Chapter 104: Nurse

547 46 36
                                    

Austin's POV

Gusto kong sumigaw, gusto kong tumakbo sa labas at magpasagasa na lang sa malaking truck!

Nakakahiya ka Austin! Nakakahiya! NAKAKAHIYA!!! >~<

"I've stolen 12 more kisses from you, you can take them all back if you want to" agad na sumilay ang nakakalokong ngiti sa mga labi nya dahilan para mas lalong mag init ang mukha ko.

Teka dose?! B-bakit parang andami ata?!

"A-anong dose ka jan! Abusado ka ah!" Apila ko naman nang simulan nyang itaas ang hintuturo nya

"First was when i kissed you in front of Crimson" panimula nya saka sumunod namang itinaas ang gitnang daliri nya "The second one when we had our first date, third is when you help me get dressed--" patuloy nya sa pagbibilang dahilan para mas lalo akong mahiya

"O-oo na! Oo na gets ko na!" Putol ko naman sa sasabihin nya pero hindi nya naman ako pinansin at nagpatuloy pa din sa pagbibilang

"I also stole three kisses from you while you were sleeping when you had a fake fever--"

"Ano?!"

"And the rest are every night, also while you were sleeping" pag amin nya na syang ikinalaki ng husto ng mga mata ko

"Anang nang!- at pano ka naman nakapasok sa kwarto ko ha?!"

"I asked you if i can have a spare key to your room and you said yes" sagot nya. Napakunot naman agad ako

"Anong pinagsasasabi mo? Kelan ka naman nagpaalam sakin?"

"Same day when you pretended to have a fever, while you were sleeping" dire diretsong sagot nya na sya namang ikinakulo ng dugo ko. Nagpangalumbaba pa sya na parang may iniisip "On second thought... I didn't actually steal all those kisses, i always ask your permission before I kiss you" dagdag nya pa

"Anong nagpaalam?! Sa tingin mo ba pag nagpaalam ka papayagan kita? ha?!" asik ko pero ang loko nginitian lang ako

"Of course, you always agree to everything i say whenever you're asleep" sagot nya dahilan para mapapikit naman ako sa sobrang inis.

"Hey! I said, can I kiss you?"

"Oh! tangshnmn---" ramdam ko pang may dumami na kung ano sa labi ko pero hindi ko yung pinansin at nagpatuloy lang sa pagtulog

Gulat kong naidilat ang mga mata ko at agad na napatakip sa bibig ko nang may maalala. Nang magkasalubong ang mga tingin namin ay taranta akong napatalikod sa kanya.

T-t*ng*na! ano yun?

"Hey, what's wrong?" takang tanong sakin ng kahoy nang mapansin ang naging biglaang reaksyon ko, agad naman akong napailing

"W-wala" sagot ko. "Ay tapa!" Nagulat na lang ako nang may brasong biglang pumulupot mula sa bewang papunta sa tyan ko at agad akong hinila, dahilan para mapaupo ako sa kama nya.

"A-ano ba! bitawan mo nga ako!" sinubukan kong tanggalin ang kamay nya sa tyan ko nang pumulupot naman ang isa nya pang braso dito at ipinatong ang baba nya sa balikat ko, dahilan para hindi ako makagalaw ng maayos dahil baka magkabuhol buhok o matanggal pa ang dextrose nya. "Ano ba! bitiw nga sabi eh, baka matanggal yang dextrose mo, maiwan pa yang karayum sa kamay mo!" Saway ko pero ang loko tinawanan pa ako

"She's right, you should listen to her if you don't want to go on another surgery" pareho kaming natigilan nang biglang pumasok ang doktor, agad ko namang kinuha ang oppurtunidad at dali dali inalis ang braso nya mula sa pagkakayakap sakin saka tumayo ng tuwid sa tabi ng kama nya. Hindi naman sya umimik. "Sariwa pa ang mga sugat at tahi mo, you shouldn't have been moving around and using all your strength just to hug someone" sermon sa kanya ng doktor saka pasimpleng sumulyap sakin dahilan para mapalunok naman ako at makaramdam ng matinding pagkapahiya

Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon