Chapter 44: Gala

863 75 20
                                    





Eros's POV



"Huy ungas!"



Agad akong napabalikwas nang sumigaw si Forth sa may tenga ko, agad ko naman syang nasapok dahil sa pagkagulat pero ang mokong tinawanan lang ako



Pereho talaga sila nang kuya nya, mga abnoy!




"Langya ano ba kasing pinag gagagawa mo kagabi at tulog ka sa klase ha?!" Tanong nya pa, napagusot naman ako sa mga mata ko bago sumagot




"Si Do--wala! Hindi lang ako makatulog" palusot ko nang maalala ang nangyari kagabi







* * * * * Flashback * * * * *





"Oshtin! Inom tayo dali! Labas na baklaa! HAHAHA!"



Sabay kaming napailing ni Tres dahil sa pinaggagagawa ni Dos habang pagewang gewang na naglalakad patungong kwarto ni Austin



Tsk! Tsk! Tsk! May lasing na nga -_-



Sa ilang taong magkakasama kaming magkaklase sa school na to,kahit kailan hindi ko pa nakitang ganito si Dos. Hindi naman kasi yan madaling malasing eh, saka ang alam namin tahimik lang yan pag umiinom. Mangaasar minsan, pero hindi yung ganito




Ano kayang nangyari sa taong to?




Napatingin ako kay Tres na mukhang antok na antok na talaga at napahikab pa. Napapapikit pikit na din ang mga mata nya habang naglalakad.


Nang makarating sa tapat nang pinto ng kwarto ni Austin ay agad naming inabangan ang susunod na gagawin ni Dos...



"Oh nandito na tayo, ano pang hinihintay mo? Katukin mo na" may halong pangaasar na sabi ni Tres sa kanya



Marahan nyang iniangat ang braso nya para kumatok sa pinto, ngunit napakunot naman kami nang bigla syang tumalikod sa pinto saka agad na umalis



T-teka anong problema nun?



Agad kaming nagkatitigan ni Tres na nagtataka sa pangyayari, parang nagising din ang diwa ni Tres sa nakita. Agad naman kaming tumakbo para habulin si Dos nang bigla na lang itong bumulagta sa sahig




"Uy sh*t! Tol!" Tawag ko sa kanya saka agad na tumakbo sa direksyon nya





"Anak nang... T*ng*na Naman oh! Inaantok nako eh, ano bang trip nang g*gong to??" Mangiyak ngiyak na reklamo ni Tres saka agad na hinila ang isang paa ni Dos na syang ikinalaki nang mga mata ko



"Uy teka anong gagawin mo?" Gulat na tanong ko naman



"Ibabalik sa kwarto, Wala na tumba na to. Mahirap na gisingin" sagot nya saka sinubukang hilain ang paa ni Dos




Sa huli wala kaming nagawa kundi ang hilain si Dos pabalik sa kwarto nila. Makailang beses na din kaming natumba dahil sa bigat nya, na sinabayan pa nang antok.

Nang maibalik sa kwarto nila ay humingi pa si Tres nang pasensya saka nangpasalamat, pagkabalik sa kwarto namin nila Rent ay padabog naman akong humiga sa kama nang biglang tumunog ang alarm



4:00am




Anak nang!





* * * * End of flashback * * * *




Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon