Chapter 80: "They all know!"

820 66 22
                                    


Again sorry ngayon lang at isang chap lang nanaman uli Hahahaha! kakagaling ko lang kasi sa lagnat mga bhie alam nyo naman ngayon, uso na lagnat. Kaya si selp nakisabay din sa uso!-chur! HAHAHA ANYWAYS yun na nga thanks sa pagintindi and ingat din kayo! Wag magpapaulan saka wag masyadong magpapagod, inom din nang maraming tubig saka wag kalimutan mag vitamins, mahirap magkasakit, di natin afford HAHAHA

ILAG SA TYPOOO!!! NYAPII READING!!!🥰😘✨



Drake's POV

Tahimik lang ang lahat habang nagkaklase si ma'am Duran, wala ni isa samin ang nagawang pag usapan ang nangyari kagabi. Kahit ang mga lect wala ding kibo ang nagturo lang na para bang normal lang ang lahat. Hindi pa din bumabalik si Sir Valmora at wala pang may nakakaalam kung kailan sya babalik kaya naman si ma'am Duran pa din ang substitute teacher namin hanggang ngayon.

*Kkkkrrrriiiiinnnnnngggg!!!

"Okay that's all for today. Don't forget to read your notes, we will have another quiz tomorrow. Class dismissed" anunsyo ni ma'am saka agad na lumabas nang room. Agad namang binalot nang matunog na buntong hininga ang buong room nang makalabas na si ma'am

"Asan na ba kasi si sir Valmora? Lintek na yan! pati math natin massacre na, isang quiz pa nga lang tuyot na utak ko eh, araw arawin ba naman!" Dinig 'kong reklamo pa ni Wes habang nililigpit ang mga gamit nya, napatingin naman ako sa upuan nila Dos at Austin

Ano na kayang nangyari sa dalawang yun?

Nung una hindi ko naman gaanong napansin yung babaeng kasama ni Clinton kagabi, kung hindi lang talaga sya nakasayaw ni Dos kagabi malamang hindi ko malalaman na si Austin pala yun. Nung una kahit ako natawa din nung mapansing may kasayaw na babae si Dos, pero nung tignan ko syang mabuti hindi ko naiwasang magalala lalo pa't nakita ko agad ang mga halos hindi maipintang mukha nang pamilya ni Dos, ganun din ang Tita ni Austin na nasa gilid nila. Nung una ko pa lang makita ang tita ni Austin kasama si tito Max napansin 'kong mukhang close na sila, pero mukhang hindi naman kilala ni Austin si tito Max. Ewan ko kung bakit pero pakiramdam ko may kung anong koneksyon ang tita ni Austin kanila tito Max.

"Uy teka tol!" Muli akong nagising sa reyalidad nang sinubukang tawagin ni Matthew si Clinton "Clinton, yung cell--"

"Uy teka wag mo muna ibalik" pigil naman sa kanya ni Wes dahilan para mapakunot ako

Ano nanamang kabulastugan ang pumasok sa utak nang gunggong na 'to?

"Teka cellphone ba yan ni Clinton?" Singit naman ni Xeon. Napailing na lang ako saka lumapit sa kanila Crimson

"Hindi mo kasama si Dos?" Tanong nya agad sakin, agad naman akong umiling

"Hindi sya bumalik sa kwarto namin kagabi, umuwi muna siguro sa kanila" sagot ko pa

"Clinton doesn't look good, do you think Austin--"

"Malamang napagalitan yun!" Biglang singit ni Rent sa usapan "Ipakilala ba naman ni Clinton samin na girlfriend nya eh, tapos sa huli kung isayaw ni Dos. Akala mo naman mga bagong sakal--aray!" Dagdag nya pa nang batukan naman sya ni Eros

"Ikaw ang sasakalin ko jan eh!" Banta naman sa kanya ni Eros saka muling humarap samin ni Crimson "Baka nagseselos, alam naman natin na isa din yung may gusto kay Austin eh" sagot naman ni Eros

"Din?" Paguulit ni Rent na sya namang ikinakunot ko

Din... Wala naman akong nakikitang mali sa sinabi ni Eros-wait...

"Manahimik ka nga! Sisikmurahan na talaga kita jan eh! Ayan oh si Crimson, isa din yan sa may gusto kay Austin eh" depensa nya dahilan para mas lalo lang lumawak ang mapang asar na ngiti ni Rent

Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon