Ilog sa Mt. Banahaw, Quezon Province

131 5 0
                                    


Hi admins! Share ko lang po itong weird experience ko last December 2017 at sana ma-post po itong ise-share ko pero please hide my identity for privacy purposes.

So to make the story short, 3 weeks akong nagkaroon ng lagnat non habang sembreak namin. Minsan lumalala sya tapos magiging trangkaso pag umaga or pagkagaling ko ng tulog o kaya kahit simpleng idlip lang tapos normal na para sakin yung lagnat. So si mama sa sobrang pag-aalala nya ng nag-offer yung tita namin na magpunta raw kami somewhere sa Banahaw kasi may kilalang ilog daw doon na may miracle na tubig chuchu ganon. Ni-grab nya agad then aside from that parang may maliit na fund raising activity na in-organize si tita kasama yung kakilala nya na malapit lang din doon sa Banahaw.

Ff. On our way paakyat ng bundok okay naman wala naman akong naramdaman na kakaiba, bale 5 pala kaming magkakasama; yung driver, si tita, at saka yung kapatid nya, si mama at saka ako. Mabait yung mga kasama namin, sobrang daldal nila habang nasa biyahe kami, halos di ko na napansin na may lagnat ako that time. Nakakatuwa din yung simoy ng hangin sobrang relaxing kahit sobrang tirik na yung araw (mga 11am na kami nakarating). Malamig sobra yung simoy ng hangin, mas malamig pa sa Baguio. Actually, may nadaanan din kaming church na sobrang weird kasi bukod sa puro babae yung mga nandon, yung pinakapari nila ay babae din.

Ff ulit. Bumaba na kami ng ilog na may kasamang tour guide. Mabait naman si kuya binigyan nya kami ng tips at saka reminder bago kami tumawid ng ilog para makapsok don sa kweba.
Ff ulit. Nakatawid na kami ng ilog at nasa loob na kami ng kweba at naglalakad kami papasok pa (may iloloob pa pala yung kweba). Napansin ko na sobrang dilim pala talaga nya at ang dami ding lagusan, may mga lagusan don na sobrang dilim nya tapos sa dulo nya may matatanaw kang liwanag na parang labasan. At ang weird talaga kasi noong una ang naririnig ko habang papasok ay agos ng tubig pero habang tumatagal parang may kasama na yung agos na tunog ng bumubulong, di ko yon naiintindihan pero parang tinatawag ako.

Ff. Nakarating kami sa parang pinakapuso ng kweba. May pinaligong tubig sa amin na galing lang din doon sa mismong bukal ng kweba habang nagdarasal kami. Sabi ng mga kasama ko lalo na si mama, guminhawa raw yung pakiramdam nila pero ako inisip ko na baka dahil sobrang lamig lang ng tubig.

Ff. Pagkatapos namin manggaling sa kweba, naligo kami ng kaunti sa ilog bago umahon. Then pagkatapos naligo lang kami sa tinuluyan namin na kubo tapos nagpalit lang damit, tapos bumaba kami ng bundok para bumili ng laruan ng mga bata. Doon ko na naramdaman na paunti-unting bumibigat ang pakiramdam ko. Nakarating na kami sa supermarket na nahihilo ako, ramdam ko na masakit na sa ulo yung sinag ng araw at parang nasusuka ako, sinabi ko yon kay mama at inisip nya na baka sa biyahe lang yon kasi ilang oras din yung biyahe pababa tapos medyo traffic na din pagbaba namin ng bundok dahil iyon daw yung pinakabayan nila.

Pabalik na kami nang mas lumala yung pakiramdam ko, ramdam ko na pwede akong mag-collapse o kaya magsuka anytime sa loob ng kotse at may mas ilalala pa pala yon pagdating namin sa kubo na tinutuluyan namin. Halos hindi ako makakilos pero pinilit ko pa ring tumulong mag-repack ng mga snacks at laruan para sa mga bata. Dumating na din yung kakilala ng tita ko tapos maya-maya pa ay nag-start na sila ng activities.

Nasa kaagitnaan sila ng activity ng umikot ang paningin ko at nag-black out saglit ang paligid, paggising ko pinapaypayan na ako ni mama halos lahat ng mga tao doon including kakilala ni tita ay nakapaligid sakin. Tinanong agad ako ni mama kung anong nararamdaman ko, ganon din yung kakilala ni tita, let's call him Apo. Tinanong nya sila mama kung anong ginawa, saan kami nagpunta before etc. Sinagot naman nila mama then after that nalaman ko na manggagamot pala sya. Pinaupo nila ako sa isang tabi tapos may kinausap sya na kasama nya. Tapos panay tango lang si Ate Girl. May kinuha syang something sa bag nya pagkatapos at di ko alam ang tawag don basta kahawig nya yung microbots na hawak ng bata na nasa big hero 6 nung sumali sya sa science fare yata (sorry di ko talaga alam, nasilip ko lang sya one time at hindi ako fan haha). So back to the story, may inilabas na something si Manong Apo na parang kulay lumang gold at inipit nya sa pagitan ng daliri ko sa paa pagkatapos ay parang may binubulong sya. Napaiyak ako sa sobrang sakit kasi talaga namang masakit. Parang mapupunit na mababalian yung daliri ko non. Pagkatapos ay may sinabi sya sa babaeng kausap nya kanina na nung time na yon ay nakapikit habang nakaupo na, na hindi namin maintindihan. Tapos dumilat si ate at nag-usap sila ng ibang language noong una, na di talaga namin ma-gets.

"Saan mo sya nakita?" tanong ni Manong Apo. Sumagot si ate girl ng language na di namin maintindihan. At first, akala ko nantitrip lang sya pero pagtagal, mukhang sinapian pala sya. Sobrang aggressive nya in a way na tumatayo na sya at tumitingin sya sakin na parang first time nya makakita ng tao.

Tumawa ng mahina si manong "tao sya, hindi sya bagay sayo. maghanap ka ng kalahi mo"
Nagtagal ang pag-uusap nila na parang nagba-bargain sila. Pagkatapos ng pag-uusap nila ay biglang nahimatay si ate at unti-unting nawala ang sakit na nararamdaman ko sa paa. Sinabi sa amin ni App na habang pumapasok kami ng kweba ay may nakakita raw sa amin na hindi namin nakikita. Gusto raw nya akong isama sa kanila dahil nakursunadahan daw ako at ni-remind nila ako na pag papasok ng kweba huwag magturo or tumingin kung saan-saan (that I actually did that time hehe).

Iyon lang po admins, pasensya na po kung sobrang haba at hindi maganda yung pagkakakwento ng story. God bless!

-yankies

Scary Stories 5Where stories live. Discover now