Chapter 141: His falldown

224 14 4
                                    



Austin's POV

"Argh!" Daing ko nang hilain n'ya pababa ang buhok ko ko.Nanggagalaiti ko s'yang tinignan ngunit nagtaka ng bigla syang magsalita.

"What now?!" Napatingin s'ya sa gilid na naimo'y may ibang kinakausap. Napakunot naman ako nang mapansin ang nakalagay na earpiece sa Kaliwang tenga n'ya.

Sa isang iglap ay biglang nagbago ang reaksyon n'ya. Seryoso s'yang napatingin sa'kin na para banf may panibagong masamang binabalak.

"Alright. I'm on it." napalunok ako nang marinig ang sumunod n'yang sinabi sa kausap.

Hindi ko alam kung sino ang kausap n'ya at kung ano man ang sinabi nito sa kanya, pero ngayon alam kong nang may nag-uutos lang pala sa kanya. Kaya kanina pa limitado at maingat ang mga kilos n'ya. Meron pang isang tao sa likod nito.

Binitawan n'ya ang buhok ko at akmang tatayo na sana mula sa pagkakaluhod nang agad ko s'yang tadyakan sa may tyan. Napahiga s'ya sa sahig sa lakas ng pagkakasipa ko. Nakita 'kong tumalsik ang suot n'yang earpiece sa kung saan. Hindi naman ako nagsayang ng oras at mabilis na tumayo. Napatingin ako sa direksyon ni tita Agnes at agad na nagbuhayan ng loob nang makitang unti-unti n'yang idinilat ng mga mata n'ya.

Akmang pupunta na sana ako sa direksyon n'ya nang may biglang humila sa paa ko. Napangiwi ako nang tuloy-tuloy akong bumagsak sa maalikabok na sahig. Hindi ko agad nakabangon dahil sa pananakit ng katawan ko. Kinuha naman ni Envy ang pagkakataon at muling hinila ang buhok ko dahilan para mapasigaw ako sa sakit.

"Austin!" Dinig kong tinawag ni tita Agnes ang pangalan ko pero hindi ko s'ya magawang tignan. Sinubukan 'kong magpumiglas nang kusang bitawan ni Envy ang buhok ko at muling tumilapon. Gulat akong napatingin sa kanya at kay tita Agnes na nakatayo na sa likuran ko. Wala na ang tali sa kamay n'ya pati ang tape sa bunganga n'ya. Magulo ang buhok at parehong damit n'ya at may umaagos ding dugo galing sa noo n'ya. Napatingin ako sa kamay n'ya at nagulat nang makitang hawak hawak n'ya na ang isang pares ng suot na heels. Hinihigal s'yang napaluhod sa harap ko at niyakap ako saglit.

"Are you okay? Kaya mo bang tumayo?" Nag-aalalang tanong sa'kin ni tita dahilan para makaramdam ako ng kaunting ginhawa.

"O-opo, kayo? Dumudugo ang noo n'yo tita." alalang sagot ko sa kanya.

"It doesn't matter. We need to get out of here first." nagmamadaling tugon din ni tita saka dali-daling tinanggal ang pagkakatali ng mga kamay ko.

Mukha namang napuruhan si Envy at hindi agad nakabangon. Dali-dali kaming bumaba ng container van ni tita Agnes at tumakbo palayo.

"Si Austin!"

"Sila, Austin nga!"

"Eros! Cover-an mo 'ko!"

"Gago! Anong cover, tumakbo ka na!"

Agad na lumiwanag ang mukha ko nang makita si Dos at ang mga tukmol, hindi kalayuan sa'min habang nakikipaglaban sa isang grupo ng mga kalalakihan. Nakita ko pang buong pwersang sinipa ni Dos ang isa sa kanila bago tumingin sa direksyon namin. Napahinto kami ni Tita Agnes.

"Delikado dito. Kailangan nating maghanap ng--" Pareho kaming natigilan si Tita Agnes nang makarinig ng pagkasa ng baril.

Naging mabigat ang paghinga ko nang makita si Rent na napahinto sa pagtakbo papunta sa'min. Unti-unti akong napalingon sa likuran namin at mariing napapikit nang makita si Envy at ang isang hindi pamilyar na lalaki habang tinututukan kami ni tita Agnes ng baril.

Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon