Chapter 88: Austin meets Asia and Yanny

901 65 113
                                    



Austin's POV

Buong klase ay pinilit ko talagang magconcentrait at makinig sa lect pero kahit anong pakikinig ang gawin ko ay lumalabas lang sa kabilang tenga ko ang lahat ng itinuturo samin.

Pano kaya kung takpan ko tong kabilang tenga ko para dumiretso na sa utak ko yung mga lessons namin?

Eh kaso baka maligaw naman yun at pumunta sa lang sa tyan at mga bituka ko...bigyan ko na rin kaya ng mapa?

Kakatapos lang ng klase namin at pinasundo lang ako ni tita sa driver nya, napadaan kami sa isang convenience store at naisipan kong bumili ng ice cream kaya naman pinahinto ko agad ang sasakyan. Halos kalahating oras din akong nakatayo sa tapat ng freezer para lang pagisipan ng mabuti kung ano bang flavor ng Cornetto gusto ko, pero sa huli ay yung malaking lalagyan din naman ng selecta na rocky road ang pinili ko.

Bakit nga kaya rocky road ang tawag dito 'e wala naman akong nakikitang bato? =_=

Matapos magbayad ay lumabas na din ako ng convenience store, akmang maglalakad na sana ako papuntang parking lot nang mahagip ng mga mata ko ang grupo ng mga kalalakihang nakasuot ng kulay maroon na slux sa kabilang dulo ng kalsada katapat ng isang saradong tindahan. Nanliit naman ang mga mata ko nang makita ang isang babaeng nakasuot din ng ibang uniporme na hinarang nila.

Mga sira ulong to ah!

Hindi pa rin humuhupa ang inis ko mula kaninang umaga kaya naman hindi rin ako nagdalawang isip na tumawid ng kalsada at puntahan 'yung babae, nang makalapit sa direksyon nila ay agad kong kinawayan yung babae na para bang magkakilala talaga kami.

"Uy! nanjan ka lang pala. Tara dun tayo!" Umakto akong hindi napansin ang mga lalaki at agad na hinila yung babae na halatang nagtataka kung sino ako. Akmang maglalakad na sana kami paalis ng hawakan naman ng isang lalaki ang braso ko

"Teka lang naman miss, naguusap pa kami eh. Wag ka namang bastos" asar na ngiting pigil sa'min ng isang binatilyong may tatlong hikaw sa kaliwang tenga

Teka bawal yan sa school diba? Tsh! kung sa bagay, yung lintik na Ian nga na yun may pa nga tattoo eh. Baka nga isa din tong mga to sa mga alipores nya, tsk! Bakit ba kasi hindi ko agad yun naisip kanina bago ako sumugod dito?

"Ako? Bastos? Eh kayo nga 'tong kung makatingin 'e halos hubaran nyo na 'tong kaibigan ko" pagtataray ko, agad naman silang natawa

Wala nang atrasan to Austin, panindigan mo yan!

"Kaibigan? Eh base sa uniporme nyo halata namang hindi kayo magkaklase eh" sagot naman nung isa na may suot na itim na T-shirt sa loob ng polo nya

"Oo nga miss, kaya kung ako sayo umalis ka na kung ayaw mong madamay" pag sang ayon naman nung isa na may dala dalang baseball bat, napangiwi ako

Seryoso? Baseball bat? Sa dami nilang yan plus dalawa lang kaming babae? Haish! Ba't ba napaka-unfair ng mga lalaki sa school na 'to?!

"Teka... Parang nakita na kita dati eh" napalunok ako nang makita ang isang lalaki na lumitaw mula sa likod nila, agad akong nakaramdam ng kaba nang unti unti syang lumapit sakin at tignan ako mula paa papuntang ulo

Sya yung sinasabi nilang lider! Sya yung nakita ko sa may imbakan ng mga bote bakal!

Muling lumipat ang paningin ko sa dalang baseball bat nung isang lalaki nang kunin nya ito at ipatong sa kaliwang balikat nya, bahagya kaming napaatras nung babae habang mas papalapit sya nang papalapit samin. Napangiti sya

Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon