Chapter 97: A Mother's Sacrifice pt. 1

635 46 21
                                    




Agnes's POV


* * * * * * Flashback * * * * * *

"Uyy, kinikilig nanaman sya kasi nanjan si Maximus" agad akong napasimangot nang tuksuin nanaman ako ni ate Lourdes

"Hala! Si Agustus!" Kunwaring turo ko salikuran nya, agad namang nanlaki ang mga mata nya at tarantang tumalon sa maputik na palayan na syang ikinagulat ko rin "Uy! Bakit ka naman tumalon?" Natatawang tanong ko nang tignan nya naman ako ng masama

"Hindi yun nakakatawa Agnes" nakasimangot na sagot nya dahilan para matawa lang ako lalo.

"Ikaw din kasi eh!" paninisi ko pa sa kanya saka iniabot ang kamay ko para sana tulungan syang tumayo nang may biglang magsalita sa likuran ko

"Sinong kinakausap mo?"Nagulat ako nang marinig ang boses ni Maximus sa likuran ko dahilan para mabitawan ko ang kamay ni ate at gulat na mapalingon sa kanya

Sandali akong napatitig sa kanya at napalunok. Binalot ng kaba, tuwa at pagkataranta ang buong sistema ko at tulad ng dati ay nanigas nanaman ako sa kinatatayuan ko. Sinubukan nyang tignan ang nasa likod ko at agad na nanlaki ang mga mata, doon ko lang din naalala si ate Lourdes kaya naman muli ko syang nilingon at napatakip sa bibig ko nang makitang binabalot na ng putik ang kulay puti nyang bestida

"H-hala! ate pasensya na--"akmang baba na sana ako para tulungan si Ate nang pigilan naman ako ni Maximus

"Ako na, jan ka lang" utos nya, hindi ko naman maiwasang makaramdam ng kaunting kilig dahil sa pagiging maginoo nya

"Pero kasi...baka madumihan ang sapatos mo" nahihiyang saad ko pero huli na dahil nakababa na sya at inalalayan si Ate Lourdes na tumayo

"Ah, at mas importate pa pala ang sapatos kaysa sakin? ganon?" nakapamewang na tanong sakin ni Ate, hindi naman namin maiwasang matawa ni Maximus dahil sa itsura nyang halos balutin na ng putik

"Sya nga pala, galing ako sa inyo kanina. Galit na galit nanaman si Tito Miguel dahil umalis daw kayo nang hindi nagpapaalam" saad ni Maximus dahilan para makaramdam naman ako ng takot at kaba. Malamang latay nanaman ang aabutin namin nito kay papa

"Bakit ba kasi kayo tumakas?" tanong nya pa

"S-si Ate kasi eh biglang tumakbo nung makita si Agustus sa labas ng bahay, pati ako kinaladkad" paninisi ko kay ate. Natawa naman si Maximus habang nginiwian naman ako ni Ate

"Eh bakit ka naman kasi tumakbo? It's not like he's going to get inside of your house to look for you. Sabihin mo na lang kasi ang totoo" pangungumbinsi sa kanya ni Maximus saka naglakad papunta sa direksyon ko, agad naman akong napaiwas ng tingin nang ngitian nya 'ko

"Akala ko ba matalino ka?" mataray na sagot naman ni ate saka naglakad din papunta sa direksyon namin at pumagitna samin "Sa tingin mo ba kapag sinabi kong ako ang panganay na anak ng amo ng lolo nya, hindi magiiba ang pakikitungo nya sakin? Eh baka nga hindi nya na 'ko pansin eh!" Dagdag pa ni ate habang naglalakad kami pabalik ng mansyon

"What are going to do then? You're going to keep fooling him forever? Darating at darating din ang panahon na malalaman nyang hindi Maluo ang pangalan mo. Hayss where did you even get that name" payo naman sa kanya ni Maximus

"Wala ka nang magagawa dyan, sinabi ko na rin yan sa kanya noon. Sa tingin nya ata kaya nyang magtago ng sikreto hanggang kamatayan eh" giit ko. Hindi naman nakaimik si Ate at nakasimangot lang na nangunang maglakad samin

Nang makabalik ng mansyon ay agad kaming sinalubong ng mga kasambahay, lahat sila ay nagulat nang makita si Ate na puno ng putik. Natawa pa 'ko nang sungitan nya ang isang kasambahay na sinesermonan sya nang mapansin ko ang isang pamilyar na kotse sa tapat ng bahay namin.

Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon