Chapter 103: Stolen

552 59 30
                                    

Drake's POV

Dumating ang kinabukasan at lahat kami ay tahimik na bumalik ng ospital. Bawat hakbang ay pabigat ng pabigat habang papalapit kami sa morgue. Agad akong napalunok nang marinig na agad ang malakas na iyak ni Austin mula sa labas, lahat kami ay napahinto na para bang natatakot na makita kung anong meron sa loob.

"Bumbay ano ba?! Wag mo 'kong iwan!... please...wag mo 'kong iwan..." dining naming sigaw ni Austin mula sa loob

"T*ng*na hindi ko kaya tol" halos maluha luhang sambit ni Eros na nasa unahan.

Agad naman akong napatingin kay Crimson nang matunog syang bumuntong hininga at nangunang buksan ang pinto at pumasok. Doon ay nakita namin ang nakapanlulumong kalagayan ni Austin na nakayakap sa walang buhay na katawan ni Clinton habang pilit na pinapatahan ng tita nya.

Mula sa isa, dalawa hanggang sa halos lahat samin ay napahagulgul na nang tuluyang makapasok sa loob. Hindi ko maiwasang mapapikit at mapayuko nang makita ang kalagayan naming lahat. Masyadong mabigat sa kalooban. Hindi namin inaasahan na mangyayari 'to, na balang araw ay makakapunta kami sa ganitong lugar para pagluksaan ang kaibigan namin.

"Tol! Tol bakit?!" Tuluyan nang pumatak ang luhang pilit kong pinipigilan nang marinig ang hagulgul ni Matthew na napaluhod na sa harap ng bangkay ni Clinton.

Napatingin naman ako kay Eros na nanginginig ang kamay at mapatakip sa bibig nya para pigilan ang sariling mapahagulgul din. Agad syang tumalikod at isinandal ang noo sa may pader habang wala ring tigil sa pagiyak, agad naman syang inalo ni Rent na pilit ding pinupunasan ang sariling luha pero kahit anong punas ang gawin nya ay hindi ito natigil sa pagpatak.

Halos tatlong bwan pa lang mula nang makasama namin siya pero kahit kailan ay hindi kami nahirapan na pakisamahan sya. Mas mabilis nya kaming nakasundo kumpara kay Austin at masasabi kong parang kapatid na din ang turing namin sa kanya, kaya ganito na lang ang epekto ng biglaang pagkawala nya samin. Bigla kong naalala si Dos... sa aming lahat, si Dos ang naging pinakamalapit sa kanya nang dahil kay Austin. Simula nung magkagusto sya kay Austin, madalas ko na syang nakikitang kausap si Clinton at kahit pa man umalis na ng tuluyan si Austin sa Maximilion, palagi pa rin silang nagkakausap.

"A-akala ko ba... Sabay sabay tayong ga-graduate..." Lahat kami ay napalingon kay Klyde na nakayuko lang sa isang sulok habang walang tigil din ang pagpatak ng luha mula sa mga mata nya

"Shh...tahan na." agad naman syang niyakap ni Xeon na naluluha na din at paulit ulit na hinagod ang likod nya para matigil sa pag-iyak

Austin's POV

"Austin, iha tama na. Umuwi na tayo, kailangan mo ring magpahinga" dinig kong aya sakin ni Tita pero hindi ako sumagot.

Ramdam ko ang pagod, puyat at pamamanhid ng ulo ko pero ayoko pang umuwi. Ayokong iwan si Clinton, ayokong magpahinga kahit halos sumuko na ang katawan ko.

"Austin" pagod akong napatingin kay Crimson nang lumuhod sya sa harapan ko para pantayan ako at hawakan ang parehong mga kaumay ko "Please stop punishing yourself ang listen to your Aunt. You don't have to feel guilty. It's not your fault" pangungumbinsi nya, pero agad akong napailing. Muli nanamang tumulo ang mga luhang pilit ko nang pinapahinto. Gusto ko pa sanang magsalita, sabihin na kasalanan ko kung bakit sya nawala. Na kung hindi nya sana ako prinotektahan, hindi mangyayari sa kanya to, pero ramdam ko na ang unti unting pagbigay ng katawan ko. Pinilit ko pang dumilat pero sa huli ay tuluyan na 'kong nilamon ng pagod at antok.

Hapon na nang magising ako, agad akong bumangon at naligo, pagkatapos ay dali daling nagbihis at bumaba ng sala.

"Austin!" Agad akong napahinto nang marinig ang boses ni tita "Where are you going? Hindi ka pa kumakain" Takang tanong ni tita, ramdam ko naman ang biglang paghilab ng tyan ko dahilan para mapayuko ako at pasimpleng napahawak sa tyan ko. Napailing naman sya

Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon