Chapter 142: The remaining secrets

239 13 4
                                    



Dos's POV

Ramdam ko ang mabilis na kabog ng dibdib ko. Nagsimulang pumatak ang malalaking butil ng ulan. Nagmistulang kidlat ang malakas na putok ng baril, kasabay nun ay ang mariing pagpikit ko sa takot.

Akala ko talaga mamatay na 'ko. Ilang segundo ang lumipas na nanatili akong nakapikit pero agad na napadilat nang wala man lang akong maramdaman na kahit ano. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Ian na mapaubo ng dugo. Nabitawan n'ya ang hawak na baril at agad na napaluhod. Bumagsak ang katawan n'ya sa'kin na s'yang ikinagulat ko, pero imbis na magreact o humingi ng tulong ay napako lang ang atensyon ko sa lalaking nakatanyo ilang metro sa'min.

"A-Aze..." Nanginginig na sambit ko sa pangalan n'ya. Palakas ng palakas ang ulan kasabay ng malakas na kulog at kidlat.

Napakunot ako nang wala man lang ni kahit anong bahid ng emosyon sa kanya. Nakatutok pa din sa'min ang baril na hawak n'ya, na para bang wala sa sarili.

"A-Aze! Sa'n mo nakuha yan?" Nilakasan ko ang boses ko para labanan ang kabang nararamdaman, pero tulad ng kanina ay wala pa rin akong nakuhang sagot mula sa kanya.

Naiyukom ko ang kamao ko at buong pwersang itinulak ang walang malay na katawan ni Ian saka mabilis na lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang parehong balikat n'ya at paulit-ulit s'yang inalog para matauhan.

"Snap out of it, Azevious!" Sinigawan ko s'ya sa kabila ng malakas na ulan. Mukha namang unti-unti s'yang natauhan at agad na nabitawan ang hawak na baril. Gulat s'yang napatingin sa katawan ni Ian na nakahandusay sa maputik na lupa, saka ibinalik ang paningin sa'kin.

"A-anong nangyari?" Agad akong napakunot nang bigla s'yang magtanong.

Hindi ko naiiintindihan ang nangyari, ako dapat ang magtatanong sa kan'ya nun.

"A-anong nangyari kay Ian?" Unti-unti akong napabitaw sa kanya nang tignan n'ya ko na para bang wala talagang alam sa buong nangyari.

Nagsidatingan ang mga pulis at agad namang nagsipagtakbuhan ang mga kasamahan ni Ian. Nanatili pa rin kaming nakatayo habang nagpapalitan ng nagtatanong na mga tingin.


* * *



Austin...

I had a dream, that she tried to save me...

Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko at agad na napatingin sa gilid nang masilaw. Una 'kong nakita si Crimson na nakaupo sa sofa kasama ang iba naming mga kaklase. Sinubukan 'kong bumangon pero hindi ko maramdaman ang katawan ko. Napatingin ako sa baba at nagtaka nang makitang naka-cast na ang kaliwang binti ko.

How did I end up here?

"Dos!"

"Gising na si Dos!"

"Uy! Tol!"

If I remembered it clearly, I got beat up...badly. I tried to fight back the moment I saw the police surrounding us, but then I got pushed off the bridge. I also remember hitting my head on something the moment I fell down, but I'm not sure where or what was that this is.

Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon