Chapter 107: Divulge

530 47 15
                                    


Austin's POV

Dumating ang kinabukasan at imbis na pumunta sa funeral home ay wala akong nagawa kundi ang pumasok sa school. Nung malaman kasi ni mama na hindi ako pumasok nung mga nakaraang araw dahil sa nangyari kay Clinton ay pinilit nya 'ko at si tita na papasukin ako dahil sayang din daw yung binabayad ni tita sa school kung hindi ako papasok. Baka din daw marami na 'kong namiss na mga lesson at hindi na makahabol dahil nga mahina ako sa klase, kaya sa huli ay napilitan kami ni tita na sumang ayon kay mama, dahil kung hindi ako-malamang si tita naman ang tatalakan at aawayin nya -,-

"Ma--"

"Tigil tigilan mo 'ko Austin, pumasok ka na dun" putol agad sakin ni mama dahilan para mapasimangot ako

"Pero ma, wala pa kasi ako sa mood mag aral" pagdadahilan ko pa

"Aba! Eh ano namang akala mo sa perang pinapaaral sayo ng tita mo? Depende lang din sa mood nya? Aba! Mahiya ka naman!" Sermon nya. Wala naman akong nagawa kundi ang mapabuntong hininga na lang

"Ate, wag na muna kaya natin pilitin ang bata--" sinubukan din akong depensahan ni tita pero wala talagang makakatalo sa bunganga ni mama

"Wag mong kunsintihin!" Apila agad ni mama habang pinandidilatan si tita ng mata

"Pero ate, fresh pa kay Austin ang lahat. Pano kung natrauma yung bata?" Mahinang tugon ni tita na sya namang ikinaliwanag ng mukha ko. Agad akong kumapit sa braso ni mama at umarteng naiiyak

"Oo nga ma, natrauma ako sa nangyari eh. Pano ku--aray naman!" Padadrama ko pa sana nang bigla namang itulak ni mama ang noo ko palayo. Muntik pa kong masubsob sa bintana ng kotse kung hindi lang agad ako nakahawak sa sandalan ng upuan namin

Kahit kelan talaga, napakasadista netong nanay ko!

"Tigil tigilan mo 'ko sa kadramahan mo Austin ha. May bodyguard ka, kaya pumasok ka na dahil malelate ka na!" Halos lumuwa na ang mga mata ni mama dahil grabe kung pandilatan nya ko ng mata, kaya sa huli ay wala din akong nagawa kundi ang bumaba ng sasakyan at inis na pumasok ng campus

Oh tamo, ni hindi man lang nagpaalam. Parang hindi anak ha -,-

Habang naglalakad sa may hallway ay hindi ko maiwasang mailang sa bodyguard ko kunu daw na syang nakasundo sakin ngayon. Kahit ang ibang mga estudyanteng nakakasalubong ko ay napapatingin samin pero agad din na umiiwas.

"Nag-aaral ka pa ba?" Tanong ko kay Yany na kinareer talaga ang pagiging bodyguard. Ultimo kahit nasa loob na ng school building, nakashades pa din talaga ang loka loka.

Pag sya talaga natapilok dahil sa kag*gahan nyang yan-sinasabi ko, tanggal nanaman angas nya. -,-

"Of course!" Mataray na sagot nya nang hindi man lang ako tinitignan...o baka naman nakatingin talaga sya sakin pero hindi ko lang masabi dahil sa suot nyang shades?

"Eh pano ka naging bodyguard ko? Wala ka bang pasok?" Takang tanong ko, nagulat pa ko nang bigla nyang hilain ang backpack ko papunta sa kabilang gilid nya.

Muntik na pala akong mabunggo sa pader habang paliko kami, dahil sa kakasilip ko sa mga mata nya.

Langya, ako nga 'tong walang shades pero ako pa ata 'tong walang makita -_-

"Wala" tipid na sagot nya

Buti pa sya walang pasok

"Bakit?" Tanong ko pa uli

"It's none of your business" pagtataray nya, sakto namang nakarating na kami sa room. Muli naman akong nagulat nang sumunod sya sakin papasok ng classroom

Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon