Chapter 38: Aklas

906 81 20
                                    

Yun! nakaud na din, although hindi po ito ang original scene nang chapter na to dahil tatlong beses ko na itong inulit at ayoookonaaa! Nakakaloka ka wattpad pagod nakot lahat lahat iistresin mo pa ko!

So Yun na nga hahahaha, diretso na kinabukasan nakakaloka nang magpaulit ulit eh isa pa masyado nang mahaba ang ilang chaps para sa isang araw! Move na tayo mga bhiee hahaha

Ilag sa typo, nyappiii reading mga bb's!!!😉❤️✨




PS. (PahabolS): isang chapter lang po muna ang mai-a-update ko ngayon dahil suuuper pagod talaga saka masyadong busy, Sana po maunawaan nyo. Try ko lang ihabol ang isa pang chap kung kaya






Austin's POV



Kinabukasan ay nagising ako dahil sa sinag nang araw. Kinusot ko pa ang mga mata ko bago tumingin sa alarm clock nang manlaki ang mata ko...

Waaaaaaaahhhh shetemaru! Alasyete naaaaaa!


Dali dali akong bumangon at napatingin sa kama ni Crimson, nagtaka naman ako nang makitang wala nang tao



Lintek na delubyo Yan ah! Bumabawi!



Wala namang ganap kahapon maliban lang sa hindi nanaman nanamansin ang delubyo matapos kaming mahuli ni Dos sa ginawa naming katarantaduhan sa cellphone nya. Ang sira ulong Dos kasi pinalitan pala ang password at wallpaper nang cellphone nya. At talagang yung malademonyong picture pa talaga naming dalawa ang pinalit nya sa mala anghel na mukha nung ex nya. Bonus na lang yung aksidenteng nabasag ko pa ang screen nito -,-



Dumiretso nako sa cr para magsipilyo at maligo, hindi nako kumain dahil late na talaga ako! Matapos maligo at magbihis ay dali dali kong kinuha ang mga libro, notebook at ballpen ko. Dinala ko na lang din ang Coat at necktie ko dahil sa sobrang pagkataranta.

Mas lalo pang nadagdagan ang kaba ko nang wala nang makitang tao ni isa sa labas nang Dorm, patakbo ko namang sinuong ang elevator at doon na nagsuot nang necktie at Coat ko habang hinihintay na makarating sa itaas

Hingal akong nakarating nang school at nagtaka nang makitang maraming nagkalat na mga estudyante sa labas, lahat sila ay nakasilip sa binta na animo'y may pinapanood na eksena. Patakbo naman akong lumapit sa kanila para makiosyoso, ang kaso matatangkad nga kasi sila...kaya eto! Nganga!

"Uy Austin!" Napalingon ako sa kanan ko at nagulat nang makita si Gab na nakangiti sakin

"Oh Gab, anong ginagawa mo dito? Ba't andami atang tao? Anong meron sa loob?" Sunod sunod kong tanong habang pinipilit na sumilip kung anong meron sa loob ng room namin

"San ka ba kasi galing? Hindi mo ba alam? Pinapalayas na ni Dos si Sir Valmora dito sa school, dahil dun sa kasunduan nyo" sagot nya dahilan para manlaki ang mga mata ko


Sira ulong dos por dos talaga Yun! Bakit nya naman tinotoo??

"H-hindi eh, nalate kasi ako nang gising kaya--" napahinto ako sa pagpapaliwanag nang may biglang humatak sa necktie ko

"Hoy bakla!" Sigaw nang isang binatilyo sa mismong mukha ko habang hawak hawak pa din ang necktie ko


Anak nang!

"Ano ba?! Ba't ka ba naninigaw ha? Inaano ba kita?!" Inis kong tanong at nagtaka nang bigla syang tumawa

Isa pang abnuy! Ke-aga aga, sabog amp*ta!

"Uy tol, ano ba?" Awat sa kanya ni Gab pero hindi nya ito pinansin habang inis na nakatingin pa din sakin

"Anglakas na nang loob mo ah, porket ba may Dos ka na?" Mapanuksong tanong nya sakin na ikinakunot lang nang noo ko lalo

Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon