Chapter 132.5: Unfold

261 18 9
                                    


Austin's POV

"Eto, eto, eto! Anong pangalan ang mabalahibo?" Tanong ulit nii Rent dahilan para magsipag react naman ang mga tukmol.

"Kuya, ano ba? Nakakahiya ka na!"

"Lasing ka na tol, itulog mo na yan."

"Ano?!"

"Edi, Featherico!" Pagpapatuloy n'ya sa kabila ng pag-awat ng mga tukmol sa kanya. Napangiwi naman ako.

Kakatapos lang naming maghapunan at ngayon balik naman kami ngayon sa may pool area, pinagpapatuloy ang kwentuhan na nauwi sa mga korning jokes nila Eros at Rent na mukhang may mga tama na.

"Ako! Ako! Pick-up line!" Napatayo si Eros sabay taas ng kamay, akala mo naman sumasagot kapag may recitation.

"Tumigil na kayong dalawa!"

"Wag na, umupo ka na lang."

"Ayaw namin marinig!"

"Austin!" Tawag n'ya sa'kin dahilan para manlaki naman ang mga mata ko at mapatingin sa'kin ang mga tukmol. "Mansanas ka ba?"

Thungene!

"Mukha ba 'kong mansanas?" Tanong ko sa kanya pabalik, umaasang babalik s'ya sa katinuan. Natawa naman ang mga tukmol.

"Ano ba yan, pangit kabonding! Sige na! Sabihin mo bakit!" Pamimilit n'ya. Napakamot naman ako sa ulo.

"Bakit?" Sa huli ay sumuko na lang din ako. Napangiti naman s'ya.

Mahirap talaga makipagtalo sa lasing. Pati ikaw mawawala sa katinuan.

"Kase...APPLE por yuu! YIIEEEE! HAHAHA!" Napangiwi ako nang makitang s'ya rin ang kinilig sa sariling banat. Sabay namang natawanan sila Aze at Tres habang napapailing naman ang iba sa mga tukmol.

"Ehem! Delekado yan ah!"

"Patay, mukhang may hindi makakauwi mamaya."

"Mukhang kailangan na natin ng pang abuloy."

"Sagot ko na biscuit!"

"Huy! G*go ka!"

"Ako na sa takore saka kape!"

"Papatawag na ba 'ko ng punerarya, o morge muna?"

Napailing ako. Tinignan ko ang kahoy na nakacross-arms habang nakataas ang isang kilay, mukhang babaeng tinarayan si Eros. Katabi n'ya si tita Agnes na natawa din sa kalokohan ng mga tukmol.

"Ay ako! Meron ding isa!" gusto kong maiyak nang marinig nanaman si Rent na magpresinta. Kanina pa sila nagpapalitan ni Eros ng mga joke na mukhang sila lang ang nakakaunawa.

Isa daw, eh nakailang isa na sila. -_-

"Anong tawag sa mansanas na bayani? Edi si...Apple-linaryo Mabini! HAHAHA!" this time hindi na inantay ni Rent na makapag react ang mga tukmol at talagang diniretso na ang banat n'yang mais. Umakbay naman si Eros sa kanya saka sabay silang tumawa.

"Wow! Si Apolinaryo Mabini kilala pero nung sinabing name 5 national heroes, heroes sa ML ang sinagot." Pang aalaska ni Forth sa kuya n'ya sabay tawa.

Oo nga no? Naalala ko din yun!

Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon