Chapter 54: Courting a Gay? Pt.1

872 74 53
                                    





Austin's POV


"Isumbong kita kay Dos!" Biglang banta nya sakin dahilan para manlaki naman ang mata ko "Kanya pala ayaw mo kong magtagal dito kasi may babae ka! San mo tinatago ang babae mo ha?!" Pagbibintang nya saka agad na nilibot ang paningin sa kwarto ko dahilan para matulala naman ako






"A-ano bang..." Naguguluhang saad ko sa sarili saka nagulat nang makitang hawak hawak nya na ang isa saga bra ko mula sa aparador ko





"E-eto pa! Ano to ha?! B-ba't andami?! Ilang babae ang dinala mo dito ha?! Hala ka, isumbong talaga kita kay--mmmm! "idlot nyang saad nang agad kong takpan ang bunganga nya






"Ano ba tumahimik ka nga jan! Hayaan mo nga akong magpaliwanag!" Pakikipagtalo ko pero agad nyang tinabig ang kamay ko dahilan para mapaatras ako nang bahagya




"Kay Dos ka magpaliwanag! Nambababae ka! May kabit ka! Ilabas mo ang babae mo!" Sunod sunod na akusa nya na para bang sya ang babae at sya Ang agrabyadong agrabyado






Ano bang paki nang Dos por dis na yun dito aber! Tsh!





"Pwedi ba?! Wala akong babae! Hindi ako nangbababae!" Nandidiri kong sagot, pero sadyang ayaw lang talaga magpatalo nang mokong




"Eh ano to ha?! Bakit may bra dito? Sa CR mo! Ialabas mo na yang babae m--"





"Wala nga akong babae dahil akin yan!" Inis na sigaw ko sa kanya dahilan para matahimik sya at mapangiwi




"S-sayo to?" Napalitan ang mapanghusgang tingin nya nang nandidiring mukha saka iniangat pa ang kulay pulang bra ko. Napasapo naman ako sa noo ko bago sumagot







"Oo"





"Waaaahhhh! Kadiri, hinawakan ko pa naman yan!!! Yuck yuck! Eww eww!" Nandidiring reaksyon nya saka agad na hinagis ang bra sa mukha ko. Napasimangot naman ako






Wow naman, kung mandiri wagas ah. Eh kung hawakan nya nga yan kanina halos punitin nya na -_-
















"Bakit?" Tanong nya, napakunot naman ako





Kasalukuyan kami ngayong kumakain dito sa kusina habang pinoproseso nya ang kahihiyang nangyari kanina. Kinuha ko naman ang dala nyang isang litrong coke at agad na binuksan nang...









"Sh*t! sh*t! sh*t!" Sunod sunod kong mura nang biglang sumabog mismo sa mukha ko ang laman nang coke. Halos mamatay naman kakatawa ang g*go at hindi man lang naisipang tumulong



"Ano okay ka lang?" Pigil tawang tanong nya pa, inis ko naman syang tinignan





"Ano sa tingin mo ha?!" Inis kong tanong pabalik, ngumiti naman sya nang pagkalaki laki






"Hinde! Wahahahahaa!"




Napailing na lang ako sa katarantaduhan nya saka bumalik sa kwarto para maghilamos at magpalit. Buti na lang at nakajacket ako, kundi malamang bumakat na ang bra ko. Isa pa kahit naman ang alam nya ay nagsusuot lang ako nang bra dahil nga bakla ako mas mabuti pa din yung maingat.





Akmang babalik na sana ako sa kusina nang mapangiwi dahil ramdam ko ang lagkit sa gitna nang dibdib ko, dahil sa coke kaya naman hinubad ko uli ang pantaas ko saka kumuha nang wipes para punasan ang dibdib ko






Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon