Chapter 60: Sin

783 65 28
                                    

✨Your wish is my command ✨









Taray Genie lang ang peg HAHAHAHA😂😂😂

HORRAAAYYY!!! dis is it mga pips! The update that we've all been waiting for! Charots hahahaha. Yiiiieeee chapter 70 na daw pero hanggang ngayon nasa bandang kalahati pa lang tayo hahahahaha kaloka!



Sa mga team DosTin jan, kaway kaway! HAHAHAHA




Ilaaag sa typo!!!! NYAPII READING!!!😘❤️✨











Austin's POV









"Hule ka Matthew!" Dinig kong sigaw ni Wes








"Takbo Matthew! HAHAHAHA!"









"HOY! T*ng*na, pag nahuli kita Klyde lagot ka sakin!"










"Takbo Matthew! Nasa likod mo na si Wes! HAHAHAHA!"









"Taya! Out ka na Matthew HAHAHAHA!"










"T*ng*na bagalan mo naman nang konti Dre! Para akong hinahabol zombie sa train to busan eh langya! Hahaha!"













Pasado alasnwebe na nang gabi at kasalukuyan pa kaming naglalaro nang tagu taguan dito sa labas na request pa mismo nang utak elementaryang si Klyde! Sakto naman at mukhang may mga tama na din ng alak ang mga tukmol kaya nakipaglaro na din sila. Ang kaso mukhang magaling sa larong to ang lintek na Klyde na yun kaya nakakailang laro na kami pero laging sya ang huling nahahanap!







Samantalang ako? Eto halos mamatay matay na sa kaba wag lang mahuli, dahil mas ligit ang kaba pag hinahabol ka!





Aaminin ko hindi ako magaling sa mga larong habulan at tagu taguan, dahil mas pinangungunahan pa ko nang kaba lalo pa't literal na malalaking tao tong mga kalaro ko ngayon. Na kahit anong bilis kong tumakbo ay tyak maabutan at maabutan talaga nila 'ko! Naalala ko tuloy nung hinabol kami ni Clinton nang aso habang naglalakad pauwi noong Junior high pa lang kami. Tarantadong bumbay din, ni hindi man lang ako nilingon at dirediretso lang sa pagtakbo! Kahit nga ata kaluluwa ko mas mabilis pang tumakbo kaysa sakin nung mga panahong yun eh! Kaya yan din mismo ang nararamdaman kong kaba ngayon sa larong to!






Panay ang silip ko sa kanila mula sa puno nang nyog na pinagtataguan ko ngayon, malapit sa tabi nang hotel. Alam ko ilang milya din ang layo ko sa kanila, at tyak mahaba habang takbuhan to kung sakali mang mahanap nila ako. Pero bahala na! Basta dapat ako ang huling mahanap!







"What are you doing?"





"Ay kalabaw!" Napahawak pa 'ko sa dibdib ko dahil sa gulat at takang napatingin sa isang batang lalaki na kasalukuyang nakahawak sa dulo nang damit ko habang bahagyang nakatabingi pa ang ulo, taka naman akong napatingin sa kanya "Sino ka? Bakit ka nandito? Asan ba ang mga magulang mo?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya







"Sorry I don't give personal in--formation to stringgers" masungit na sagot nya dahilan para mapakunot ako lalo







Ay wow! Makapagsalita akala mo naman kung sinong matanda ah! English pa!







"Eh bakit ka nandito?" Natanong ko na lang






"I'm here for my Dad--"






Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon