Chapter 146: Awaken

217 15 2
                                    



Austin's POV

Tatlong araw din ang lumipas matapos kaming ma-discharge ng kahoy mula sa ospital. Matapos ang klase ay sama-sama ulit kami ng mga tukmol na pumunta sa ospital kung saan daw kasalukuyang naka-admit si Envy. Sa katunayan hindi ko nga alam kung bakit pa namin s'ya kailangang puntahan. Sumunod lang naman kami kay Crimson dahil mukhang nagmamadali s'ya na parang natataranta. Akala ko nga ay nakatakas nanaman ulit ang baliw na yun, pero ang sabi ng kahoy nagising lang naman daw pala s'ya.

Malamang naoperahan s'ya eh, ano bang ine-expect nila? Made-deds na agad? Eh sa pagkaka-alam ko matagal daw mamatay ang masamang damo. -,-

Pero hindi naman s'ya damo...

Ni hindi man lang kami nagkaroon ng chansang magpalit. Pagkarating sa ospital ay halos magkanda tisod-tisod pa ako kakamadali para lang makahabol sa kanila. Buti na nga lang at pilay 'tong kahoy na 'to eh, atleast kahit papaano may kasabay ako.

"Aray naman!" Napasapo ako sa noo ko nang mabangga sa likod ng isa sa mga tukmol.

Nagtaka ako nang lahat kami ay mapahinto sa may pinto. Tumalon-talon ako para silipin kung anong ngayayari sa loob, pero wala pa rin akong makita.

Alangyang height yan oo!

"What's going on?" napalingon ako sa Kahoy na halatang nangtaka din sa nangyayari.

"Ewan ko nga eh! Hindi ko makita." Sagot ko habang naghahanap ng pweding malusutan.

"Move!" Suplatong utos ng lider ng mga tukmol. Agad naman silang nagsitabihan na s'yang ikinangiwi ko.

Hanep ah, parang si Moises lang nung naghati ng dagat.

Napakurap ako nang makita si Envy sa na nakaupo sa may hospital bed habang nakatingin kay Crimson na s'yang nakatayo lang sa may pinto. Nakaawang ang mga labi n'ya habang nakikipagtitigan kay Crimson na para bang ngayon n'ya lang ulit ito nakita. Napakunot ako habang nagpapalit-palit ng tingin sa kanilang dalawa.

Ano 'to starring contest?

"K-kuya." Halos maluha-luhang sabi ni Envy habang nakatingin sa direksyon namin, agad naman kaming napalingon at nagulat nang makita si Ian kasama ang dalawang pulis.

Nakaposas ang mga kamay n'ya sa likuran habang nakayuko, pero mabilis na lumiwanag ang mukha n'ya nang marinig na tawagin s'ya ng kapatid.

"E-Envy?" Napakunot ako nang marinig pa s'yang magtanong na para bang hindi pa sigurado kung kapatid n'ya nga ba ang nasa harapan n'ya o hindi. "Envy!" Agad na naalerto ang mga pulis pero agad ding napahinto nang makitang tumakbo lang pala s'ya papalapit sa kapatid n'ya. Kahit ako ay kinabahan din sa biglaang kilos n'ya.

Hanep na 'yan. Daig pa namin mga nakakape sa sobrang pagkapraning ah.

Nang makarecover ay agad ding lumapit ang dalawang pulis sa kanya saka tinanggal ang posas n'ya. Hindi naman s'ya nagsayang ng oras at mabilis na niyakap ng mahigpit ang kapatid n'ya, ganun din si Envy na napakapit sa braso n'ya habang umiiyak. Hindi ko man gaanong maintindihan ang nangyayari ay hindi ko rin maiwasang maawa sa kanilang dalawa, lalo pa sa kalagayan nila ngayon.

Parang nung kailan lang gusto 'kong pagmumurahin at I-untog si Envy sa pader para lang matauhan s'ya sa kahibangang ginawa n'ya sa'min, pero base sa nakikita ko ngayon mukhang hindi na kailangan. Mukhang natauhan naman na s'ya. Mahirap na, baka pag-inuntog ko pa yan mawala ulit sa katinuan n'ya.

Bala lang pala ang katapat ng maluwag na turnilyo n'ya. -_-

"You got to be kidding me." Napalingon ulit kami nang marinig ang boses ni Yany, kasunod n'ya si Aze na hinihingal pa. Mukhang kahit sila ay nagmadali ring pumunta dito. "I came all the way here for this?" Pagtataray n'ya nanaman.

Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon