Chapter 20: Have Mercy

1.3K 125 41
                                    

Dedicated to ZaJiRT03

Not edited pa din! Ilag sa typo!!!





Austin's POV


Halos sumabog ang utak ko nang makita ang sarili ko sa salamin

Shems is dis me? Ba't ang gwapo?! Hi selp kaw na lang kaya jowain ko?

Naibigay na kahapon ang mga uniform namin kaya,ngayon ang unang araw na makakapagsuot ako ng uniform ng Maximillion High. At panglalaki pa! Pares sya ng Gray na slux saka coat na may nakaembroid na pangalan namin at School logo sa may Kanang bulsa, sa loob naman ay plain white polo saka pulang necktie. Halata namang medyo nilakihan ang uniform ko para hindi bumakat ang dibdib ko,pero kahit na malaki ang uniform ay di ko pa din maiwasang magwapuhan sa sarili ko,Naks!

Nagtaka din ako kasi dapat nung Tuesday pa nabigay ang uniforms namin,pero ang sabi nadelay daw dahil sa daming inaasikaso at ginagawang uniforms nung supplier kaya kahapon lang nadeliver nung babaeng mukhang model kumpara sa delivery girl yung mga uniporme.

"Hey,you okay there? Kanina ka pa nakatitig sa salamin ah" natatawang sabi ni Crimson,agad naman akong napaharap sa kanya

"May nakita kasi akong gwapo sa salamin,sharap jowain hihi" sagot ko na ikinangiwi nya

"I'll prefer you boyishly. Nakakasuka ka tignan pag ganyan eh,mukha ka ngang tunay na bakla"kantyaw nya na ikinasimangot ko

Langya tong mukhang to mukhang bakla? Dzuhh!

"Panira ka talaga,tara na nga!" Inis kong aya saka kinuha ang mga gamit ko at nangunang lumabas ng kwarto namin,ngingiti ngiti naman syang sumunod sakin

Pagkadating sa room namin ay napangiti ako sa ganda ng nasaksihan, dahil sa mahiwagang uniform ay tumino at mga kaklase ko at mahina lang na naguusap di gaya dati na pagbukas mo pa lang nang pinto sasalubong agad sayo binilog na papel o di kaya papel na eroplano,tas minsan shoot pa sa ilong mo

Pagkadiretso sa upuan ko ay napatingin ako sa katabi ko na tanging walang pinagbago. Tulog pa din at nakataklob ng notebook ang mukha,inayos ko naman muna ang gamit ko nang lumapit sila Rent at Eros na mukhang proud na proud din sa uniform na suot

"Naks gwapo natin ngayon ah, di ka na mukhang Tomboy Austin"bungad sakin ni Rent, napasimangot naman ako

Lakas nyo makapanira ng araw!

"Kung maninira lang din kayo ng araw, utang na lamang loob wag ngayon" ani ko na ikinatawa lang nila

"Naks, akalain mo yun bagay din pala sayo maging lalaki--aw!" nanlaki naman ang mata ko nang biglang sumingit si Clinton sa usapan,dali dali ko naman syang sinapok para matahimik sa kadaldalan nya

"Teka wag mong sabihing..."biglang bumilis ang kabog nang dibdib ko nang magsalita si Rent "bakla ka talaga?" Agad naman akong nakahinga ng maluwag sa sinabi nya,kaso kasabay nun ang pag alingasaw ng tawanan

"HAHAHA  halata naman nung first day pa lang diba?"

"Ang hina mo naman Rent HAHAHA!"

"HAHAHAHA buset naalala ko yung miss daw hahahah"

Napasimangot naman ako sa kantyawan nila pero agad na napawi yun nang pumunta sa direksyon namin sila Tres at Crimson,sabay pa nilang hinatak si Clinton at kinaladkad palabas

"Teka ano ba bitawan nyo nga ako! Sino ba Kayo ha?!"palag pa ng bumbay

Haish mabubuking pa ko sayo ng di oras eh!





Crimson's POV


Nagkatinginan pa muna kami nila Tres bago mapagdesisyunang kaladkarin yung lalaki palabas ng room, I just found out yesterday that Tres already found out Austin's true identity...but I'm hoping that he won't tell Dos anything about it

Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon