CHAPTER 2: First day

2.1K 173 41
                                    





Austin's POV






Lumipas ang tatlong araw at so far nakapagbonding at nakapamasyal naman kami ni tita dito sa maynila,pero di masyado since laging may tumatawag sa kanya na kesyo emergency daw.






KINABUKASAN nagising ako sa nakakarinding tunog nang alarm,napansin kong late na pala ako sa first day of school ko at di man lang ako ginising ni tita!


Dali dali akong naligo, nagtoothbrush saka nagbihis nang simpleng oversized light blue t-shirt saka maong na pantalon. Pagtapos magbihis ay dali dali akong patakbong bumaba nang sala. Gaya nang dati nakahanda na ang pagkain pero di tulad ngayon wala si tita







"Uhm... Manang Beatrice, asan na po si tita Agnes?" takang tanong ko sa isa sa mga kasambahay ni tita



"Ay maaga po umalis nagmamadali pa nga eh may emergency kasi" sagot nya napatango naman ako



"Ay oo nga po pala ma'am naayos na po namin yung mga gamit nyo, nasa kotse na po lahat" Pahabol pa ni manang Beatrice, sinuklian ko naman sya nang ngiti




Matapos kumain ay dali dali akong tumakbo papunta sa kotse, agad namang nagdrive si manong Kiko at hinatid ako sa school ko



Nasabi ko na kay tita na may dorm pala ang school na yun, bale dun kami matutulog at titira. Makakauwi lang kami pag Holiday break at pagnaka graduatena kami. Binayaran na din ni tita nang cash ang tuition ko at iba pang gastusin dun. Taray noh! Galante nang tita ko. Sayang lang at wala syang anak at asawa






Dala dala ang isang maleta at backpack ko ay patakbo akong pumasok nang school, saka sumakay nag elevator papuntang 4th floor saka dumiretso sa room 0457 kung saan daw ang magiging kwarto ko. Nasabi na din sakin nung babae na may ka room mate ako since dalawang tao ang nagmamay ari nang isang room, nabigyan na din ako nang schedule at babalitaan na lang kung kelan ko makukuha ang uniform ko



Pagkapasok sa loob ay sinalubong ako nang napakalaking kwarto! May Sala, kusina, at Dalawang malalaking kama! Meron ding chandelier at shelves





Woaaah parang yung mga condominium lang sa mga pelikula ah!





Papunta na sana ako sa sa kama ko nang magulat na may makitang lalaking mukhang bagong ligo at tanging twalya lang ang nakatakip sa ibabang parte ng katawan nya, unti unti namang tumulo mula sa buhok nya ang mga maliliit na butil nang tubig papunta sa katawan nya. Dahilan para mapatulala naman ako sa ganda ng katawan nya---ay anakanampucha! Ano bang nangyayari sayo Austin! Lalaki lang yan! maghunos dili ka!








Pakers naman oh! ba't kasi lalaki kasama ko sa kwarto??







Agad akong napaiwas nang tingin nang nagkasalubong ang tingin namin, pero hindi nya ko kinibo at dirediretsong lang na pumunta sa isang cabinet katabi nang kama nya. Napalunok naman ako bago agad na pumunta sa kama ko






Whooo! Kalma Austin! Malelate ka na oh! Dali na mag ayos ka na!





Pagtapos ilagay ang mga damit ko sa closet katabi din nang kama ko ay kinuha ko na uli ang itim na backpack ko at mapakunot nang mapansing wala na yung lalaking kasama ko kanina






Asan na Yun??





Sinilip ko pa lahat nang kanto ng buong kwarto, pati ang ilalim nang kama pero wala na sya. Sakto namang tumunog ang bell na sya namang ikinalaki nang mga mata ko








Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon