CHAPTER 1: Enrollment

2.8K 172 50
                                    













Austin's POV








2 months later...








"Uy Austin, wag mo kalimutan pasalubong ko ha" pasipsip agad ni ate Quin, napangiti naman ako




"Oo na oo na, size 10 diba?"sagot ko naman





"Hoy! Austin wag ka magpapasaway dun kay tita mo, saka umayos ka! Tantanan mo na pagiging tomboy mo" saway naman ni mama dahilan para mapawi ang ngiti ko


"Ma naman eh! Hindi nga sabi ako tomboy! Wala akong planong mangjowa nang kapwa ko babae nuh!" asar kong sagot habang nagiimpake



"O sya sya dalian nyo na jan at may pupuntahan pa daw na emergency meeting ang tita mo, Austin" singit ni papa, napatango naman ako saka sinuot ang packpack ko



"Bye pa, kita kits na lang sa sunod" paalam ko saka yumakap sa kanya, sa huli nag group hug din kami





"Uy Austin pag nagpaka babae ka wag moko kalimutan ha, magshare ka nang pampabeauty moh" bilin naman ni ate Debbie, natawa naman kami



"Ate magaaral lang ako hindi lalandi! Saka asa ka! Di ka nga nagshe-share nang tawas mo ako pa kaya" banat ko, napasimangot naman sya kaya nagsitawanan uli kami





Nang mailagay na lahat nang gamit sa kotse ay nagpaalam na ko kanila mama, bago tuluyang pumasok sa kotse ni tita. Huminga naman ako nang malalim





Grabe! Hindi ako makapaniwalang makakapunta na din ako nang Maynila! Bwahahahaa humanda ngayon yung malanding ingeterang Brent na yun! Magaaral ako sa Maximilion High! Kaya namatay na sya sa inggit!





"Ready ka na Austin?" tanong ni tita napatango na lang ako saka naglagay nang headset




Pagdating sa airport ay pinasuyo na ni tita ang kotse nya sa driver, 'di rin nagtagal at sumakay na kami nang eroplano






Sh*t naman oh! Nakakakaba men! Baka magcrash kami sa bulkan deds agad ako!





"Hahaha iha kalma lang, hindi pa tayo umaandar" saad ni tita nang mapansin ata akong naninigas sa kinauupuan ko



"Hehehe sensya na po, first time eh" sagot ko sabay kamot nang ulo




Maya maya pa, sinabihan na kaming ikabit ang seat belt namin. Tumingin ako sa gilid nang bintana at manghang mangha sa nakita ko




"Wow tita tignan mo oh anliliit nang mga tao, parang langgam lang" saad ko habang nakatingin sa bintana, dumungaw din si tita saka agad akong binatukan na syang ipinagtaka ko naman "Aruruy! Ba't ka namamatok tita?"taka kong tanong


"Sira,eh langgam talaga yan eh hindi pa tayo umaandar"napailing na sagot ni tita, napakamot nanaman ako sa ulo ko sa kahihiyan



"Ay hindi pa pala hehehe, kaya pala mukhang langgam"saad ko naman





Lumipas ang ilang oras at unti unti akong nakaramdam nang antok. Nagising na lang ako nang gisingin ako ni tita na malapit na daw kami, agad naman akong umayos nang upo at napasilip sa bintana nang eroplano





Woaaah ang ganda,andaming maliliit na ilaw!






Mapansin kong alas sais na nang gabi kami nakarating ni tita nnag Maynila, dumaan muna kami sa isang restaurant para kumain bago dumiretso sa mansyon nila. Sobra akong namangha sa ganda at liwanag nang paligid. Maraming tao at naglalakihang billboard ang makikita mo sa bawat sulok. Pagkarating sa bahay ay pinakita sakin ni tita ang kwarto ko, ti-nour din ako nang isa sa mga maid nila dahil may meeting pa daw si tita


Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon