Chapter 37.6: Lunch Break 1/2 (Selfie)

945 87 15
                                    



Continuation...


Austin's POV

Naglalakad kami ngayon nila Clinton palabas nang gym kasabay nang iba pang mga estudyante dahil ang kaninang umiinit na laro ay nauwi sa lunch break

Na kung tutuusin ay mas maganda pa kaysa panonood ng basketball! Hehehehe ^_^

Sakto namang pagdating sa labas ay nakasabay pa namin si Crimson na mukhang tulala at wala sa sarili, hindi ko naman maiwasang magalala lalo pa nung nakita kong biglang umalis kanina si Dos habang kausap yung matanda,na ayon kanila Xeon ay ang Dean daw nang school na to. Halatang nagkakainitan silang tatlo kaya naman hindi rin naiwasan ang bulong bulongan ng iba pang mga estudyanteng nakakita ng paguusap nila. Nang ianunsyo namang lunch na ay nag aya na lang sila Ma'am Duran at ma'am Bethany na kumain...mukha ngang mas exited pa silang mag lunch kesa sakin eh! Hahahahaha!

"O sya,magkita na lang uli tayo dito after lunch. Pupuntahan pa namin ang iba para makibalita,wag na wag kayong maghihiwalay. Understood?" Tanong pa ni ma'am Bethany,agad naman kaming umayos nang tayo saka sumalute

"Ma'am yes ma'am!" Sabay sabay pa naming sagot saka natawa, napailing na lang sila ma'am bago naunang umalis

"Uy maya daanan natin si Tres ah!" Saad ni Klyde habang naglalakad papuntang cafeteria

"Oo naman! Talagang madadaanan naman natin ang clinic bago ang cafeteria eh hahahaha" biro pa ni Rent kaya natawa naman kami

Nang makarating sa cafeteria ay naupo na kami nila Clinton,Klyde at Xeon, samantalang sila Eros,Rent at Forth naman na ang umorder para samin

Sa kalagitnaan ng masayang pagkain ay bigla naman akong naihi,kaya pasimple kong kinalabit si Clinton sa hita nya para walang makakita. Gulat naman syang napatingin sakin

"Naiihi ako" parang batang bulong ko pa, nagtaka naman ako nang mahina syang tumawa naman sya

Anong nakakatawa dun? Sira ulo din eh,tsh! -,-

"Oi,oi,oi! Anong binubulong bulong nyo Jan? Kayo ha!" Biglang baling samin ni Rent dahilan para mapakunot naman ako

"Hahahaha, naiihi daw kasi sya!" Sagot naman ni Clintong bumbay dahilan para maginit ang pisngi ko sa hiya kasabay nang kantyawan nila

"Pft--Edi umihi ka! hahahaha" si Eros

"Mga tol,baka kasi gustong magpasama diba?hahaha" si Xeon

"Oo! Tapos sabay na kayong umihi, palakihan na lang din sa huli! hahahaha!" Si Klyde

"Pakyu kayo" Mura ko dahil sa inis at hiya, pero mas lumakas lang ang tawanan nila. Lumingon naman uli ako kay Clinton na nakitawa na din sa kanila "At ikaw naman apaka ingay mo! Magpapasama lang naman ako kung saan dito yung CR! Makatawa wagas eh!" Nangingigil kong bulyaw sa kanya,saka padabog na tumayo at naglakad paalis nang sundan nya naman ako

"Uy eto naman biro lang! Tara na samahan na kita,baka mawala ka pa eh"

"Wag na! Nakakahiya naman sayo!"

"Langya hahaha para kang babae Austin!"

"Hahaha ba't ang init naman agad nang ulo mo Austin? May Mens ka?hahahaha"

"Wahahaha g*go! Edi san lalabas yung dugo? Sa pwet?hahaha"

"Loko! Almuranas na yun pag ganun wahahahha!"

Hindi ko naman na sila pinansin nang makalabas nako nang canteen, nakasunod pa rin sakin si Clinton pero hindi ko sya pinansin

Nakakabwiset! Lagi nya talaga akong pinapahiya! Alam nya namang babae ako,tas halos ipagsigawan nya pang naiihi ako! Tsh!

Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon