Chapter 62: Stay

766 67 17
                                    


Fresh from the author's imagination! Gabi na at inaantok na ko kaya Ilag na lang sa typoooo! HAHAHAHA Nyappiii reading!!!😘❤️✨











Austin's POV





7:58 nang umaga nang makabalik kami sa school. Halatang gustong magmadali ng iba pero sa kung anong dahilan ay pinipigilan nila ang mga sarili nilang magbigay ng motibo. Tanging sila Crimson, Clinton at Wes lang ang normal kung kumilos, at ang halos lahat samin ay nagpapakiramdaman na lang.



Tahimik akong sumunod sa kanila sa may hallway, walang umimik ni kahit isa at nagkakatinginan naman ang iba. Nang makalabas nang elevator ay saka na sila nagsimulang mag usap










"Sige mga tol dito na kami!"












"Sige! Kita na lang tayo bukas!"












"Teka tol sama ako sayo! Makikitambay muna ako sainyo hehehe"














"Uy dito na kami!"














"O sige sige! Kita kits na lang!"












Pinagmamasdan kong mabuti ang mga galaw nila at ramdam kong may iba talaga. Napatingin pa ko kay Crimson na nangunang naglakad samin saka iiling iling na lumiko papunta sa kwarto nya. Apat na lang kami ngayon nila Eros, Rent, Clinton at Matthew ang nagtirang patuloy na naglalakad nang lingunin naman ako ni Rent







"Oh Austin! Nandun sa dulo ang kwarto mo diba?" Kunwaring tanong pa sakin ni Rent, pero nanatili akong seryosong nakatingin sa kanila





"Sabihin nyo sakin, ano bang nangyari kanila Dos?" Tanong ko, napaiwas naman sila nang tingin at naghihintay kung sino ang sasagot. Ilang sandali pa ang lumipas at wala talagang sumagot sa tanong ko, bagay na ikinainis ko







"Ano hindi nyo ba sasabihin?!" Hindi ko na napigilang taasan ang boses ko dahil sa sobrang pagaalala nang bigla naman akong hilain ni Clinton sa palapulsuhan at kinaladkad palayo sa kanila









"T-teka tol, sa'n kayo pupunta?"












"Clinton!"











"Tol teka lang naman!"








Sinubukan pa nila kaming pigilan pero buo na ang desisyon nang bumbay at nagpatuloy lang sa paglalakad habang nakahawak sa palapulsuhan ko. Taka ko naman syang tinignan









Wag nya sabihing may alam sya tungkol dito?!









"May alam ka ba?" Sinubukan kong hindi sya akusahan nang kung ano ano, pero sa pinapakita nya ngayon...hindi ko maiwasang makaramdam nang inis








Ano pa bang tinatago nila sakin? Ano pa ba ang kailangan kong malaman?!







Hindi sya kumibo at patuloy lang na naglakad, hindi ko naman na napansin kung saan pumunta ang tatlong yun kanina. Akmang magtatanong pa sana uli ako nang agad syang huminto, muli namang bumilis ang kabog nang dibdib ko nang mapagtantong nasa tapat na kami ng kwarto nila Dos. Taka kong ibinalik ang paningin ko sa kanya






"Gusto mong malaman kung anong nangyari sa kanya diba?" Tanong nya saka ngumiti sakin "Kung ayaw nilang ipaalam sayo, alamin mo mismo sa sarili mo" makahulugang dagdag nya pa dahilan para mawala ang inis ko at mapalitan nang konsensya





Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon