Chapter 93: Coping up

651 58 42
                                    


Austin's POV

Sa wakas! Sabado,makakapagpahinga na rin ako sa kaplastikan nila Aileen at nang mga estudyante sa school na yun -,-

Kasalukuyan akong nasa mall kasama si Tita Agnes para mamasyal nang bigla na lang syang mag paalam dahil may emergency kunu nanaman daw sa kumpanya nila. Ipapahatid nya na din sana ako kay manong pauwi pero nagpaiwan na lang ako dahil wala din naman akong magagawa sa bahay.

Wala pa 'ko sa mood magreview para sa exam -,-

Kaya sa huli ay binigyan nya na lang din ako ng pera pang gastos. Tatanggi pa sana ako kaso naalala ko na sabi nila bawal daw tumanggi sa grasya kaya tinanggap ko na, sayang din yung 5 thousand no mwehehe.

Nang makaalis na si Tita ay pumunta ako sa isang ice cream shop sa loob ng mall, pero agad akong napangiwi nang makita ang haba ng pila tapos karamihan sa kanila mga couples pa!

Malulugi kayo kung ganyan ang mga costomers nyo -,-

Napabuntong hininga ako saka naglakad papalabas ng Mall, uuwi na lang sana ako nang bigla kong maisipang tawagan ang bumbay. Hindi naman ako nabigo nang sagutin nya agad ang tawag. Napakunot pa 'ko dahil sa iba't ibang ingay na naririnig mula sa kabilang linya.

"Sino yun? nasa'n ka ba?" takang tanong ko

["Uh... nasaaaa.... kwarto,ko. Kasama yung iba pa"] tukoy nya sa mga tukmol, napakunot naman ako

Anong ginagawa nilang lahat sa kwarto nya

["Nandito din si Dos"] dagdag nya, bagay na nagpainit ng ulo ko

Thungene!

Bakit? Bakit kailangan ko pang marinig uli ang pangalang yan? Akala ko pa naman makakapagmove-on na 'ko ng tuluyan, akala ko talaga magkakaroon na 'ko ng matiwasay na araw ng hindi sya naaalala o naririnig ang pangalan nya, pero bakit? bakit?!

Naapikit ako at unti unting pinakalma ang sarili ko.

"Katabi mo ba sila ngayon?" tanong ko

["Uhm...Hindi"]sagot nya naman mula sa kabilang linya. Doon ko na nailabas ang hinanakit at pagkabwisit ko

"Pwedi ba? Kahit ngayon lang wag mong mabanggit banggit ang pangalan ng kahoy na yun. Kotang kota na'ko sa kahoy na yun. Kahit saan ako pumunta naririnig ko pa din ang pangalan nya, at rinding rindi na'ko! Kaya utang na lamang loob, nagmo-mob-on yung tao dito eh! pamove-on-in nyo naman ako!" protesta ko. Hindi naman naiwasan ng ibang tao na nakakasalubong ko ang mapatingin sakin dahil sa biglaang paglakas ng boses ko, hindi 'ko naman sila pinansin at patuloy lang na naglakad palabas

["If you're going to keep calling me 'kahoy', then there's no way for you to move-on."] Saktong pagtapak ko sa labasan ng mall ay agad akong napahinto nang marinig ang kasunduan sumpang boses mula sa kabilang linya. ["Remember, wherever you go, you'll always see a 'kahoy' "] dagdag nya pa. Agad namang nanlamig ang mga kamay at paa ko, nagsipagtayuan din ang mga balahibo ko at muling bumilis ang tibok ng puso ko. Napatingin naman ako sa labas at napapikit nang makita ang puno sa paligid, ang mga gawa sa kahoy na bench, ang dumaan na truck na may kargang malalaking punong kahoy sa may di kalayuan, ang pilay na nakatukod sa saklay myang gawa sa kahoy, at ang matandang may dalang mahabang baston na gawa din sa kahoy at may may nakaukit pang mga kakaibang disenyo. Mas lalo lang akong nangatog dahil sa pinaghalong gulat, kaba at inis.

["Unless you go to a desert of course, but I bet you wouldn't even last a day there... not unless... you have 'me' "] giit nya pa na mas nagpalunod sakin sa kung ano anong imahinasyon. Ultimo pati pagpunta sa disyerto naiimagine ko din tuloy! Tsh!

Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon