Chapter 121: A Bird's Play

252 20 5
                                    


Austin's POV

Gaya nga ng napagusapan namin ni Aze ay iniabot sa'kin ng isa sa mga maids sa mansyon ng kahoy ang cellphone ko bago pa man kami makauwi. Pagkarating sa bahay ay nasermonan pa kami ni tita Agnes dahil umaga na daw kami nakauwi. Kamuntikan nya pa nga daw kaming mareport na missing kung hindi lang tumawag si Crimson kagabi sa kanya. Habang nanenermon si tita ay napaisip naman ako kung paano nagkaroon ng number 'tong delubyong 'to ay tita.

Close ba sila?

Pansin ko kasi nitong mga nakaraan, parang nagiging close na 'tong mga tukmol na 'to kay tita ah. Una facebook account ko, ultimo cellphone number ko nakuha na din nila kay tita, kaya minsan nagugulat na lang ako may bigla biglang magte-text sakin na nanalo daw ako ng isang milyon o kaya ng bagong kotse, tapos sa huli malalaman ko sila lang pala. Nagawa pa 'kong pagtripan ng mga loko! Tapos ngayon number na mismo ni tita?


Yung totoo, hindi kaya pinopormahan na nila si tita Agnes? =_=


"Ang totoo kasalanan po talaga ni Austin 'yon!" Muli akong nagising sa reyalidad nang mapagbintangan ng utak elementaryang tukmol. Nakangiwi ko syang nilingon saka pinanlakihan ng mata. "Sinabihan na po namin syang umuwi na, kaso ang tigas ng ulo!--Aray!" daing nya nang agad ko syang batukan.

"Hoy! Anong kasinungalingan nanaman yan, Ha?! Eh ikaw pa nga yung nanghatak sa'kin para lang hindi umalis!" Depensa ko agad.

"Uy! Hindi ah! Ikaw talaga ang nagpumilit na magpaiwan. Kahit tanungin nyo pa po sila tita." tanggi nya sabay turo s mga tukmol na nasa tabi nya. Mas lalo namang nanlaki ang mga mata ko nang magsi-tanguan ang mga walang hiyang tukmol na 'to!


"Totoo po yun tita!"


"Totoo po, wala po talaga kaming kinalaman dito. Si Austin ang may kasalanan."


"Tama, tama. Kasalanan talaga ni Austin."


Aba't!--Pinagkaisahan pa talaga ako ng mga lintik!

"Mga Sinungaling kayo!--" tatayo na sana ako para paghahampasin sila nang bigla namang magsalita si tita.

"That's Enough!" Saway nya samin, dahilan para muli akong mapaupo. Napatingin naman sakin ang ibang mga tukmol saka bumungisngis, halatang nagaasar. Inambahan ko naman sila ng suntok, pero imbis na matakot ay mas lalo lang lumapad ang mga ngisi nila. Napabuntong hininga naman si tita Agnes saka umiling.

"Nevermind, basta ayoko nang maulit 'yon. Sa susunod na tumanggi pa din si Austin na umuwi sa tamang oras, magsumbong kayo sa'kin, at ako ang pupunta para sumundo sa kanya." Napasimangot ako nang mukhang mas pinaniwalaan pa ni tita ang kasinungalingan ng mga tukmol.


"Opo, tita!"


"Makakaasa po kayo!"


"You can count on us."


"Copy, boss!"


Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon