Chapter 77: Met

677 63 47
                                    



Austin's POV

"And now, let us hear from our beloved Chairman, Mr. Lazarus Dela Fuente" nakangiting anunsyo ni ma'am Jimenez. Agad namang nagsipalakpakan ang lahat habang nagsimulang tumayo at maglakad ang lolo ni Dos paakyat sa stage

"Thank you, thank you everyone for coming." Panimula nya, unti unti namang huminto ang palakpakan "This night is very special for me, not just because i'm back to my beloved country, but also because i am now diagnosed as a 'Cancer free' patient" bahagya syang natawa dahilan para magpalakpakan uli ang mga tao "And i would like to thank my son Maximus for taking good care of our business while i was gone" sinserong dagdag pa nito, agad namang napangiti ang ama ni Dos saka bahagyang tumango habang pinapalakpakan nang mga tao. Bakas naman ang pagkaproud sa mukha nang kanyang asawa, at mukhang si Dos lang mismo ang walang interes sa mga nangyayari dahil sa naiinip nitong mukha habang malamyang pumapalakpak "And of course, thank you to my very close friend who really took a good care of me while i was still in U.S, Mr. Albert Hernandez. Along with his wife Helen and of course their gorgeous daughter Aileen" agad akong napatingin doon sa lalaking katabi nya kanina at doon sa Aileen na napapagitnaan nilang dalawa na mag asawa. Nagsitanguan at ngitian naman ang dalawang pamilya sa iisang lamesa. Nakita kong nginitan pa nung Aileen si Dos, pero dahil likas na abnoy ang loko ay hindi nya man lang ito pinansin at inirapan pa

Marami pang paspeech ang nangyari mula sa mga kamag anak at mga kasosyo nila sa negosyo, na hindi ko na din naman na pinakinggan dahil nga English at wala akong masyadong maintindihan. Nang matapos ang mahabang pagbati ay nagsimula nang maghain ang mga waiters nang samo't saring mga putahe nang pagkain. Hindi ko naman maiwasang mapasimangot dahil kung gaano kalaki ang plato ay sya namang ikinakonti nang sineserve na pagkain, tapos wala pang kanin. -_-

"Pst!" Sitsit ko sa bumbay na busy sa pagkain

"Hmm?" Baling nya sakin matapos hiwain ang steak ko

"Feeling ko kinukurakot tayo nang mga waiter dito" bulong ko, napakunot naman sya

"Panong kinukurakot?"

"Eh kasi tignan mo oh, wala yung malaking lamesa na maraming pagkain. Yun bang tayo na mismo ang kukuha. Sila na mismo ang naglalagay sa plato natin tapos parang binawasan pa" bulong ko dahilan para matawa sya. Napakunot naman ako "Anong nakakatawa?"

"Ganito lang talaga ang serving portions nila, hindi nila binabawasan ang pagkaing sineserve satin. Saka anong malaking lamesa? Ano to eat all you can?" Natatawang sagot nya, napanguso naman ako

"Eh bakit nung birthday mo, sosyal din naman pero may kanin?" Tanong ko

"Kasi alam kong matakaw ka, kaya pwedi ba tumahimik ka na nga lang jan. Hayaan mo mamaya, sasaingan kita nang isang kalderong kanin" kantyaw nya pa dahilan para mas lalo naman akong mapasimangot

Lumipas ang isang oras at wala pa ring humapay sa pagkukwentuhan ang lahat, habang ang iba naman ay nagsimula nang sumayaw sa gitna. Napalinga naman ako sa paligid, hinihanap kung nasan na si tita Agnes. Napanguso na lang ako nang makitang nakaupo sya sa sa kabilang table kasama nang sa tingin ko ay mga kasosyo nya sa negosyo, katabi nya din mismo yung Earl na binilhan namin nang damit kahapon.

"Gusto m--" udlot na tanong sana ni Clinton nang biglang magsidatingan sila Wes, Rent, Eros at Klyde mula sa kung saan at agad na naupo sa mga extrang upuan na nasa harap namin ni Clinton. Agad namang nanlaki ang mga mata ko kasabay nang biglaang pagbilis nang tibok ng puso ko dahil sa kaba

"Uy tol! Sino yan ha?" Nakangiting tanong agad ni Rent pagkaupo sa tabi ni Clinton. Nagkatinginan pa kami nang bumabay saka ilang na nagkaiwasan nang tingin


Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon