Kulam

268 9 0
                                    


Hello admins. Silent reader here from Bulacan. Sana ma-post ito. Gusto ko lang maging aware yung ibang tao dahil madaming hindi naniniwala sa Kulam.

Hindi po ito creepy tulad ng ibang stories. Gusto ko lang i-share yung naranasan ng kapatid ko year 2017 na umabot na sa point na siya na mismo yung papatay sa sarili niya.

Call Center Agent yung kapatid ko that time (di ko na sasabihin yung company). Nagsimula lang ang kalbaryo niya sa simpleng pananakit lang ng hita niya. Pumapasok pa din siya kahit di na siya maayos maglakad. Umabot ng 3 days hindi na siya halos makabangon o makalakad kasi namaga na yung buong hita niya, as in lumobo!

Pina-check muna nila mama sa isang albularyo si kuya at nag-warning na "Huwag nyong dadalhin sa ospital, kasi once na maturukan siya hindi ko na niya magagalaw" kaso yung kapatid ko hindi pa siya naniniwala sa mga ganon so pinilit niya yung mama ko na dalhin na siya sa ospital. Ganon pa din kalagayan ng kapatid ko kahit nasa ospital na siya. Nag-decide sila na ilabas na si kuya kasi lumalaki na din ang bill nila.

FF. Naiuwi na si kuya, nagpatawag ulit si mama ng albularyo. So, pangalawa na. Sinabi naman ng pangalawang albularyo na may nakita daw siyang Kapre sa puno ng mangga sa likod ng bahay namin na pwedeng yun daw ang may gawa nito sa kapatid ko.

FF. Hindi na talaga kaya ni kuya, nagkaroon na din ng bedsore sa may bandang puwet yung kapatid ko kasi ilang months na siyang nakahiga lang. Nasasaktan siya pag tinatagilid siya kasi nagagalaw yung hita niya.

Dinala ulit siya sa ospital sa Maynila naman, sa sobrang hindi na alam ng kapatid ko ang mangyayari sa kanya, naisip niya na pigilan na yung paghinga niya para matapos na lahat ng paghihirap niya pero buti di tinuloy-tuloy ng kapatid ko, nabuhayan siya. Na-confine siya ng almost 1 month sa Maynila.

FF. Yung biyenan ko may alaga silang Duwende maniwala kayo o hindi. Kasi naging saksi ako nung mga panahong nasa bahay pa nila yon. sumasanib siya sa anak-anakan na babae ng biyenan ko. Once na sumanib na siya nag-iiba yung boses niya, nagiging makulit siya at nagiging astang lalaki yung sinasaniban niya! Babae po yung sinasaniban ng Duwende, lalaki kasi yung Duwende.

FF. Pinapunta ko sila sa bahay namin (yung biyenan ko at yung sinasaniban ng duwende) nanggagamot po kasi siya. Tinignan niya at hinawakan niya yung kapatid ko at sinabing kinukulam daw siya dahil sa inggit nito sa pamilya namin. Anong kaiinggitan samin e di naman kami mayaman. Wala kaming malaking bahay o magarang kotse at limpak-limpak na pera para kainggitan. Naiinggit daw nung nakapag-abroad ang mama ko sa Taiwan, grade school palang kami ng kapatid ko nun. Ilang years na ang nakalipas pero bakit ngayon sila naggaganon samin.

So ayun ginawan ng ritwal ang kapatid ko. May pinapahid siya sa hita ng kapatid ko tapos ilang araw lang pumutok yung hita ng kapatid ko na puro nana ang laman. Sorry po sa medyo maselan, pero yun talaga ang lumabas. Dinala namin sa ospital yung kapatid ko at nakadalawang palanggan sila ng nana. Nakauwi ng maayos ang kapatid ko at hanggang ngayon naghihintay ako dun sa karma na babalik sa gumawa sa kanya non.

Ang sabi pa nung duwende samin na lahat daw kami na miyembro ng pamilya ay iisa-isahin. Imagine, pati anak ko na baby palang non idadamay nila. Ngayon nakikita pa din namin sila pero pinagwawalang bahala nalang namin. Diyos na ang bahala sa inyo.

PS. Nag-aaral na pp ngayon yung kapatid ko at nakakalakad na kahit walang saklay. Education po ang course niya and 2nd year na din po siya.
PPS. Sorry kung medyo mahaba po. 1st time ko lang po mag-share. Salamat po.

Scary Stories 5Where stories live. Discover now