Chapter 145: Her Dark Faith

226 11 3
                                    



Trigger Warning

This chapter contains violent and disturbing scenes that are not applicable for young readers and those who experiences such similar trauma. Read at your own risk.


Envy's POV

Continuation...

"Envy! Buksan mo 'tong pinto!" napapikit ako sa sobrang takot nang marinig ang subod-sunod na pagkalabog ng pinto. Niyakap ko ang mga binti ko habang nakaupo sa isang sulok ng lumang kwarto.

Kuya... asan ka na ba?

"T*ng*na mong bata ka! Ayaw mo lumabas ah, Miriam! Kunin mo ang susi!" Mas lalong domoble ang kabog ng dibdib ko nang marinig ang sinabi ni dad mula sa labas ng kwarto ko. Agad akong napatakip sa bibig ko upang pigilan ang sariling mapahikbi.

"S-sir"

"T*ng*na nasan ang susi?!"

"O-opo, eto na po!"

Pilit konng isiniksik ang sarili ko saa pader habang nanginginig sa takot. Nakatingin lang ako sa may pinto habang inaabangan ang pagbukas nito. Nang marinig ang panibagong yabag paakyat kasabay ang maingay na tunog ng susi ay agad akong napagapang papunta sa ilalim ng kama ko.

Napalunok ako. Mabigat ang bawat paghinga ko. Piilit kong tinakpan ang bibig ko para hindi makagawa ng anumang ingay. Agad naman akong napapikit nang biglang bumukas ang pinto. Um-echo sa buong kwarto ang pagkalabog nito.

Kuya...somebody...please, help me...

Nakakabingi ang bawat mabibigat na yabag ng sapatos ni dad na umi-echo sa buong kwarto. Tahimik ang buong paligid. Kahit ang mga maid sa labas ay nanatili lang na nakatayo sa labas at hindi gumawa ng kahit ano mang ingay.

It's been a week since lolo and kuya left. I didn't know why they left me or where did they go to. Kuya said he'll be back, but it's been a week and I still haven't heard a single word from him. Eversince dad talk to that guy, he always come home late and drunk. He would always go into my room and hurt me for no reason.

"You d*mn little wrench!" napatili ako sa gulat nang biglang abutin ni dad ang paa ko at hilain ako palabas s ilalim ng kama.

"Nooo! Stop! Let gooo!" I cried. Pinilit kong kumapit sa sahig pero dumudulas ang mga maliliit kong kamay sa maalikabok na tiles.

"You liar! Parehong pareho kayo ng nanay mo! You all lied to me!" Muli akong napasigaw sa sakit nang bigla n'ya akong hatawin ng sinturon.

"Tama na po! Daaad!" daing ko habang namimilipit sa sakit.

"Don't you dare call me that! Hindi kita anak!" Muli n'ya 'kong hinataw ng sinturon. Sa pagkakataong ito ay ramdam kong tumama ang mabigat na bakal nito sa likuran ko dahilan para mas lalo akong mapahiyaw dahil sa matinding sakit.

Bigla akong nahirapang huminga. Tumriple ang kabog ng dibdib ko hanggang sa unti-unting nanlabo ang mga mata ko. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak habang paulit-ulit na hinahampas ni dad hanggang sa tuluyan nang dumilim ang lahat.

Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon