CHAPTER 16: Lipat?

1.3K 119 16
                                    

Dedicated to Luar_Moonlight

Austin's POV

Tahimik lang kaming naglalakad ni Crimson pabalik nang room nang madaanan namin ang infirmary, napakagat pa ko sa ibabang labi nang makita kung paano kinutusan nang nurse sila Rent at Eros,pero agad na napawi ang ngiti ko nang mapansin ang isang pamilyar na lalaking nakahiga sa isang kama sa loob nang infirmary. Napahinto ako saka lumapit sa pinto at sinilip kung tama ba ang hinala ko,at tumpak! Si Dos nga!

Pero teka anong ginagawa nya sa infirmary? Nakikitambay?

"You know it's rude to stalk people right" agad akong napalingon nang biglang magsalita si Crimson sa may tenga ko, ilang inch na lang din ang pagitan namin sa isa't isa kung kaya't mas siniksik ko ang sarili ko sa pader at napasinghap pa

Ang bangoooo~~

Nagkatitigan pa kami nang ilang saglit,halos hindi na ko makahinga dahil sa pakiramdam na parang lumalapit sya sakin...o assuming lang talaga ako?

"Eherm!" Agad akong natauhan nang may tumikhim sa gilid namin, napakurap pa ko nang makita si Dos na kunot ang noong nakatingin samin

Ang bilis nya naman ata?

"Tsh! Tabi! Wag kayong haharang harang sa daanan" sita nya saka nakapamulsang nilampasan kami

Problema nun?

"Tsh! Let's go" napatingin naman ako kay Crimson nang hawakan nya ang kamay ko saka kaladkarin paalis nang infirmary,hindi naman na ko pumalag pa dahil sa kakaibang pakiramdam na nararamdaman

T*ng*na ba't ba parang nakukuryente ako??

KINABUKASAN ay maaga akong nagising at ginawa na ang routine ko. Habang nagluluto ay naisipan kong magpamusic, kinabit ko agad ang headset ko at nakisabay sa kanta habang nagpiprito

"Oh ney manhid ka,manhid ka
Walang pakiramdam,o ney manhid ka manhid ka
Puro dedma ka na lang~~"

"Sinong manhid?" Agad akong napahinto sa pagluluto saka sinagot ang boses sa kanta na katunog ni Crimson

"Ikaw hahaha" sagot ko pa nang may humablot nang headset ko,agad naman akong napalingon at nagulat nang makita si Crimson sa tapat ko mismo,at as usual topless nanaman sya!

Plano talaga neto maging model nuh?

"U-uy ikaw pala hehehe"kamot ulo kong saad

Bwiset sya pala yung nagtatanong! Akala ko parte yun nang music eh! Kaya pala kaboses nya

"Pano naman ako naging manhid?"tanong nya, dahilan para mapakamot uli ako sa ulo ko

"Hehehe hindi ikaw, yung kanta. Akala ko kas--"napasinghap naman ako nang magdikit mismo ang katawan namin at sya mismo ang naghalo nang fried rice habang nasa harap pa din ako

T*NG*NA  nag-ground ata ako! Di kaya poste talaga sya nang meralco,nabuhay lang tapos kinukuryente nako?

[A/n: ikaw ata manhid bhie]

"Tss,muntik na masunog yung niluluto mo tingin ka kasi nang tingin sakin eh" saad nya pa habang nakadikit pa din sakin at hinahalo ang fried rice, ramdam ko ang hininga nga sa leeg ko dahilan para magsitayuan ang balahibo ko nang nagising sa realidad ay agad ko syang tinulak nang bahagya

"Ang feeling mo ha! Tch! Ikaw na nga maghalo nyan! Marunong ka naman pala eh ginawa mo pa kong kusinera"reklamo ko

"Nah,more like Asawa"

Ano daaaw??!

[A/n: oh ney bingi ka,bingi ka
Nabibingi ka nanaman~~]

Inis akong tumalikod saka bumalik sa kama namin dahil sa biglaang paghurnamentado nang puso ko. Nakagat ko pa ang unan ko dahil sa pangigigil

Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon