Chapter 57: Mall

781 69 22
                                    








Austin's POV







"Austin! Austin! Ganito dapat ang suotin mo oh! Hahaha ---aray!" Agad akong napalingon kay Rent nang ituro nya ang isang manekin na nakasuot ng kulay pulang bikini, agad naman syang binatukan ni Eros pero mas nangibabaw pa din ang tawanan nila. Napailing na lang ako





Enjoy na enjoy talaga silang apihin ako, porket alam nila ang sikreto ko eh no? -_-





Araw ng Byernes at nasa mall nanaman kami kasama ang mga tukmol para bumili ng mga kakailanganin para bukas. Kung tutuosin wala na kaming poproblemahin sa pagkain at matutulugan dahil sagot na mismo ni Matthew ang hotel at catering dahil pagmamay ari naman nila ang resort, sadyang nagpresinta lang talaga si Crimson na bayaran na lang lahat ng magagastos dahil birthday nya naman daw.

Sa ngayon namili na lang kami ng mga chichirya at mga inumin, habang namili naman ang iba ng mga bagong damit pangligo. Tanging si Klyde lang talaga ang utak elementarya samin na sinusubukan pang magpalibre kay Xeon ng salbabida kahit marunong naman syang lumangoy -,-




"Ano ba?! Para namang wala tayong swimming class nyan, hindi mo na kailangan nang salbabida dahil marunong ka namang lumangoy!" Dinig kong saway ni Xeon kay Klyde na yakap yakap pa ang puting salbabida na may ulo ng swan sa unahan, natawa naman ako

"Ihh tinatamad akong lumangoy eh! Nakakapagod lumangoy! Sige na Xeon!" Pamimilit nya pa

"Ul*l! Sumama ka pa! Kaya nga pupunta ng dagat para lumangoy eh! Engot neto" iiling iling namang saad ni Xeon sa kanya

"What are you going to wear?" Nagulat naman ako nang biglang sumulpot si Crimson sa likuran ko, napahawak pa ko sa dibdib ko bago sya lingunin

"Syempre panlalaking damit! Alangan naman mag two piece ako diba?" Pamimilosopo ko, natawa naman sya

"Okay chill, ang init naman ng ulo mo" natatawang saad nya habang nakataas pa ang parehong mga kamay



Pinagmamasdan ko namang mabuti ang ngiti nyang yun bago maalala ang napagusapan ng mga tukmol kahapon, lalo na nila Clinton at Wes...



"...medyo hindi na din tayo gaanong nagkakapagusap ah... kamusta?" Medyo alanganin kong tanong, napabuntong hininga naman sya bago sumagot

"Fine...I guess" sagot nya habang nakatingin kanila Klyde at Xeon na ngayo'y pinagaagawan na ang swan na salbabida, nang muli nyang ibalik ang paningin sakin "How about you? You two seems having a good time" dagdag nya dahilan para mablangko ako

"N-nino?" Tanong ko pa, mahina naman syang natawa

"Kayong dalawa ni Dos...bakit may iba pa ba?" Tanong nya pabalik. Agad naman akong napaiwas ng tingin

Bigla kong naalala yung araw na umamin din syang gusto nya ko, pero simula nun hindi na kami nakakapag usap ng maayos. Nagkikita lang kami sa school at minsan ay nagkakatinginan, pero bukod dun wala na

Tapos ang lakas pa talaga nang loob kong magpapasa load sa kanya nung gabing si Dos naman ang nagtapat sakin?!?! Jusko ang kapal ko talaga! >~<

Pero...ayos lang ba talaga sa kanyang pagusapan kami nila Dos?... Sa bagay, kung totoo naman ang sinasabi nilang may kinikita syang babae...edi wala nang atraso to.


"A-ayos naman..." Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya nang hindi nagpapamukhang kinukumpara o may pinili ako sa kanila

Mahirap na no! Malay ko ba kung anong iniisip nang dalawang to, baka mamaya magtunong malandi pa ko edi mas lalong nakakahiya yun!

Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon