Chapter 74: Party

682 58 40
                                    

Ilag sa typo mga bb's!! Nyapiii reading!!!😘🥰




Austin's POV


Nagising ako dahil sa sikat nang araw na tumatagos mula sa bintana nang kwarto ko, dali dali akong bumangon at patakbong pumunta sa sala pero agad ring napabagsak ang mga balikat ko nang makitang wala na sya dun.

Inabot na ko nang hating gabi kakahintay sa kanya na bumalik kagabi, pero nakatulog na ko't magising, wala pa rin sya. Napabuntong hininga na lang ako saka nakasimangot na dumiretso sa kusina para magluto nang almusal nang makitang nakalatag na sa lamesa ang isang bowl nang sinangag na kanin at isang pahabang plato kung saan nakalagay ang itlog, bacon, hotdog saka chicken nuggets. Meron ding isang plato na puno nang pinagpatong patong na pancakes, katabi nang juice at tubig. Halos lumuwa ang mga mata ko sa dami nang pagkaing nakahain, dagdagan pa nang mabangong amoy nito. Napapikit ako.


Shems ang bango talaga!


"What are you doing?"

"Ay p*tang*na ka!" Halos humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan nang dahil sa pagkagulat, napahawak pa ko sa dibdib ko bago inis na tinignan ang Dos por dos na tumatawa


Akala ko ba wala na to? Eh ba't nandito to ngayon?!


"Is that how you say good morning?" Sarkastikong tanong nya habang nakapamulsa nanaman, napangiwi ako

"Tsh! Ba't kasi bigla bigla ka na lang sumusulpot ha? Umaga na ah, bakit nandito ka pa din?" Pagtataray ko saka pasimpleng umupo sa isa sa mga upuan, naghahanda nang kumain nang bigla naman syang lumapit sakin. Yumuko pa sya para ilapit ang mukha sakin dahilan para manlaki ang mga mata ko. Inilapat nya ang likurang bahagi ng palad nya sa noo ko habang nakatingin pa din sakin nang diretso, napalunok naman ako dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa

"Looks like your fever is gone" saad nya pa bago muling umayos nang tayo at umupo sa tabi ko dahilan para makahinga naman ako nang maluwag

"Wala nga kasi akong lagnat sabi eh" apila ko na hindi nya naman pinakinggan at patuloy lang na naglagay nang kanin sa plato ko

"Yeah, sayang nga eh" dinig kong bulong pa nya dahilan para panlakihan ko sya ng mata

"So anong ibig sabihin mong nyan? Gusto mo pala akong magkasakit ganun?"

"No, it means i still wanna spend more time with you" sagot nya habang nakatingin pa rin diretso sa mga mata ko, dahilan para umurong nanaman ang dila ko


Thungene ke aga aga eh! (///_///)


Sinubukan kong labanan ang tingin nya pero hindi ko na kinaya, kaya sa huli ay umiwas na lang ako nang tingin nang saktong mag ring ang phone nya. Nakahinga naman ako nang maluwag

"Wait, i'll just answer this" malambing na tonong paalam nya pa, napatango na lang din ako bago nya sagutin ang tawag sa mismong tabi ko "What?! Your disturbing us!" Inis na salubong nya agad sa kausap. Nanlaki naman agad ang mga mata ko



Sira ulo talaga!


Hindi na lang ako nag abalang makinig sa usapan nila at nagsimula nang kumain, hindi rin naman naka loud speaker ang phone nya kaya sya lang mismo ang naririnig ko na puro pabalang kung sumagot -_-

"Eh pano kung ayaw ko?" Dinig kong sagot nya pa. Napailing naman ako

Wala talagang kwenta kausap... Ganyan ba talaga sya makipagusap sa telepono?

"Eh ano naman ngayon kung nanjan ka? Nandito din naman ako ah" pamimilosopo nya pa saka kumuha nang isang pancake gamit ang isa pang kamay saka nilagay sa plato nya "But i don't. So if you don't have anything else to say, i'll hung up now" naghiwa sya nang pancake saka itinapat ang tinidor sa big ko na sya namang ikinakunot ko

Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon