Chapter 28: Reese University

1.1K 108 16
                                    



Ilaaag sa typoooo,not edited pa din as always 🙈

Pagdating nang Chapter 50 mags-start nako mang dedicate, since puro lang talaga update gawa ko ngayorn HAHAHA, saka try ko den i-edit to pag nawriter's block para bawas sa mga I e-edit masipag lang kasi gumawa ng story otor nyo eh pero tamad mag type🤧✊. Nyapii reading eberewaaan😀😘








Austin's POV


Nasa kalagitnaan na ko nang pagiisip ng ipapalusot kay Coach nang makarinig nang matinis na tili,dahilan para mapangiwi ako

"Aaaaaayyy sabi ko na tama Ang mga chika chika sa buong campus eh!" Tili ni Coach with matching ngisay ngisay pa na parang uod na inasinan

"A-ano pong chika?" Takang tanong ko naman

"Na may nagiisang princess ang senior high! Omooo sabi ko na eh sisteret ka eh!" Todo ngiting sagot naman ni Coach dahilan para manlaki ang mata ko

Maraming nang nakakaalam na babae ako??

"P-pano nyo Po nalaman?" Tanong ko naman, agad syang umupo sa sofa nang nakadekwatro saka nagpaypay pa

"Hay nako dai, halata naman eh. Di ka kasing hot saka tikas ng mga fafa dito noh,pero nagdalawang isip pa din ako nung PE since ang galing mong shu-moot ng bola. Pero gravee, eym so froud talaga nung Pina shoot uli sayo ni Fafa Dos yung bola. Tapos Sabi mo pa..." Kwento ni Coach saka agad na tumayo at ginaya yung ginawa ko nung PE " 'hindi ako bakla' tas Pak! Shoot nang bola 'kasi babae ako' oh diba taray! Galing mo talaga bakla" Pangagaya ni Coach dahilan para mapangiwi naman ako

Pero teka bakla??

"B-bakla?" Taka kong tanong, napairap naman sya saka lumapit sakin

"Oo dai bakla, baklita,beki! Ikaw yorn,kaloka wag mo nang i-deny"sagot naman ni Coach

Ampoteks grabe ka Coach! Naubusan ata ako nang dugo,pati yung ireregla ko ngayon mauubos ata sa kaba tapos bakla lang pala! -_-

"Ah..e-hehehe c-correct Kayo jan Coach, grabe galing mo hahahah" tawa ko pa,agad naman syang napangiwi

"Jusme naman maka coach wagas ah! Call me Mamsh na lang,since bet naman kita maging junakis. Wag kang mag alala tayong dalawa lang naman eh! Hahaha"

"Uh...edi coa--este mamsh pwedi na ba akong magrecess? Gutom nako eh" kamot ulo kong tanong

"Oi teka Lang! Eto naman nagmamadali nagmamadali? May lakad may lakad?"

Oo importante to Coach! 50 50 ako pag hindi ako nakakain!

"Eh bakit nyo po ba kasi talaga ako pinatawag?" Kamot batok kong tanong naman

"Lakas mo talagang makashowbiz baklita ka! Magbubunyag ka na lang din naman nang sikreto i-push mo na! Anong meron sainyong tatlo ni Fafa Crimson saka fafa Dos ha?" Taas babang kilay nya pang tanong na ikinakunot ko

"Ano nga bang meron kami?" Tanong ko sa sarili "Base naman sa experience ko Coa--este mamsh magkaibigan kami ni Crimson...Kay Dos naman... Ewan! Maysa salaula yung Dos por dos na yun eh" honest ko namang sagot

"Hay nako apaka showbiz mo talaga, eh kalat na kalat na nga sa buong campus yung away nila fafa Crimson at Dos dahil sayo eh, dagdagan pa mung pagbuhat ni fafa Crimson sayo kahapon! Yung iba nga nagaalala baka maulit nanaman daw yung kasuhang naganap,pero this time imbis na babae eh bakla naman ang pag taluhan nung dalawa. Taray talaga nang junakis ko Ang haba nang hair,nung shampoo mo?" Biro pa ni Coach

"Head and shoulders p--eh?? Teka anong kasuhan?" Takang tanong ko naman

"Sabihin mo muna kung anong meron sainyong tatlo" pakunswelo pa ni Coach, napabuntong hininga na lang ako bago sumagot

Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon