Kuya Leo and Ate Lea

163 7 0
                                    


Rest day ko kahapon at ngayon. Dalawang linggo na akong nagtatrabaho ngayon sa bagong kompanyang pinapasukan ko. Pagtapos ng huli kong confession ay naging abala na ako sa paghahanap ng trabaho. Luckily, nabigyan agad ako ng opportunity at nakapasok sa dream company ko. Mag-isa pa rin akong nakatira sa tinutuluyan kong bahay, not totally mag-isa. Minsan kasi ay pinupuntahan ako ni Erin o kaya naman ay naaabutan ko na siyang nasa loob ng bahay. Sila Sara at Ian ay mas madalas na tahimik lang at nasa malayo. Minsan ko lang rin kung madatnan sa loob.

Si Kuya Leo (hindi niya tunay na pangalan) na pinagkakatiwalaan ko sa pagtingin-tingin sa bahay kapag wala ako. Mabait siya, ang tantiya ko ay nasa 35 yrs old lang siya at wala pang anak pero may ka-live in partner siya, tawagin nalang natin sa pangalang Ate Lea. Maganda rin si Ate Lea, para sa akin. Mabait rin siya katulad ni Kuya Leo, minsan pa nga hinahatiran nila ako ng ulam sa bahay kapag alam nilang gabi na ang out ko from work. May isang beses pa na napagkamalan niyang girlfriend ko si Erin, sinabi ko na hindi at kaibigan ko lang ito.

Ilang araw pa lang ang nakalilipas, tinawagan ko si Kuya Leo para puntahan ako sa bahay bandang 7am. Pagkarating niya ay may bitbit rin siyang pagkain para sa akin, nagpasalamat naman ako at sobrang napansin ko na ang saya-saya niya. Binati ko pa siya nang "Ang saya mo kuya. Anong nakain mo?" tapos non nagtawanan lang kaming dalawa. Sinabi kong kung pwede ba na pumunta sila sa bahay ng 3pm, isama niya si Ate Lea kasi hindi ako nakapaglinis ng tatlong araw. Hindi ko na rin kasi magawa sa gabi dahil sa pagod ako sa trabaho. Nag-okay naman siya sa akin at nagpasalamat ako. Nagpaalam na siyang bibiyahe pa siya, nagpapasada kasi siya ng Jeep. Hinatid ko pa siya hanggang labas ng pintuan ng bahay ko, medyo napaandar na niya yung jeep nung mapatingin ako sa kanya. Kitang-kita ko na wala siyang ulo. Sobrang kinabahan ako at tumakbo palabas, sumigaw ako at tinawag ko ang pangalan niya. Hindi niya ako marinig nung una, buti na lang tinawag rin siya nung taga dito lang rin at tinuro ako. Huminto naman siya at bumaba ng jeep, lumapit ako sa kanya. Sinabi ko na "Kuya, huwag ka munang bumiyahe kahit ngayon lang, saglit lang po. Babayaran ko na po kayo ngayon para sa paglilinis ni Ate Lea." hindi ko na siya nun hinintay, bumalik ako sa bahay at binigyan ko siya ng bayad. Pero, pinagpipilitan pa rin niya na sayang ang kikitain niya nung araw na yon. Pero, para sa akin mas sayang ang buhay niya kung kaya namang magawan ng paraan.
Pinatawagan ko sa kanya si Ate Lea, kinausap ko at sinabi kong dalhan ng damit si Kuya Leo halata pa na nagtataka siya. Sinabi ko na pumunta na lang siya at magpapaliwanag ako.

Ate Lea: "Oh, nakadamit ka pa naman. Para saan itong damit na pinadala mo?"

Sinabihan ko si Kuya Leo na magpalit na siya ng damit at ibigay kay Ate Lea ang hinubad niya. Kinuwento ko na nakita ko na wala siyang ulo. Noong una hindi sila naniniwala, sinabi ko na hindi ako nagsisinungaling. Hindi ko iistorbohin ang pagpapasada ni Kuya Leo dahil lang sa ganitong bagay kung nagbibiro lang ako. Inutusan ko na si Ate Lea na ibaon sa lupa ang mga damit na hinubad ni Kuya Leo, sinabihan ko rin sila na kung pwede huwag na munang aalis at sa bahay ko na lang muna sila mag-stay. Total ay nandon na rin naman sila. Na-conscious ako bigla nung napansin kong nakatingin sila sa akin habang natataranta ako dahil sa naging situation. Tinanong ako ni Ate Lea, "Elle, anong province mo?" sumagot ako na taga Samar ako na mga waray at bisaya ang mga kamag-anak ko. Nalaman kong Cebuana si Ate Lea pero hindi yon halata sa kanya, dahil tuwid siya kung managalog at sobra akong na-amazed. Siguro dahil yun ang first language natin. Tinanong pa niya ako kung sino ba talaga yung babaeng laging nasa bahay ko, kinuwento ko na kaibigan ko lang talaga yon. Hindi ko inaasahan ang sunod niyang tanong, "Yung babae at lalaki na laging nasa labas ng bahay. Sino sila?".

Hindi ko alam ang isasagot ko. Imposibleng makita sila ni Ate Lea, unless kung hindi nila sinasadya. Hindi umiimik si Kuya kaya alam kong hindi niya alam kung ano ang tinutukoy ng girlfriend niya. "Elle? Sino sila? Lagi ko silang nakikita dito, minsan pa nga sinasabihan akong baliw ng Kuya Leo mo dahil kung anu-ano daw ang nakikita ko."

"Sara at Ian. Yon ang pangalan nila. Lagi lang silang nandiyan, minsan nasa malayo, minsan naman kapag trip nila nilalapitan nila ako."

Ate Lea: "Ayos ka lang ba? Sinasaktan ka ba nila? Elle, magsabi ka lang nandito naman kami ni Kuya Leo mo. Ano?"

"Hindi naman. Basta nandiyan lang sila."

Ate Lea: "Hindi sila mga tao. Hindi sila nakikita ng Kuya Leo mo at ayaw niyang maniwala na nakikita ko kung ano ang nakikita mo. May balat ka ba? Ang sabi nila, hindi ako sigurado kung totoo. Ang sabi nila, kapag may balat ka sa kahit saang parte ng katawan. Meron daw yon ibig sabihin. Ako may balat sa likod." Hindi na ako nagsalita.

Simula noon hanggang ngayon, okay naman si Kuya Leo. Naniniwala na rin siya kay Ate Lea at sa mga nakwento ko. Palagi nila akong chine-check tuwing nakakauwi ako from work. Minsan ay sinusundo nila akong dalawa sa terminal. Madalas pa nga ay sila pa ang naglalagay ng bawang sa mga bintana ng bahay. Nagsabit rin sila ng mga rosary sa bawat pinto. Pasalamat ako at ako ang nakakita kay Kuya Leo sa ganong situation, buti na lang at alam ko ang gagawin. Wala namang masama ang maniwala kung ikakabuti mo lang rin naman.

Alam kong may mga magtatanong kung hindi ba nagtatrabaho si Erin. Hahaha, no need guys. Mayaman si Erin at solong anak. Kapag hindi ako masyadong busy, ikukwento ko naman yung nangyari nung Friday.

Maraming salamat.

ELLE T.

Scary Stories 5Where stories live. Discover now