Chapter 101: Fallout

538 57 16
                                    

Sorry kung natagalan, marami kasi kaming pinaggagagawa ngayon since lapit na graduation ng kapatid ko hahaha, di makahanap ng tyempo kung kelan magsusulat ng update 😅

Ilag sa typooo!!! Nyapiii reading mga bb's 😘✨


Austin's POV

"Sabihin mo nga sakin... May gusto ka rin ba kay Dos?" Tanong ko habang direktang nakatingin sa mga mata nya. Mas lalo naman akong napakunot ng bigla syang inis na matawa

"Anata no hitobito no nani ga mondai ni natte imasu ka? Anatahadaredesu ka, Toresu?" Bakas pa rin ang pa rin ang inis sa boses na sagot nya. Napakurap naman ako dahil sa bilis nyang magsalita, dagdagan pa nang wala man lang akong ni isang ideya kung anong pinagsasasabi nya

[Translation: What's wrong with your people? Who are you, Tres?]

"Minumura mo ba 'ko?" Takang tanong ko dahilan para mapahinga naman sya ng malalim, sinusubukang pakalmahin ang sarili

"No, i am not cursing you. And i definitely don't like Dos, alright? Who even told you that?" Sagot nya

"W-wala, napansin ko lang kasi kung makapagkwento ka tungkol sa kany--"

"Look. Even if i showered him with compliments, it doesn't mean that i like him okay? I was only telling the truth about him. And please don't ever say that again, Dos and i are like siblings. We treat each other as brother and sister, it's rude to assume something like that" putol nya sakin bago tuluyang buksan ang pinto at dirediretsong pumasok sa loob ng room.

Nang tuluyan nang makapasok sa loob ay agad akong napatingin kay Aileen na nakaupo lang sa upuan nya kanina habang nakabusangot. Napatingin din sya samin pero agad na umiwas nang magkasalubong ang tingin namin.

"Where's Aze and your ex?" Tanong ni Aileen kay Yany na may hinahanap na kung ano sa dala nitong bag, bahagya pang nanlaki ang mga mata namin ni Aileen nang maglabas sya ng binocular mula sa bag nya

Bakit may dala syang ganyan?

"Outside" maikling sagot nito saka naglakad papunta sa may bintana. Pasimple naman akong lumapit sa bag nya at sinilip ang laman nito

"They ditched us?!"

"Ay kalabaw!" Halos mapatalon naman ako sa gulat nang biglang tumayo si Aileen at sumigaw. Napakunot naman si Yany

"No, they're just checking the perimeter dummy" sagot naman ni Yany saka muling tumingin sa labas ng bintana gamit ang binocular nya

"They don't need to do that, they should've just waited for the authorities to arrive" inis na sagot naman ni Aileen. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita ang laman ng bag ni Yany

Hindi lang telescope ang laman ng bag nya, meron din syang dalang first aid kit, taser, brass knuckle at ang mas ikinagulat ko sa lahat ay ang makita ang isang baril sa loob ng bag nya.

"You didn't call the police didn't you?" Kunot noong tanong ni Yany sa kanya

" Of course I did!" Sagot naman ni Aileen.

"Why did you do that?!" Pareho naman kaming nagulat nang si Yany naman ngayon ang mapasigaw. "You shouldn't have done that! It's still too early!" Inis na dagdag pa ni Yany saka nagsimulang magpipindot ng kung ano sa cellphone nya

"Why? Dapat naman talaga kanina pa tayo tumawag ng pulis diba? It's their job, not ours" saad pa ni Aileen, inis naman syang tinignan ni Yany na mukhang may tinatawagang kung sin

"How's everything there?...that doesn't matter! Puntahan nyo si Dos ngayon but keep a low profile, tell me he's stats when you arrived there. And don't make any sudden moves without my command" Dinig naming utos ni Yany sa kausap nya sa telepono.

Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon