Ilaw at Sigaw

384 16 2
                                    


Unang araw:

Nakatira ako sa isang liblib na probinsya at kasalukuyang nag-aaral sa isang sikat na university. Bente uno anyos na ako at magiging isang magaling at marangal na pulis kung papalarin. Ibabalik ko ang di malilimutang nakaraan nung ako'y dose anyos pa lamang. Sana po ay maunawaan at magustuhan nyo ang ang kwentong ibabahagi ko sa page na ito.

Walong taon na ang nakalilipas, di ko na masyadong matandaan ang eksaktong araw. Uso na naman sa amin ang paglalaro ng gagamba. Kinaaliwan ito ng nga batang kagaya ko noon dahil sa itsura at kung paano ito makikipag-away sa ilalim ng walis tingting. Ordinaryo lang akong bata noon, tahimik at kalmado lalo na't wala kang matalik na kaibigan na mapaglalabasan ng kabaliwan. Tila ba sigaw sila ng sigaw sa kanilang nasasaksihan at sa di kalaunan ay sumilip ako. Nakakaaliw pala talaga, pustahan pa sila ng tig bente pesos. Recess nun, narinig kong nag-uusap ang dalawa kong classmate na sila Jun at Ryan tungkol sa gagamba sa sulok ng classroom. Aakyat daw sila ng bundok mula alas singko ng hapon hanggang 7:30 ng gabi para maghanap ng gagamba. Sumabat ako sa usapan nila at tinanong ko sila kung pwede ba akong sumama sa kanila, maswerte at pumayag naman sila. "Basta magdala kalang ng flashlight, tsaka maraming lalagyan ng posporo ah para may mapaglagyan ka ng gagamba." Sabi ni Jun sa akin."Dun tayo magkita sa may kanto papuntang eskwelahan ah." Ika rin naman ni Ryan. First time ko talaga ito kaya excited na akong umuwi agad ng bahay. Alas kwatro na ng hapon, uwian na. Nagmamadali akong umuwi sa bahay para hanapin ang shoulder bag, malaking flashlight, payong, limang pirasong biscuit, lalagyan ng tubig, at bumili ng sampung pirasong posporo sa tindahan. Pag punta ko sa tagpuan na aming pinag-usapan ay natanaw ko na si Jun at Ryan na may kasamang apat pang iba. Tila ba pinagtawanan nila akong lahat. "Ba't ba naka-bag ka pa? Hindi naman tayo magka-camping sa bundok ah? Hahanap lang tayo ng gagamba." Pinagtawanan pa rin nila ako pero dedma lang ako dahil turo yan ng boys scout eh, laging handa. 5:30 na ng hapon, akmang didilim na ang paligid, first time ko umakyat ng bundok. Tanging ingay ng insekto ang naririnig mo, madamong daraanan, malalaking puno, at masukal na gubat. 6pm na ng gabi, nagsimula na kaming maghanap ng gagamba sa gitna ng gubat. "Wag kang masyadong lalayo sa amin kung ayaw mong maengkanto at maligaw." Sabi ni Ryan sakin. "Kung medyo nakalayo ka samin sa paligid sigaw ka lang ng malakas ah? Sesenyas kami ng ilaw sa kalangitan." Tugon naman ni Jun sa akin. Tumango lang ako at inilawan ko na ang mga damuhan sa paligid ko para maghanap ng gagamba. 30 minutes na ang nakalipas tila ba wala pa rin akong nahahanap, pero yung mga kasamahan ko marami na at naririnig ko pa na tumatawa sila dahil sa nahanap nilang gagamba. Naghanap pa rin ako ng naghanap ngunit mag-aalas syete na ng gabi wala pa rin akong nahahanap kahit isa, konti nalang mapipikon na ako. Sumigaw ang isa naming kasamahan na "Maghanda kayo maya-maya bababa na tayo ng bundok." At isa-isa rin silang sumigaw ng "Oo." Napikon na ako dahil wala talaga, kaya binagalan ko ang lakad ko at maigi kong inilawan ang bawat damuhan. Maya-maya pa ay biglang umulan, mabuti nalang talaga nagdala ako ng payong. Ilang minuto pa ang nakalipas ay abot hanggang langit ang tuwa ko at talon ako ng talon dahil nakakita ako ng malaking pulang gagamba, binitawan ko pa ang hawak kong payong. Akmang gagawa pa ng bahay at mukhang umiinom ito ng tubig ng ulan. Nagdadalawang-isip ako paano ito hulihin dahil first time, kumuha ako ng isang pirasong posporo at itinapon ang laman nito. Mabilis kong dinakip ang gagamba gamit ang kanan kong kamay, inihipan ko at pilit ipasok sa lalagyan gaya ng ginagawa nila sa eskwelahan. Pagkatapos ay naglakad ako ng ilan pang hakbang at nakahanap ulit ako ng malaking gagamba at kulay itim. Sa sobrang aliw ko hindi ko na napansin na napalayo na ako sa mga kaibigan ko. Umabot hanggang anim ang nakuha kong gagamba at may pakanta-kanta pa ako sa daan. Tuwang-tuwa ako dahil ipagmamayabang ko talaga bukas ang mga nahanap kong gagamba. Ilang segundo pa ay napatigil ako sa paglakad. Napakatahimik ng lugar at matataas na damo ang natatanaw ko, mukhang naligaw na yata ako. Sigaw ako ng sigaw sa kalagitnaan ng kagubatan, akmang babalik na ako sa dinaanan ko ngunit parang hindi naman ako dumaan dito kanina. Hindi ako tumigil sa pagsigaw dahil kinakabahan na ako, mukhang hindi nila ako maririnig dahil palakas ng palakas ang ulan. Parang may naririnig rin akong sigaw at may natanaw na dilaw na ilaw, tila ba umaapoy. Nagtataka ako bakit may parang umaapoy sa kalagitnaan ng gubat habang umuulan, kaya sinundan ko ito, baka senyas na ito ng mga kaibigan ko. Kaya binitawan ko ang hawak kong payong at takbo ako ng takbo sa kinaroroonan ng ilaw at sigaw. Pakiramdam ko tila ba parang hinahatak ako ng gubat. Ilang minuto na akong takbo ng takbo sa kagubatan, napapansin ko na tatlong ulit na akong pabalik-balik sa napakalaking puno ng mangga. Hindi ko na marinig at maaninag ang misteryosong sigaw at ilaw. Mangiyak-ngiyak na ako sa takot, kakaibang kaba ang nararamdaman ko at palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko. Sigaw pa rin ako ng sigaw sa gitna ng kagubatan, pero kahit isang sigaw ng pangalan ko, wala akong narinig. Napapagod at nagugutom na ako, lagpas alas otso na ng gabi, patuloy pa rin ako sa paglalakad sa gitna ng kagubatan. Kung anu-ano na ang pumasok sa isip ko, baka may aswang, engkanto, sigbin, tikbalang at kapre akong makakasalamuha sa daan. Nanginginig ako sa ginaw at takot na nararamdaman ko sa paligid, dasal ako ng dasal na sana gabayan ako sa bawat daraanan ko. Huminto na ang ulan, tumingala ako sa langit at umupo, kung alam ko lang na mangyayari ito, hindi ko pag-aaksayahan ng oras ang mga gagambang nahanap ko. Nagpatuloy na ako sa paglalakad, natanaw ko na may mga maliliit na puno ng saging kaya pumitas ako ng anim na dahon ng saging. Naghanap ako sa paligid ng malalaking damo para gumawa ng sahig sa ilalim nito at magmimistulang bahay-bahayan. "Dito nalang muna ako magpapalipas ng gabi." Sabi ko sa sarili ko. Kinuha ko ang tubig sa sling bag ko at isang pirasong biscuit para kumain. Mangiyak-ngiyak ako at nanginginig habang kumakain dahil sa nararamdaman kong takot, ginaw, at kaba. Bigla kong naalala na kumusta na kaya sila mama, baka salubungin ako ang palo nila pag-uwi ko. Habang humihiga ako ay nakadilat pa rin ang aking mga mata, nagmamatyag at nakikinig lang ng ingay ng uwak, at mga insekto sa paligid. Tinipid ko masyado ang apat na natitirang biscuit sa bag ko dahil hindi ko alam kung kailan ako makakalabas ng buhay sa gubat na ito.

Scary Stories 5Where stories live. Discover now