyana (classmate namin ni Renz noong high school). Nakatira sa liblib na lugar ng Leyte. Nung time na nagkagusto sa kanya yung nasabing babae, may nililigawan 'tong kaibigan ko na si Renz. Tapos sabi niya mahal daw niya 'tong nililigawan niya. Pero yung probinsyana girl, habol ng habol dito sa kaibigan kong malakas ang appeal. Kinausap ni Renz yung probinsyana girl. Sinabihan siya ni Renz na "Nag-aaral pa ako. At kailangan kong mag-focus sa pag-aaral ko." Totoo naman talagang nag-aaral itong si Renz eh - sa Cebu. Pero dun sa Cebu, nandun yung nililigawan niya. Naging magjowa si Renz at yung nililigawan niya. Masaya silang nagsama. Habang masayang-masaya si Renz sa jowa niya, nabalitaan naman ito nung probinsyana girl. Nakita ni probinsyana girl ang mga posts nila sa FB. Sobrang nasaktan itong si probinsyana girl dahil nga ang sabi ng Renz na malakas ang appeal eh nag-aaral siya at kailangan niyang mag-focus sa pag-aaral nya.

Ang bagay na nakakakilabot dito ay 'tong si probinsyana girl pala ay may sikretong malupit as in sobrang lupit! Nalaman ko lang yung sikreto ni probinsyana girl nung inimbita ako ng kaibigan kong pumunta sa barangay nila (magka-barangay sila ni probinsiyana girl) upang maglaro ng basketball. Malayo yung barangay nila. Almost 30km mula sa bayan. After naming maglaro ng basketball, napatanong ako kung saan yung bahay ni probinsyana girl. (I have mentioned earlier na classmate namin si probinsyana girl nung high school). Tinuro naman nitong kaibigan ko yung bahay ng probinsyana girl Tapos ayon, I saw her doing a ritual. Standing inside a circular illustration on the floor. Yung parang pentagram na symbol ng mga satanists. Tapos yung actions niya na parang may kinakausap siya. Pinagmasdan ko lang siya habang ginagawa niya yung ritual niya. Maya-maya ay may itinataas siyang pictures at hiniwa niya yung sarili niya. Tapos pinatakan niya ng kanyang dugo yung pictures na hawak niya. Ang pinakamatindi dun ay picture yun ni Renz at nung jowa niya! Di ko na siya kinibo at umalis nalang ako sa sobrang takot ko. Sino ba naman ang di matatakot dun? Napaka-strange ng ginagawa niya.

Pagkauwi ko, nag-search ako ng satanic symbols dahil sobrang familiar sakin yung illustration na yun. At isa sa results yung nakita kong circular illustration na kinatatayuan ni probinsyana girl. Yung nga. Isang demonic pentagram! Walang kamalay-malay si Renz na may ginagawa ng masama si probinsyana girl sa kanya. Until nagkita kami nito lang September 2019. At sinabi ko sa kanya lahat-lahat ng nakita ko. Hindi siya naniniwala sa mga pinagsasabi ko sa kanya. Hanggang sa unti-unti na niyang nararamdaman ang iba't ibang kamalasan na nangyayari sa kanya. Umabot pa yung time na humingi kami ng tulong sa mga albularyo. At may pinagbilin sa kanya na prayers. Na dapat niyang sambitin every Wednesday at Friday. Di niya pinakita sakin yung papel na nakalukot na ibinigay sa kanya nung albularyo. At di rin niya sinabi sakin kung pano mawawala yung sumpa sa kanya at sa jowa niya. Puro kamalasan na daw ang nangyayari sa kanya. Yun lang ang sinabi niya.

Until this december lang nagkita kami ulit ni Renz. Pumapalya daw siya sa pagdarasal sa prayer na binigay sa kanya nung albularyo. Dahil di siya gaanong naniniwala sa mga ganitong usapan. Kinuwento niya sakin na may dumadalaw sa panaginip niya na parang demonyo daw (mukhang kambing na malaki ang nag-aapoy ang sungay) kinakausap daw siya. Pinasabihan daw siya ng demonyo na lahat ng mahal niya sa buhay ay sa kanya nakasalalay. At wala siyang magagawa para sumuway sa utos ng demonyo. Pagkagising ni Renz mula sa kanyang panaginip ay nabalitaan niyang namatay ang kanyang tiyahin. Sobrang ipinagtaka niya ito dahil sa malusog ang tiyahin niya at wala namang sakit. At di matukoy ng mga eksperto ang pagkamatay ng tiyahin niyang ito. At palagi na daw silang nag-aaway ng jowa niya. At may mga nagawang bagay daw siya na di niya namamalayan kung paano niya nagagawa.

Pinagsabihan niya ang jowa niya tungkol dito. At ayaw maniwala ng jowa ni Renz na may diablong nagkokontrol sa mga galaw niya. Dahil sa pumalya siya sa dasal na pinagbilin sa kanya ng albularyo. Sa kanya nalang talaga nakasalalay ang lahat. Kaligtasan ng pamilya niya. At kaligtasan din ng jowa niya. Di nagtagal ay hiniwalayan siya ng jowa niya sa pag-aakalang nababaliw na si Renz. Sobrang na-depressed itong kaibigan ko at nagpakamatay.
Di naglaon ay namatay din isa-isa ang pamilya niya at ng GF niya.

Part 2

Hi admins! Just for clarification of the story, i-add ko na din ito para ma-clarify. Na-reach na kasi ang limit ng characters ng message eh. Kaya mas pinaikli ko nalang.

Way back December before si Renz magpakamatay. Pumapalya daw siya sa pagdarasal sa prayer na ibinilin ng albularyo sa kanya. Sobrang busy daw kasi sa school works at malapit na daw ang finals nila. Rad. Tech. Student to si Renz. Hilig niya talaga ang science noon pa. Kaya siguro di masyadong naniniwala ito sa mga ganitong usapan. December 7 nung umuwi siya at nagkausap kami. Kamamatay lang ng tiyahin niya (naikuwento ko na ang about sa tiyahin. nakikitira yung tiyahin niya sa bahay nila dito sa Leyte). Nakwento niya sakin na maraming beses na daw siyang muntikang ma-expelled. May sinuntok siyang prof kaya inaasahan niyang marami siyang bagsak this sem. Tapos about naman sa jowa niya, palagi daw silang nag-aaway at madalas mag-break dahil napagbubuhatan niya ito ng kamay. At tinangka pa daw niya itong saksakin. At yun ang dahilan ng tuluyan nilang pagkakahiwalay. Habang nandun pa siya sa Cebu, marami na ding dinaranas na problema yung pamilya niya. Dalawa silang magkapatid. Siya yung panganay at babae naman yung kapatid niya. Nabuntis yung babae kasi na-rape. Yung negosyo naman ng tatay niya biglang bumagsak (may grocery store sila). Nabaon sa utang yung parents niya. At kinukuha na rin ng bangko yung mga ari-arian nila. Si Renz naman palagi nalang tulala nun. 4 days lang pagkauwi niya nagpakamatay na siya. Di na niya inisip na baka totoo nga yung napanaginipan niya. Na sa kanya nakasalalay lahat ng mga mahal niya sa buhay. After mailibing si Renz sumunod yung mama at papa niya. Car accident ang ikinamatay ng mama at papa niya. Yung kapatid naman niyang babae, nagpakamatay din one day lang after the death of her parents. In just 10 days naubos sila. At nito lang bisperas ng pasko nabalitaan kong wala na yung GF ni Renz. Na-rape daw tsaka pinatay.
At yung about kay probinsiyana girl, biglang nawala. Sabi ng kaibigan kong kasama ko nung nakita ko siyang ginagawa ang ritual niya. I was sneaking nung nakita ko siyang gumagawa nun. Kasi i-surprise ko sana siya. Close friends kami nun dati. At yun nga daw ang pagkakakilala ng buong barangay sa angkan ni probinsiyana girl.

Scary Stories 5Where stories live. Discover now